Sinundan niya ng sinundan hanggang sa...
"Ano tong lugar na to? Parang ngayon ko lang nakita muli ito." Sambit ni Ivy sa sarili habang napahawak sa pader ng building na iyon ngunit tanging tili na lang ang nagawa ng dalaga ng higupin siya ng pader na iyon.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!" tili ni Ivy. May pabilog, pahaba, patatsulok na bagay siyang nakikita habang nahuhulog siya sa kabilang pader na inakala niya na nananaginip lamang siya. Hanggang sa....
"Na-nasaan a-ako? Si-sino ka-kayo?" nauutal na sabi ni Ivy ng mapadpad siya sa lugar na alam niyang puno ng mahika at dragon dahil sa ito ay kanyang napapaginipan. Hanggang sa siya ay nahimatay sa harap ng limang lalaki sa kanyang harapan.
"Dalhin na natin siya sa clinic.."
"Hindi pwede... baka may makahalata na kasama natin ay isang babae."
"Dumiretso tayo kay Headmaster Nair."
>>>>>
Zack POV
Naglalakad lakad kami sa labas dahil pakiramdam ni Peter ay may mangyayaring maganda ngayon araw na ito. Ay di pa pala ako nagpapakilala. Ako si Zack, isang Water and Ice user at nagtatransform into a blue dragon pagdating sa labanan. Kasama ko ngayon ang aking mga kaibigang lalaki.
Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay nakarinig kami ng tumitili na babae sa harap ng gate namin na para bang hinihigop papaloob.
"BOOOOOOGSSSHHH!!"
Hanggang sa napunta siya sa harap namin at..
"Na-nasaan a-ako? Si-sino ka-kayo?" nauutal na sabi ng isang dalagang may malakas na mahikang puti na bumabalot sa kanyang katawan ng mapadpad siya sa Dragic Empire. Hanggang sa siya ay nahimatay sa harap namin.
"Dalhin na natin siya sa clinic.." sabi ni Grinn.
"Hindi pwede... baka may makahalata na kasama natin ay isang babae." Oliver.
"Dumiretso tayo kay Headmaster Nair." Peter.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nasa loob na kami ng Headmaster Office.
"Anong dahilan para pumunta kayo...... Ilapag niyo siya dito. Peter bantayan mo siya. Grinn tawagin mo si Amara, bilis!" gulat ng makita ang babae na sabi ni Headmaster na tila natataranta at hindi naman mabasa ng mga lalaki sa harapan niya kung bakit.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating rin si Amara, ang isa sa mga magagaling na healer ng Dragic Empire. Ineksamin niya ang babae at..
"Maayos na siya Master Nair, nahimatay siya gawa ng hindi niya kinaya ang lakas na tinahak niya papunta dito sa ating lugar. Masyadong malakas ang kanyang puting aura na bumabalot sa kanyang pagkatao. Tawagin niyo na lamang po ako pag may kailangan pa po kayo sa akin." mahabang pahayag ni Amara.
Tumango naman ang mga tao sa loob ng opisina ni Master Nair.
"Sinong may nais na magkwento sa akin sa kung paano siya napunta dito?" panimula na sabi ni Master Nair sa limang lalaki sa kanyang harapan.
Nagka tinginan man ay di naman nagdalawang isip si Peter na sabihin ang totoo.
(ang mga naka italic ay ang sinabi ni kay Master Nair.)
Peter: Niyaya ko po ang aking mga kaibigan na maglakad lakad sa ating lugar Master. Nakaramdam po ako na may mangyayari na maganda ngayong araw na ito. Sa aming paglalakad ay nakarinig kami ng isang tili ng babae. Tinignan namin kung sino iyon hanggang sa niluwa siya papasok ng ating mataas na gate.
Pagkatapos ay napansin ni Master Nair ang pagpapawis na hindi normal para kay Peter.
Master Nair: Gusto kong bantayan mo siya, Peter. Pero, hindi niya dapat malaman iyon. Alam ko na magiging mahirap, pero ito ay isang utos.
Peter: Masusunod po , master.
Master Nair: Maaari na kayo makalabas. Malalaman niyo rin sa takdang panahon kung sino at ano siya.
Makahulugang tono at tingin lamang ang binigay ni Master Nair kina Peter saka sila umalis.
Samantala...
"Nasaan na kaya yung mga iyon?"
"Baka naman... you know... boys thing.."
"Sira.. di sila ganun noh..
"Ewan ko sa inyo.."
"Daming niyong alam noh?"
*****
I'll try to update from time to time. ;)
BINABASA MO ANG
THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)
FantasyTHIS STORY CONTAINS ORIGINAL IDEAS COME UP TO AUTHOR'S MIND. PLAGIARISM IS RESTRICTED PROHIBITED.