CHAPTER 43

8.6K 231 27
                                    

THIRD PERSON POV

Maraming manonood pa rin ang humahanga sa ipinakitang laban ng kanilang Gangster Queen at ng isang kasama nito.

"I want my group to be on stage." Ani ng Gangster Queen sa malamig na tinig.

Nanahimik naman ang lahat dahil sa sinabi nito at inaabangan kung sino ang grupong tinutukoy ng Gangster Queen.

Napalingon ang lahat sa tatlong taong naglalakad papunta sa gitna ng ring. Nagsimula namang magbulungan ang mga manonood sa kung sila ba ang tinutkoy na miyembro ng Gangster Queen.

Mabilis na pumwesto ang apat sa likurang bahagi ng Gangster Queen at sabay sabay na pinilas ang parte ng kanilang kasuotan kung saan nakatago ang mga tattoo na magpapakilala kung sino nga ba silang lima.

Napasinghap ang lahat dahil sa gulat ng masaksihan kung ano ang kanilang mga nakita. Halos hindi makapaniwal ang lahat dahil sa kanilang nasaksihan.

"WHAT A BIG REVELATION!" Sigaw ng MC sa gulat ng mapagtanto kung sino ang nasa kanyang harapan.

Ang ilan sa mga nakakakilala sa kanilang apat ay halos hindi makapaniwala samantalang ang grupo ng Poisonous at 5Knights ay matiim na pinagmamasdan ang limang nasa harapan. Inaabangan nila ang pagtanggal ng Maskara na suot suot ng Gangster Queen.

"Tanggalin mo na yang maskara mo!" Sigaw ng isang manonood na sinundan naman ng lahat dahil sa nais malaman kung sino nga ba ang Gangster Queen na kanilang hinahangaan.

Napangisi naman ang Gangster Queen sa naririnig na daing ng mga manonood.

Bago niya hubarin ang maskarang suot ay lumingon muna sa sa pwesto ng kanyang grupo. Inilipat ang tingin sa kung saan ang Poisonous at 5Knights at matagal na tumitig roon at hinawakan ang tali ng maskara. Unti unti niya itong hinila at dahan dahan namang nahulog ang suot nitong maskara habang nakatingin pa rin sa pwesto ng 5Knights.

Parang slow mo ang pangyayari sa pagkakahulog ng Maskara ng Gangster Queen. Halos tumigil ang mundo ng lahat ng manonood ng tuluyan ng nalaglag ang maskarang suot suot ng Gangster Queen. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa buong UG.

Agad na inalis ng Gangster Queen ang tingin sa 5Knights at inilibot ang tingin sa paligid. Napangisi siya ng makita sa mata ng mga manonood ang gulat at pagkamangha. Ilang minuto pa ang lumipas at halos mabingi na ang lahat n manonood dahil sa lakas ng hiyawan.

Samantalang sa hindi naman makapaniwala ang limang miyembro ng 5 Knights sa nasaksihan kahit na may idea na sila kung sino nga ba ang nasa likod ng maskara.

Sa kabilang dako ng UG ay may isang babae ang matiim na nakamasid sa limang nasa gitna.

"Kayo pala ang Dark Royal Gang." Ani nito at mabilis na nilisan ang lugar.

CLAIRE'S POV

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod sunod na katok.

"Ano ba yan yaya! Mamaya na ako papasok." Sabi ko habang nakapikit pa rin.

Tuloy tuloy lang sa pagkatok si Yaya kaya nagaalburoto akong tumayo pero hindi natuloy iyon ng mapansing hindi ko kwarto ito. 'Teka, na saan ako?'

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon