CHAPTER 29

8K 269 4
                                    

JARED POV

Andito ako ngayon sa bahay namin. Kararating ko lang galing sa mall kanina, nang mabasa ko kase ang text ni Eva sakin kanina ay mabilis na akong umuwi pero hindi ko inaasahan ang makikita ko habang nasa daan.

Maya maya nga lang ay nagdatingan silang apat sa sala.

"Uno ano palang nangyari kanina at pinagmamadali mo kami" agad na tanong ni Chris

"Tapos pinabalik mo din naman kami agad dito" sunod na sabi ni Rey.

"It's just that something happened unexpected" seryoso kong sabi sa kanila.

"Ano ba ang nangyari?" seryosong tanong ni Vince sakin.

FLASHBACK

From: Babe

Babe, I'm going home na. may nakalimutan pala akong asikasuhin. Don't worry about me, magcocommute na lang ko.

After I recieve this message, umalis na ako ng mall. Habang nasa byahe ako, nagkarron ata ng banggaan kaya inabutan ako ng traffic. Dahil sa naiinip na ako ay dumaan ako sa isa pang daang alam kong mas mabilis akong makakauwi.

Paliko na sana ako sa isang daan ng mapansin ko ang mga nakaharang na sasakyan kaya hindi ako makadaan kaya naman naisipan kong bumaba muna to check kung anong meron.

Pagsilip ko sa daan ay nagulat ako sa nakita ko. May mga lalaking may mga dalang armas at may isang babae ang nakikipaglaban sa kanila. Dahil nakatalikod sya sa pwesto ko ay hindi ko makita kung sino pero pamilyar sakin ang suot nitong damit.

Masasabi kong magaling sya makipaglaban. Ang ganda ng mga galaw nya. Napansin ko naman na parang dumadami sila. Biglang humarap sa pwesto ko yung babae at nagulat ako ng makilala ko kung sino siya.

'Mama ito ni Ella' nilibot ko naman ang paningin ko at hindi ko makita si Ella.

Kung makikipaglaban ako sa kanila paniguradong dehado kami. Kaya naman agad kong tinawagan sila Chris.

"Come here quickly" matapos kong sabihin iyo ay agad ko na itong ibinaba.

"Mama!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses kaya naman agad akong napalingon.

Nakita ko si Ella na tinutulungan ang mama nya sa pagkakatayo at nakita ko rin na inabutan nya rin ng baril ang mama nya.

Nagsimula na silang magpapautok sa mga kalaban nila. Napatulala na lang ako sa aking nakikita, ngayon ko lang napansin na marunong pala sya humawak ng baril at bawat asinta nya ay talagang asintado. Ganun din naman ang ginawa ng mama nya.

Sino ka ba talaga Ellanie Jane Santos? Pati ang mama mo. Sino kayo?

Pinanuod ko lang silang makipaglaban hanggang sa naubusan na nga sila ng bala. Napansin kong sugatan na ang mama nya pero ni isang sugat wala syang natamo.

Bakit ba ang tagal ng mga ungas na yun? Nasan na ba sila?

Napansin ko naman ang mga tattoo sa mga batok nila. "Red Tiger?" tanong ko sa sarili ko.

Ano bang ginawa mo Ella at hinahunting ka ng Red Tiger Mafia?

Napanganga ako sa gulat ng makita ko ang ginawa nya. Ang ganda ng pagkakaback flip na ginawa nya na talaga nga namang nagpatulog sa mga kalaban nya.

Masyado syang magaling para sa isang babaeng may kaunting kaalaman sa Martial Arts. Is she a gangster? Nope! Imposible. Mas posible syang isang assassin or reaper of a Mafia kaya siguro hinahunting sya ng isang Mafia. Kailangan may makuha akong mga information sa kanya.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon