IVY'S POV
(yung mga naka italize ay ang nangyari habang si Ivy ay natutulog)
Nasa isang gubat ako? Paano nangyari? Ang alam ko lang natutulog ako kanina. Lakad dito, lakad dun. Napapagod na ako. Ano bang gubat to? Walang puno, puro damo lang. Tapos walang bahay.
Hanggang sa may nakita ako na magandang babae.
"Woaaahh!!! Nagkita rin tayo sa wakas.. pahiram muna ng katawan mo hah.." sabi ng isang babae.
Tila hindi ko naman magalaw ang aking katawan dahil sa pagsanib niya sa akin. Di ko lam bakit kinakalaban ko yung mga taong kakakilala ko pa lang. Totoo ba to? O panaginip lang?
Pilit kong kinalaban ang sarili ko. Hanggang sa nagising ako na basang basa ang mukha ng pawis. Nagpahid muna ako saka lumabas.
Lumabas ako ng kwarto at nagulat kung bakit lahat sila ay nanduon. Walang nagsasalita hanggang sa napatanong ako..
Ivy: Ano nangyayari dito? Bat kayo nandito sa harap ng pinto ng kwarto ko? / Cool kong sabi na parang walang nangyari sa akin kanina.
Jam: Mabuti naman nagising ka na. Istorbo. / Malamig na tonong sabi ng binata sa akin.
Ivy: Anong nangyari sa kanya? / Turo ko sa lalaking nasa lapag.
Perrie: Nanaginip ka ba, Ivy? / Pagtatanong ni Perrie na ikinagulat ko.
At sinabi sa kanila ang nangyari. Dahil napaisip muli ako.
Ivy: Teka nga, ano ba nangyari kay Peter? / Naitanong kong muli.
Yam: Sinubukan niyang buksan ang pinto mo, dahil kanina ka pa ginigising ni taffy. / Nag aalalang sabi ni Yam.
Ivy: Teka. / Sabi ni Ivy hanggang sa..
AUTHOR'S POV
So ayun na nga.. Ako muna mag kukwento. - Ms. B.
Inilapat ni Ivy ang kamay niya sa lalaking nakahiga at ganon na lamang ang gulat ng mga taong nakasaksi ang mga pangyayari.
May lumabas na puting enerhiya sa palad ni Ivy na siyang kinagulat niya papunta sa katawan ni Peter. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagising si Peter. Hindi naman nahimatay si Ivy bagay na ikinapagtataka ng mga bagong kaibigan niya. Dahil ang sobrang paggamit ng kapangyarihan ay pwedeng magdulot ng pag ubos ng enerhiya. Pero hindi si Ivy.
Sienna/Perrie/Yam/Taffy: Okay ka lang? / sabay sabay na sabi ng apat na dalaga.
Ivy: Hindi ako okay. Nagugutom ako e. / Sabay tawa ng dalaga.
Nakita naman ng mga lalaki ang tawang iyon. Alam nila na nakita na nila ang tawang iyon, nuong mga bata pa lamang sila.
Peter: Ahh ehh u-una na kami.
Jam: Tara na. / sabi ng binata ng hindi nililingon ang mga kaibigang babae.
Nagkatinginan naman ang mga dalaga sabay sabing...
Sienna/Perrie/Taffy/Yam: "Anong nangyari sa kanila?"
Lumipas ng mabilis ang oras at napagpasyahan ni Jam, Peter, Grinn, Zack at Oliver na puntahan si Headmaster Nair at sabihin ang nangyari kaninang umaga.
*TOK* *TOK*
Katok ni Peter saka pumasok.
HM Nair: Anong nangyari at napunta kayo dito?
Grinn: Ang totoo po niyan, may nangyari kaninang umaga.
Zack: Napalabas na po ni Ivy ang kanyang kapangyarihan.
Peter: Healer siya, Headmaster. Pero sa tingin ko po hindi pa iyon ang totoong kapangyarihan niya. Marami siyang itinatagong sikreto.
Jam: At sa tingin ko po, buhay ang anak ng Hari at Reyna.
HM Nair: Ang ibig niyo bang sabihin......
Oliver: Pero hindi pa tayo nakakasiguro kung siya nga iyon.
Jam: Pero siya nga iyon.
Nagtitigan ng masama sin a Oliver at Jam hanggang sa pinutol din iyon ni Headmaster Nair.
HM Nair: We still need a lot of time to prove that Ivy is their daughter. Makakalabas na kayo, Peter at Jam kakausapin ko kayo.
Nagsilabasan na sina Zack, Grinn at Oliver. Samantalang naiwan naman ang dalawang mag bestfriend.
HM: I know that you two really know well the daughter of King and Queen, kaya napagpasyahan ko na kayong dalawa na ang magbabantay kay Ivy simula ngayon. Wala dapat maka alam na dalawa na ang nagbabantay kay Ivy. Maliwanag ba?
Tumango lamang ang dalawa bilang sagot sa tanong ni Headmaster.
*****
BINABASA MO ANG
THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)
FantasyTHIS STORY CONTAINS ORIGINAL IDEAS COME UP TO AUTHOR'S MIND. PLAGIARISM IS RESTRICTED PROHIBITED.