CHAPTER 50

5.6K 159 9
                                    

Jared's Point of View

Nasa parking lot kami ng may maramdamang kakaiba. Bigla akong na alerto dahil hindi pangkaraniwan ang nararamdaman ko ngayon. Luminga-linga ako sa paligod at napansin ang mga lalaking nakatago. Nilingon ko sila Chris at batid kong pati sila ay naramdaman iyon.

Nilingon ko si Eva na hanggang ngayon ay nakapulupot pa rin ang kamay sa braso ko. Kanina pa sya nangungulit at hindi ko sya pinapansin. Lumuwag ang hawak nya nang mapansin ang titig ko sa kanya.

Naging alerto ang lahat ng sabay sabay silang lumabas. Mga nakaitim sila na pang ninja ang suot. Balot na balot pero may mga ilang parte na kita ang balat nila. Doon makikita ang isang tattoo.

"Red Tiger?" Napalingon ako kay Eva dahil sa binulong nito. "Red Tiger nga." Nilingon ko ang mga kaharap at napagtantong tama nga sya.

Ano ang kailangan ng Red Tiger sa amin. Wala naman si Ella dito.

Bigla akong nadama ng kaba. Hindi ko alam kung para saan at kanino iyon pero isa lang ang sigurado ako. May hindi magandang mangyayari.

Nilingon ko ang mga kasama ko. Handa na silang sumugod at gano'n din ako. Walang may balak na mauna sa grupo namin at mukha ring walang balak na sumugod ang mga kaharap. Pare-pareho kaming nagpapakiramdaman. Nakatingin sa bawat isa at walang imik.

Hindi sila gumagawa ng hakbang at gano'n din naman kami. Sinubukan silang tanungin ni Vincent pero walang sumagot sa kanila. Susugod na dapat sila kaso mabilis ko silang pinigilan.

"Hayaan ninyong sila ang unang sumugod." Nanahimik sila at nakiramdam na lamang sa paligid.

Mukhang wala talaga silang balak na sumugod. Marahil ay tinatakot lamang nila kami o dahil sa gusto lang nila kaming harangin. Wala dito si Ella kaya sigurado akong hindi si Ella ang pakay nila sa amin.

"Kung wala kayong balak gawin. Pwes paalisin nyo na lang kami." Isang hakbang pa lang ang ginagawa ni Vincent nang itaas nila ang mga baril na hawak at itinutok sa amin.

Napakuyom ang kamao ko. Gustuhin man namin lumabang ay paniguradong 'di kami magtatagal. Matatas na de kalibreng baril ang nga hawak nila. Bukod doon ay may ilan din silang patalim na hawak.

Ilang minuto ang tinagal ng pananatili namin doon at ilang saglit lang ay sabay sabay nilang ibinaba ang mga baril na nakatutok sa amin. Hindi rin nagtagal ay unti-unti silang nagsialisan hanggang sa tuluyan silang mawala sa paningin namin.

"What the hell was that!?" Inis na singhal ni Vincent.

Ako naman ay iniisip kung ano ba talaga ang pakay nila sa amin. Kung bakit wala silang ginawang hakbang kung isa ba talaga sa amin ang kailangan nila. Lahat kami ay napapaisip sa nangyari at lahat kami'y walang makuhang sagot.

Pasakay na sana ako ng sasakyan ng makita ang grupo nila Claire na nagmamadali. Napakunot ang noo ko nang makita ang kabuoang itsura nilang lahat. Kasama na ring ang mga ka gang ni Sarah. Lahat sila ay may mga galos maliban lang kay Lhea na umiiyak at nanginginig.

"Anong nangyari sa inyo?" Si Chris ang unang nagsalita sa amin.

"Wala kaming oras makipagkwentuhan sa inyo ngayon. Kung gusto nyong malaman ay sumunod na lang kayo sa amin." May bahid ng pagmamadali ang tono nito.

Walang nagtangkang umangal bagkus ay nagsisakayan sila sa mga sasakyan at sinundan ang sasakyan nila Claire. Gano'n din ang ginawa ko at hindi na pinansin ang pagkawala ni Eva sa tabi ko.

Dire-diretso ang byahe namin. Ang bilis ng pagpapatakbo nila kaya sinundan namin ang bilis nila. Pumasok kami sa isang subdivision na halos wala ng nakatira. Wala ring guard na nagbabantay kaya dire-diretso ang pasok namin. Ilang liko ang ginawa namin hanggang sa may pinasukan kaming malaking bahay.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon