CHAPTER 40

9.6K 278 33
                                    

Hi readers! Sorry for the long wait. Hehehe, wala kasing internet ng ilang araw kaya hindi ako makapag update.

Thanks for waiting!

----

LHEA's POV

Its already Sunday. Natapos ang foundation week ng hindi na pumapasok si Ella at Claire. Andito kami sa mall nila Camille at Sarah. Ilang araw na rin kaming gumagala dito at ilang araw na rin kaming tumatambay sa arcade. Ito lang ang pinagkakaabalahan namin dahil hindi naman makontak sila Ella. Wala rin kaming balita sa kung anuman ang nangyari sa kanya. Hindi rin pumapasok sila Brick at Cassy. Sabi naman ni Sarah may inaasikaso daw 'yung tatlo at sila Ella naman ay nagpapahinga. Hays. Hinayaan ko na lang dahil alam kong matindi rin ang mga natamo nilang sugat mula sa mga nakalaban nila. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming kaalam alam tungkol sa Mafia na humahabol kay Ella. Sabi naman ni Sarah 'wag na lang daw namin isipin 'yon. Ang importante ay makabalik na sila Ella.

Naglaro lang kami ng kung ano ano hanggang sa mapagod. Nang magutom naman kami ay naisipan naming kumain sa McDo. 'Di kami fan ng restaurant eh. Habang naglalakad papuntang mcdo ay may nakabanggan si Camille.

"Ouch!" daing nito.

"Omygosh! I'm sorry" sabay pulot sa mga nalaglag na paper bag.

Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar sa akin ang babaeng 'to. Nakita ko na kaya siya somewhere? Ah! Basta parang nakita ko na siya dati.

"No its okay. Hindi rin naman ako nakatingin sa dinaraanan ko" nakangiti pa niyang sambit.

"Hindi ka ba nahihirapan? Ang dami mo namang dala dala" tanong ni Camille.

"Hahaha. Hindi naman, sanay na ako. When I was in US lagi akong nasa shopping mall. And I badly need new staff" nakangiti pa ring sabi nito. Lumingon siya sa pwesto ko at hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. "I gotta go! I forgot something to buy" pagpapaalam nito sa'min.

Hindi ko na lang 'yon pinansin at inaya na sila.

"Buti na lang at wala masyadong tao. Maghanap ka ng pagpupwestuhan natin Lhea" sabi sa 'kin ni Sarah at tumango lang ako.

Naghanap na ako ng pwede naming pagpwestuhan at agad naman akong nakakita since hindi naman crowded ang area. Mabilis rin namang nakaorder ang dalawa kaya hindi na sila nagtagal sa counter.

Habang kumakain kami ay may nahagip ang mga mata ko. Nakita ko ulit 'yung babaeng nakabungguan ni Camille. Hindi naman nakikita nila Sarah kasi kaharap ko silang dalawa at ako lang ang nakaharap sa pwesto ng babae. Napansin ko naman ang paglingon niya sa pwesto ko at ngumiti. Ngumiti lang din ako pabalik at iniwas na ang tingin. May kakaiba sa ngiti niya na hindi ko malaman eh.

Isinawalang bahala ko na lang iyon at nagpatuloy na sa pagkain.

"Papasok na kaya sila Ella bukas?" tanong ni Camille.

"Siguro?" kibit balikat na sagot ni Sarah.

"Nakakamiss din pala sila ano? Pati sila Cassy namimiss ko na" sabi ko.

"Oo nga! Namimiss ko na rin sila. Pati kakulitan ni Claire" natatawang sambit ni Camille.

"Sana pumasok na sila bukas" sabi ko at muling napalingon sa pwesto ng babae kanina at nandun pa rin siya, nakangiti sa akin. Ang creepy niya.

"Sana nga" ibinaling ko na lang sa pagkain ang tingin ko.

"Nga pala! Nagawa niyo na ba yung project na pinapagawa sa 'tin ni Ms. Saavedra?" tanong ni Sarah. Si Ms. Saavedra ay 'yung prof namin sa Humanities na nagpagawa ng Video keme. Pwedeng music video, short firm etc.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon