CHAPTER 32

7.9K 263 11
                                    

ELLA POV

"Tuloong!" naagaw naman ng sigaw na 'yun ang pagmumuni muni ko. Agad naman ko namang inilibot ang paningin ko sa paligid.

Wala na palang tao sa paligid at medyo hapon na rin. Hindi ko napansin ang oras, ilang oras din pala akong nakatulala.

Napansin ko naman ang isang kumpol ng mga kalalakihan hindi kalayuan sa pwesto ko.

Tumayo ako at agad itong nilapitan.

"Please maawa po kayo sakin. Ibibigay ko ang lahat ng gamit ko pakawalan niyo lang ako" naririnig kong sabi ng isang babae habang papalapit ako sa pwesto nila.

"Hah! Wala akong pakialam sa mga gamit mo. Makakaganti na rin ako sa magaling mong kapatid" hindi ko alam kung anong nangyayari pero lumapit pa rin ako. Hindi na muna ako agad nagpakita sa kanila. Kailangan ko munang malaman kung anong kailangan ng mga ungas na to sa batang to.

"Anong makakaganti? Sinong kapatid?" ramdam ko naman ang takot nito dahil sa manginginig ng kanyang boses.

"Sinong kapatid!? Edi ang tarantado mong kuya na si Jared! Hayop sya!" sigaw nung lalakeng nakahawak sa isang babae eh.

Agad kong napansin ang suot na uniform ng babae. Uniform ito sa Crimson Academy, sa high school category ito.

"Isusumbong ko kayo sa kuya ko!" matapang pang sagot nito.

"Edi magsumbong ka ! Kung mabubuhay ka pa" napansin ko naman ang biglang pananahimik ng babae na takot na takot. Iyak lang ito ng iyak.

"Hey! Let her go" sumingit na ako sa kanila at nagsipaglingunan naman ang lahat sa pwesto ko.

"Oy pare may chix" sabi nung katabi nung may hawak sa babae.

Tinignan ko lang sila na parang walang pakialam sa mundo.

"At sino ka naman para makialam!" gigil nitong sagot sakin.

"You don't have to know me, just let her go" wala paring expresyon na sagot ko.

"Ay pare inglesera"

"Shut up!" nanahimik naman ang kasama nito.

"Boss mukhang sa crimson to nagaaral. Tignan mo yung uniform niya" sabi naman nung lalaking nasa kaliwa na may hikaw pa sa dila.

Yuck! Kadiri!

"Miss isa ka ba sa mga babae ni Jared?" tanong naman nung mukhang lider.

"Who's Jared?" tanong ko sa kanya na may pagtataka.

"Ay putcha! Di pala nito kilala yun. Akala ko ba sikat yun sa campus nila boss?" tanong naman ng isang lalake na may peklat sa pisngi.

Tinignan ko lang muna sila isa isa. Mukha naman silang mga gangster sa kanto. Siguro mga nakaaway ito nung Jared na yun. May nakita rin ang mga tattoo sa bandang wrist nila. Hindi ko na lamang ito binigyan ng pansin at hinarap na sila.

"If you're looking for Jared. Bakit ang babaeng yan ang nilapitan niyo? What do you want from him?" napapahaba ang mga sinasabi ko dahil dito.

"May atraso lang naman samin ang gagong yun at pagbabayaran ito ng kapatid niya!" may halong pangigigil na sagot sakin nung lider nila.

"Bitawan niyo siya. If you want, dadalhin ko kayo sa Jared na sinasabi niyo"

"Akala ko ba hindi mo siya kilala?"

"Sabi niyo sikat sa campus yun? Pwede namang ipagtanong na lang kung nasaan sya"

"Sa tinging mo tanga kami? Bakit naman siya pa ang pupuntahan namin. Andito naman ang kapatid niya!" sabay hatak sa buhok nung babae.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon