CHAPTER 21

8.2K 261 0
                                    

JARED POV

Ng makarating na kami sa lugar kung na saab sila ay may nakita akong isang lumang building. Pero masasabi mong maganda pa rin ito kahit luma na sya.

Bumaba na kaming Walo sa kanya kanya namin sasakyan. Tinignan ko naman ang isang babae na kasama nila Martin.

"Samahan mo sila Ella mamaya. Kaming ng bahala dito but before that make sure na walang makakalapit sa inyo" narinig kong sinabi ni Martin doon sa babae. Nakita ko namang tumango ito.

Napansin ko naman na naglabas na sila ng mga kanya kanya nilang baril. Napakunot ang noo ko, 'Lagi ba silang may dala nyan? Parang hindi ko naman nakitang nagdala sila kanina ah' takang tanong ko sa sarili ko.

Kinuha na rin namin ang mga baril namin sa loob ng sasakyan. Bago lumakad ay tinignan ko muna ang lumang building at sa nakikita kong mga taong palakad lakad sa loob nito ay masasabi kong hindi sila basta basta dahil na rin siguro sa mga armas na hawak nila.

"Secure the perimeter first" narinig kong sabi ni Martin sa amin.

Inuutusan nya ba kami? Kahit hindi na nya pa sabihin. Alam na namin kung ano ang gagawin.

Bago kami umalis ay may iniabot sya sa amin na transmitter. Alam naming magagamit namin yun kaya kinuha na rin namin at inilagay sa mga tainga namin.

Naglakad na nga kami at naghiwahiwalay.

Habang naglalakad kami ay may narinig akong nagsalita sa transmitter.

"Chris south, Vince East, Marco and Rey West. Jared and Brick Entrance, And Bry sa taas" narinig kong sabi ni Ella sa kabila.

"Copy/copy" narinig kong reply nila Martin at Bryan.

Sa lahat ba naman ng makakasama ko si Martin pa. Nananadya ba sya? Baka alagain ko pa to.

Nagsalita na lang din kami para matapos na to.

"Don't do stupid things" narinig pa namin tapos tumawa lang sa kabila si Martin.

"Hahaha. Bakit hindi mo na lang sabihin na take care? Iba ka talaga" sabi pa nya.

"F*ck you!" narinig ko pang sabi ni Ella.

Nagsimula na nga kaming maghiwa hiwalay at dumiretso sa kanya kanyang assign place.

Habang lumalapit kami ay nakikita kong tumutumba ang mga lalaking nasa itaas ng building. Napalingon ulit ako dun sa Bryan at nakita kong inaasinta nya ng walang palya ang mga lalaking iyun. Bull's eye na bulls eye lahat ng inaasinta nya. Napahinga naman ako. Para syang reaper.

Ibinalik ko na nga ang tingin sa harapan ko at nakitang may papasugod na sa pwesto namin. Nagsimula na nga ako makipag suntukan sa mga kalaban.

May isang sumugod sakin, susuntukin nya sana ako buti na lang at naiwasan ko agad at in'upper cut ko sya ayun bagsak. Naramdaman ko namang may papalapit sakin na bala at agad kong naiwasan at binaril ang taong iyon. May nakita pa akong tatlong tao na sabay sabay na nagpaputok sa pwesto ko. Umilag lang ako at pinaputukan ko rin sila.

Napansin ko naman na marami ng bangkay ang nagkalat kaya tinignan ko naman si Martin at napansin kong ang husay nya humawak ng baril. Lahat ng inaasinta nya ay kung hindi sa noo ay sa puso. Marunong na pala syang pumatay ngayon. Nagulat naman ako ng lumingon sya sa pwesto ko at tinutukan ako ng baril at pinaputok yun.

Ang bilis ng tibok ng puso ko ng mga oras na yun at hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Mga ilang saglit pa nga ay napansin ko namang hindi ako tinamaan. Nakarinig naman ako ng pagbagsak mula sa likod ko kaya agad ko itong tinignan.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon