CHAPTER 44

7.9K 244 22
                                    

VINCE's POV

Nagtungo kami ni Camille sa Intramuros para kunan ng video ang isa sa mga historical place dito sa Pilipinas.

"Teka! Pwede ba tayong pumasok diyan? Hindi ba't may mga entrance?" Pigil sa 'kin ni Camille sa tangkang pagpasok ko sa isa sa mga bahay dito sa Intramuros.

"Of course meron. Don't worry about that. It's all settled!" Sabi ko at hinatak ko na siya papasok sa loob.

"Hi everyone! We are here sa Intramuros and this house ay isa sa mga pinakiingat ingatan ng mga Pilipino upang mapanatili ang pagiging historical!" Sabi niya habang nakatutok ang camera sa kanya. "Wait! Halika dito Vince, look sa isang antique. I wonder kung ilang years na ba silang naka store dito sa loob ng historical house." Pinatay ko ang video record at sinave data.

"Okay na siguro yun dito. Let's find another place at ako naman ang videohan mo." Sabay abot ko sa kanya ng DSLR.

Hinatak ko na siya palabas at nagpasalamat sa gwardyang nagbabantay sa labas ng bahay.

Inikot pa namin ang buong intramuros at marami na rin kaming videos ang nagagawa. Isa rin sa mga pinuntahan namin ay ang Manila Cathedral kung saan makikita mo ang gandang hindi kumupas.

Habang nagiikot ay hindi ko napansin na kanina pa pala kami magkahawak ng kamay. Agad akong bumitaw ng mapansin rin niya. Nagiwas kami ng tingin sa isa't isa.

Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya kaya may isang ngiti ang lumabas sa mga labi ko. Buti na lang di niya napansin 'yon dahil agad kong inalis ang ngiti sa aking mga labi ng bigla siyang lumingon sa pwesto ko.

Naglakad lakad pa kami hanggang sa makarating kami sa luneta. Kumuha ulit kaming dalawa ng video na kitang kita ang statue ni Jose Rizal.

Halos mapagod kaming dalawa sa paglilibot mula intramuros hanggang dito sa luneta. Kahit ang mga kalesa ay kinukuhanan ni Camille at tuwang tuwa naman siya sa mga ginagawa niya.

"Let's eat first. I'm hungry!" Aya ko sa kanya. Tumango lang siya at nagpatianod na sa hatak ko.

Nagpunta kami sa isang fast food malapit lang dito sa luneta. Hindi na namin kayang lumayo pa dahil sa pagod.

We ordered food as much as we can at nang makuha ang pagkain ay walang sali-salitang nilantakan kaagad ito. Walang nagtangkang magsalita sa'ming dalawa habang kumakain. Gutom na gutom.

Napangiti ako habang pinapanood syang kumain. Ngayon ko lang napansin na maganda pala talaga sya. The hell, anong pinagiisip ko? Erase that thought.

"Mas bagay sa'yo ang nakangiti. Why don't you smile often?" Bumalik ang walang emosyon kong tingin sa kanya ng marinig 'yon.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako pangiti ngiti. Ano bang nangyayari sa'kin?

"Oh! Ba't bumalik sa dati 'yang expression mo?" Nagtatakang tanong nito.

"Just finish your food, may pupuntahan pa tayo." Sabay iwas ko ng tingin sa kanya.

CAMILLE's POV

Ang bipolar naman nito, parang kanina ayos pa kami ah.

Hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain.

Halos 30 minutes ang lumipas bago ako natapos sa pagkain. Tinignan ko ang kasama ko at may tinitignan sya sa cellphone nya. Hindi nya napansin na tapos na ako kumain.

Tinitigan ko lang sya hanggang sa maramdaman nya ang titig ko.

"You're done?" Tumango lang ako sa kanya at tumayo.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon