CHAPTER 27

7.9K 235 7
                                    

ELLA POV

'ELLA!'

Nagising naman ako sa isang malakas na sigaw kaya agad naman akong napabalikwas.

Nakita ko naman ang nag aalalang mukha ni mama.

"Okay ka lang ba Ella? Mukhang nananaginip ka. Kanina pa kita ginigising kaso hindi ka magising" nag aalalang tanong nya sakin.

Iniisip ko pa rin kung anong klaseng panaginip ba iyon kung panaginip bang maitatawag iyon o talaga bang nangyari sakin. Hindi ko rin masyadong maaninag ang mga mukha sa panaginip na iyon. 'Ella' iyon ang pangalan ng bata sa panaginip. Ako ba iyon? Pero bakit hindi ko maalala? Parte ba iyon ng mga nawalang alaala sa akin? Tss.

"Ella? Okay lang ba ?" nagaalalang tanong pa rin sakin ni mama.

Tumango na lang ako sa tanong nya.

"Bumaba ka na, nakahanda na ang almusal mo" sabi pa nya.

Tumayo na nga ako sa higaan ko at dumiretso ng cr para maghilamos. Habang naghihilamos ay inaalala ko pa rin ang panaginip na iyon.

Ang isa pa sa ikipinagtataka ko ay yung tattoo na nakita ko. Hindi ko masyadong naaninag ang tattoo na yun pero may kamukha iyung tattoo.

Pagkatapos ko mag ayos ay dumiretso na ako sa baba at pumunta ng dining area. nandoon naman na si mama.

"Ella? Gusto mo bang pumunta ng mall ngayon? Baka may mga gusto kang bilhin?" tanong sakin ni mama .

Tumango lang ako sa gusto nyang mangyari, wala naman akong gustong bilhin eh, ayaw ko lang talaga na magisa syang aalis ngayon lalo pa't may mga nagtatangka sa buhay ko.

Tinapos ko lang ang pagkain ko at bumalik sa kwarto ko para mag asikaso na since 1oam na rin naman. Tinanghali na pala ako ng gising.

****

Nasa mall na kami ni mama at nagiikot ikot na. Pumasok sya sa isang shop na puro bags.

"Ella, what do you think? Alin ang magandang kulay ? Itong Pink" tapos inangat nya ang hawak na pink bag. " o etong Red?" tapos inangat naman nya ang isa pang red na bag.

Tinignan ko lang sya tapos tumingin sa Red na bag then tumango. Nakuha naman nya agad ang gusto kong sabihin.

"Miss ito ngang Red na bag please" sabi nya sa sales lady na kanina pa nakasunod sa kanya.

Binayaran na nga nya iyon at kinuha yung paper bag tapos lumipat sa shop na puro mamahaling damit. Nagtingin tingin din naman ako ng mga damit.

Sunod naman ng sunod sa amin itong sales lady, kanina pa rin naman kami nagiikot ni mama dito kaso wala pang napipili si mama. Masyadong magaganda, tinitignan din naman ni mama yung prices at napapailing na lang sya sa nakikita nya.

Bigla namang nagsalita ang sales lady.

"Maam, kung hindi nyo naman po afford ang mga dresses dito sa ibang shop na lang kayo tumingin" sabi nya tapos tinignan ako mula ulo hanggan paa.

Nakaka V-neck na plain white shirt lang kase ako tapos naka ripped jeans at converse. So anong feeling nya? Na mahirap kami?

Tinignan ko din sya ula ulo hanggang paa. "As far as I remembered you're just sales lady here and I don't need your reactions. If you are afraid that we might steal your clothes then dream on. I can buy your whole life" malamig kong litanyasa kanya. Natakot naman ata sya sa sinabi ko.

Dahil sa mga sinabi ko ay nakahakot kami ng tingin mula sa ibang namimili. Buti na lang at nasa kabilang part si mama.

"What's this commotion all about?" may narinig akong pamilyar na boses mula sa gilid namin pareho.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon