CHAPTER 20

8.6K 260 1
                                    

ELLA POV

F*ck ! Where are they ?

Binalikan namin ang dinaanan namin kanina at nakitang nasa gitna ng kalsada ang kotse ni Sarah pati na rin ang mga cellphone nila ay nasa loob ng sasakyan. Nakita pa namin na nandoon ang limang lalaking ito. L

"Ano ba talagang nangyari?" tanong ni Rey. Actually pang ilang tanong na nya yan at kanina pa ako nabibwisit kase ang kulit nya.

"Hindi nga din namin alam" at pang ilang beses na rin nyang sagot yan .

"ENOUGH!" sigaw ko na nagpatigil sa kanilang dalawa. Nakakabwisit kase eh. Hindi na nga ako makapag isip ng paraan kung paano namin sila mahahanap.

BLAG !

Bigla namang bumukas ang pinto ng bahay ni Claire at dumating ang tatlong tao na hindi ko inaasahan. Hindi ko naman sila pinatawag ah.

"What do you want?" cold na sabi ko.

"Hehe. Ako ang nagpapunta sa kanila Ella" alanganin nya pang sabi. "Pinapunta ko na sila dito baka sakaling makatulong sila"

"Tss" tipid na reply ko lang.

"Bakit sino ba sila?" tanong naman ni Jared

"Kaibigan namin sila Sarah simula ng lumipat kami dito" ganting sagot ni Brick.

Napansin kong may namumuong atmosphere sa pagitan nilang dalawa.

Ano bang problema ng dalawang to.

"Eh kayo? Ano ang ginagawa nyo dito? Imposible namang kaibigan nila kayo eh hindi naman kayo close?" tanong naman ni Brick sa kanila.

"We are here to help them. May problema ba dun?" Sagot naman ni CHRIS.

"Enough!" Mahina kong sabi pero madiin para mapatingin sila sakin.

"Claire, bring your laptop here. Magdala ka rin ng extra" sakin lang sila nakatingin habang nagsasalita ako .

"Okay" mabilis naman syang umakyat sa taas para kunin ang laptop nya.

Tinignan ko naman si Vince at nagkataong nakatingin din sya sakin.

"Did you bring your laptop?" I asked. Nagulat naman sila sa tanong ko. Alam kong nagtataka na yan kung paano ko nalaman. Psh. Wala na akong panahon para dyan.

"Ahhmm. Yeah. Nasa kotse. I'll get" tumango lang ako sa kanya at umalis na ya para pumunta sa kotse nya .

Bumaba naman na si Claire bitbit ang dalawang Laptop. Inilapag nya iyon sa center table na nasa harapan namin.

Sunod na tinignan ko si Bryan. Tinitigan ko lang sya at maya maya lang ay tumango na sya at humarap sa laptop. Kinuha ko naman ang isa pang laptop. Ilang saglit lang ay dumating na si Vince dala ang laptop nya.

Bale, kaming tatlo ay nakaupo sa sahig at nakaharap sa laptop namin samantalang yung iba naman ay nanatiling nakaupo sa sofa. Tumabi naman sakin si Claire, si Brick kay Bry at Chris kay Vince.

Kung hinahanap nyo si Camille kung nasan ay umuwi na sya . Pinauwi na namin sya at sinabihan na sasabihan namin sila kapag nahanap na namin sila Sarah.

"Bry hack the cctv before the incident and Vince after the incident" tumango lang sila sa sinabi ko at nagsimula ng magtipa sa keyboard.

Kinalikot ko na rin ang laptop na nasa harap ko at yung cctv malapit sa school ang hinack ko. May possibility na paglabas pa lang namin ng school ay nakasunod na sila. Hindi ko lang napansin dahil nasa unahan kami at natutulog ako kanina.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon