CHAPTER 8

9.1K 314 2
                                    

CHRIS POV

Pauwi na sana kami ng may biglang humarang samin sa parking. Nagtataka sila kung sino ang mga 'to samantalang ako ay natandaan ko ang mukha nung dalawang ulugo.

"Oh ! Na'san na yung chix mong kasama kanina" tanong sakin nung isa. Sabay lingon sa likurang bahagi para tignan kung kasama ba namin.

Nagtaka naman ang iba kong mga kasama at napatingin sakin.

"Ahhhmm. Si Claire 'yun" bored ko lang na sabi sa kanila at naintindihan naman nila agad.

"Nandyan na pala eh. May kasama pang ibang magaganda" sabi nung isa pa habang nakatingin sa likuran namin kaya napatingin na rin kami sa likod. "Bigay nyo na lang sila samin para wala ng problema, madali lang naman kami kausap"

"Tss" rinig kong sabi ni Jane. tapos naglakad lang sya sa harapan namin na parang wala lang. Hindi pa man din sya nakakalampas sa mga pangit na 'to ng hawakan sya sa braso nito dahilan para mapahinto siya.

Tinignan lang sya ni Jane tapos tingin sa kamay nitong nakahawak sa braso nya.

"Hala Claire, baka mapaano si Ella" rinig kong sabi nung isa nilang kasama na may himig ng pag aalala.

"Psh. Bayaan mo sya" inaantok nya pang sagot habang nahikab.

Ano ba namang klaseng kaibigan to, di man lang inalala na nasa panganib si Jane.

Nagulat na lang ako ng may marinig akong salita. And promise to say, bigla akong kinabahan.

"Get your filthy hands off me" may diin at lamig na sabi nito sa lalaking may hawak sa kanya. Napansin ko na medyo napaatras pa ito kaso hindi nagpatinag.

"Hahaha, ano ka ba naman miss. Sumama na lang kayo samin kasama ng mga kaibigan mo. Paliligayahin nami-" bago pa man nya matapos ang sasabihin ay bigla na lang sya bumagsak.

Nagulat naman kami sa bilis ng nangyari. Naging hudyat nama 'yun para lumaban ang iba nilang mga kasama. Nasa 20 lang naman sila kaya, yakang yaka 'to kaya lang may mga audience kami.

Hinigit naman ni Uno si Jane papunta sa likuran kasama ng mga kaibigan nya. Nailayo na pala ng iba kong mga kasama ang iba pang girls.

Nang medyo malayo na sila ng konti sa'min ay agad na lang silang sumugod.

SARAH POV

Nagsimula na silang makipaglaban dun sa mga pangit na goons at masasabi kong magagaling nga sila.

Samantalang si Lhea at Camille ay nakakapit ng mahigpit sa magkabilang braso ko. Ramdam na ramdam ko ang takot nila, habang si Claire at Ella ay parang hindi mo mababakasan ng takot sa mga mata nila. At east lang sila, si Claire nga humihikab hikab pa habang sa Ella ay bored na nakatingin sa mga naglalaban.

Hindi kaya mga gangster din sila? Nakita ko kase kung anong ginawa ni Ella dun sa pangit na humawak sa kanya eh. Isang sapak pa lang bigla na lang bumulagta sa sahig. Alam kong malakas yun kase napatulog nya 'yung pangit ng walang kahirap hirap.

"Aish! Inaantok na ako. Ang tagal naman nilang matapos" humihikab pa na reklamo ni Claire.

Nagtatakang napatingin kaming tatlo sa kaniya na parang wala lang sa kaniya ang nangyayari habang nakatingin sa naglalaban.

"5 minutes na ang nakakalipas, ang babagal naman nila" matapos tumingin sa relo nito.

Tumingin na lang din kami sa mga naglalaban at matapos ang dalawang minuto ay natapos na sila. Lumapit naman sila samin.

Naglakad na lang bigla si Ella papunta sa kotse ni Claire.

"Hindi ka man lang ba mag te-thank you?" narinig kong tanong ni Uno. Yeah, Uno ang tawag sa kanya ng lahat. Only his close friends can call him by his name.

"Did I asked for your help?" balik tanong nya ng hindi man lang lumilingon, at tinuloy na lang ulit ang paglalakad.

"Ahhhmm. Thank you pala" nahihiya kong sabi sa kanila. "Sige, mauuna na kami"

"Wait" narinig kong sabi ni Tres kaya napahinto kami sa paglalakad.

"Ahmm. Anong pangalan nyo?" sabi nya habang nagkakamot ng ulo nya. May kuto ba sya? Hahaha.

"Ahhhm. Si Ella yung nauna--"

"Jane" pagtatama ni Claire sa pangalang sasabihin ko sana.

"Ayy' Jane pala, tapos si Claire, Camille, Lhea and I'm Sarah" nakangiti kong sabi habang tinuturo ko sila isa isa.

"Okay. See you tomorrow"

At nagsipasukan na nga sila sa kanya kanya nilang mga sasakyan kaya ganun na rin ang ginawa namin at umalis.

JARED POV

"Did I asked for your help?"

Until now, iyun at 'yun pa rin ang bumabalik sa aking isipan. F*ck !

I know that there's something with her. The way she talk and the way she smirk awhile ago. Idagdag mo pa yung pagsuntok nya 'dun sa lalaking humawak sa kanya. Masyadong malakas ang pagkakasuntok nya para maknock out ng isang beses.

At napansin ko pa kanina na hindi man lang kababakasan ng takot ang mukha nya. It's just plain poker face at halatang bored na bored na sa nangyayari. Hindi ganung expression ang inaasahan ko sa isang katulad nya. Maybe because she's different.

And I'll find everything about you.

----

Don't forget to vote ang share this story.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon