CHAPTER 37

9.3K 294 34
                                    

THIRD PERSON's POV

Hindi magkanda ugaga ang mga manunuod sa paglabas ng stadium dahil sa nangyari. Ang ilan ay takot na takot na lumabas at may ilan naman na parang wala lang sa kanila ang nangyari.

Nang maubos na ang lahat ng estudyanteng manunuod maliban sa grupo nila Martin, Eva at ng five Knights ay agad nagsilabasan ang mga lalaking nakaitim mula sa mga pinagkublian nito. Nang mapansin ng grupo nila Martin na ito ay mga Red Tiger ay agad itong nagsilapitan sa pwesto ni Ella at mabilis itong pinalibutan.

"Ella, si Mr. Castro ay isang Red Tiger" sabi ni Sarah habang nakaturo sa tattoo na nasa braso nito na siyang natatakpan ng manggas na suot. Agad namang napalingon ang mga nakarinig sa sinabi nito.

"Fvck! He's indeed one of them" singhal naman ni Martin.

"Yes! He's one of us" sabi ng isang tinig kaya't napalingon ang lahat sa kanya. "It's nice to see you again Ms. Santos" ani nito na may kasamang ngisi sa kanyang mga labi.

"What!? Nagkita na kayo?" gulat na tanong ng grupo nila Martin. Hindi naman sila sinagot nito at matiim lamang na nakatitig sa lalaking kaharap.

"What do you want?" ani nito sa malamig na tinig.

"You know that we only want you!" sabi nito.

"Why did you kill him?" malamig na tanong nito. Halos hindi makaimik ang lahat dahil sa narinig. Mababakas na ang galit sa tinig nito.

"Dahil wala na siyang silbi! Tapos na ang trabaho niya" simpleng sagot nito.

"Kaya ba pinatay mo rin ang isa pang estudyante dito dahil sa mga tapos na ang trabaho nila sa mafia ninyo?" galit na tinig mula kay Chris. Napakunot naman ang ilan sa sinabi nito.

"Ahh.. iyon bang lalaking isinabit ko sa puno sa bandang dulo ng parking lot ninyo?" kunwaring tanong na siyang ikinainis ng kaharap. "Yes! They're now useless just like their lives kaya pinatay ko na sila" nakangising sagot nito sa sariling tanong.

Lumapit naman ang lalaking ito hanggang sa umabot ng dalawampung metro na ang layo nito.

"You want me right?" tanong nito na siyang ikinalingon ng lahat sa kanya. Lumbas ito sa bilog na ginawa ng grupo niya para takpan siya.

"Ella don't" pigil sa kanya ni Claire ngunit para siyang isang bingi na walang narinig ay nagtuloy tuloy lang,

"Then get me!" mariing tinig nito at mabilis na sumugod sa lalaking kaharap. Mabilis namang kumilos ang mga galamay nito at ganun rin ang ginawa ng lahat ng natira.

BRICK's POV

Mabilis akong lumapit sa pwesto ni Ella upang harangin ang mga lalaking gustong kumalaban sa kanya. Ayaw na ayaw pa naman niya ay ang mga harang. Mabilis kong inilabas ang baril at agad na pinagpuputukan ang mga ito upang magbigay daan kay Ella. Nang makalapit na ito sa kalaban ay itinuon ko na ang aking atensyon sa mga taong nais lumapit sa kanila. Mabilis kong pinagpuputukan ang mga lalaking nagtatangkang lumapit sa kanila hanggang sa maubos na lang ang bala nito.

Inilibot ko ang aking paningin at nakitang nakikipaglaban na din sila Eva at ang five knights. Pansin ko na medyo dehado ang five knights dahil sa hindi nito kayang makipag sabayan sa mga assassins na ito. Tama kayo ng basa, mga assassins ang mga ito at hindi naman kami takot na kalabanin ang mga ito.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon