CHAPTER 26

8K 246 5
                                    

ELLA POV

Pag uwi ko ng bahay ay nakita ko naman si mama na nakaupo sa sofa at nanunuod. Pagkakita nya sakin ay tumayo agad sya.

"Ellaaaa imissyou baby girl!" nakanguso pa niyang sabi habang yakap yakap ako. Hindi ko na lang inalis ang pagkakayakap ko kase ilang week din kaming hindi nagkita.

"Baby girl, may sasabihin pala ako sayo" biglang seryoso nyang sabi. Tinignan ko sya at alam kong seryoso talaga sya dahil walang halong biro ang itsura nya.

Umupo ako sa sofa at nakinig sa mga sasabihin nya.

"Aalis ulit ako but this time hindi na sya out of town. Out of the country ito, may mga aasikasuhin lang ako sa Europe" seryoso nya pa ring sabi.

"You're leaving again? What's the purpose of going back if you are going to leave again. Sana sinulit mo na lang" cold ko na sabi.

Kahit naman ganito ako makitungo kay mama ay nag aalala pa rin ako sa kanya lalo pa't may nagtatangka sa buhay ko. Paano na lang kung sya ang gawing bihag nila laban sakin?

Hindi ko kakayaning may mawala na namang mahalaga sakin.

"I'm sorry baby girl. I just missed you that's why" lungkot nya pang sabi. Niyakap ko na lang sya. Naramdaman ko naman na nagulat sya sa ginawa ko, kumalas din naman ako agad ng marealize ko yung ginawa ko.

"Ah-"

"Kumain ka na baby girl, niluto ko ang favorite mong pagkain"

Tumayo na ako at dumiretso sa kusina para kumain. Buti na lang at friday ngayon. Sa sunday pa naman daw ang alis nya so andito pa sya sa bukas.

After ko kumain dumiretso na ako sa kwarto ko para matulog.

Dahil na rin siguro sa dami ng nangyari kanina ay mabilis na akong nakatulog.

*****

Iminulat ko ng paunti unti ang aking mga mata, napansin kong nasa isang lugar ako na hindi pamilyar. Sinubukan kong tumayo ngunit napansin kong nakatali ako sa isang maliit na lugar.

Hindi ko alam kung na saan ako. May nakikita akong puting kisame, may mga naririnig din akong tunog ng mga aparato. Nasan ako? Nasa Ospital ba ako? Pero anong ginagawa ko dito? Naaksidente ba ako?

Hindi ko masyadong marinig ang mga taong nagsasalita dahil nanghihina pa rin ako. Parang hinihigop ang buong lakas ko. May naririnig din akong mga yabag na pabalik balik at alam kong nagmamadali sila dahil sa bilis ng kanilang mga yabag.

Ano bang nangyayari? Bakit nandito ako sa lugar na ito? Bakit parang ang daming tao.

Nang maimulat ko na ng tuluyan ang mga mata ko ay may nakita akong mga tao malapit sakin. May mga nakasuot ng itim na suit at may mga nakaputing damit na parang katulad ng sa doctor.

Baka nga nasa ospital ako? May mga doctor eh pero sino naman yung mga lalaking nakaitim na suit?

May narinig pa akong nagpabalik balik malapit sa pwesto ko.

"Doc, she's awake" sabi ng lalaking nakaitim.

Sinubukan kong ibuka ang aking bibig pero hindi ko magawa, masyado akong nanghihina pero sinubukan ko pa rin.

"Si-no k-ayo-?" mahinang usal ko. Sa sobrang hina, hindi ko alam kung narinig ba nila ang mga sinabi ko.

"She's strong. Nakaya ng katawan nya ang ilang dosenang drugs sa katawan nya. As you can see, kaya nya pang imulat ang kanyang mga mata. I can say na she's the best person to fit in this case" tumango tango lang naman yung lalaking kausap nya. "Sa edad nyang sampu, hindi ko inakalang kakayanin nya pa ito" hindi ko marinig ng masyado ang mga sinasabi nila.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon