AUTHOR'S POV
Pagkaraan ng mga ilang araw pagkatapos ng pag anunsyo kay Ivy bilang isang prinsesa ay mas lalo siyang nakilala ng mga estudyante. Napabilang na din siya sa grupo ng malalakas na kinabibilangan nina Jam, Zack, Grinn, Sienna, Oliver, Yam, Taffy, Perrie, at Peter. Masaya naman silang lumalabas ng kanilang dorm ang mga babae habang ang mga kalalakihan ay sinasalubong sila.
Sino ba namang makakapaniwala na si Jam at si Sienna ang magkakatuluyan? Di rin malaman ng magkakaibigan hanggang sa isang umaga, napansin na lamang ng magkakaibigan na hindi na mapaghiwalay ang dalawa kahit ano pa man ang ginagawa nila. Ayun naman pala ay childhood crush nila ang isa't isa.
Samantala, sina Perrie at Oliver na magkasamang gumawa ng trap nung panahon pa ng paglusob ng kalaban sa Dragic Empire at parehong mahilig sa kalokohan kahit na minsan na silang nagkaka LQ ay sila din ang nagkatuluyan. Ganun naman talaga siguro kapag nagkakaparehas kayo ng hilig, nagkakadebelopan.
Sina Grinn at Taffy? Ayun nagkakamabutihan na. Pero hindi pa din sinasagot ni Taffy si Grinn, aba ewan ba ng magkakaibigan kung bakit. Hindi naman chickboy si Grinn.
At ang panghuli, si Yam? Nililigawan pa rin siya ni Zack. Pa-hard to get kasi si Yam, kahit sinabihan na siya nina Sienna at Perrie na wag masyadong pa-hard to get dahil baka mabingwit ng iba, ang tanging sabi lamang ni Yam sa magkakaibigan ay...
"Nasa sa kanya na iyon, kung papatulan niya nag mga tuksong lalapit sa kanya. Eh di mas lalong matatagalan ang pag sagot ko sa kanya."
Oh di ba ang utak?
At sina Ivy at Peter naman ay tumatagal na din ang relasyon. Nagkakaroon man ng away, ay di naman nila hinahayaan na maghiwalay sila. Bagkus ay iyon ang nagiging dahilan upang tumatag ang kanilang relasyon.
Samantalang sina King Lire at Queen Pearl ay nananatili sa kanilang lugar habang nagpapalaganap ng kabutihan sa pamamagitan ni Headmaster Nair, at sa tulong ng mga kaibigan ni Ivy.
>>>>>
A GIRL'S POV
"MAGPAKASAYA KAYO NGAYON, DAHIL KAHIT NA KINUHA NIYO NA ANG LAHAT SA AKIN, DARATING DIN ANG ARAW NA KUKUNIN KO RIN ANG LAHAT NG SA INYO. MAAARINIG NAG TAGUMPAY KAYO NGAYON, PERO HINDI HABANG BUHAY."
At saka umalis ang babaeng naka itim na cloak, nakatakip ang mukha. At tanging mga mata na kulay pula ang nakikita.
*****
BINABASA MO ANG
THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)
FantasíaTHIS STORY CONTAINS ORIGINAL IDEAS COME UP TO AUTHOR'S MIND. PLAGIARISM IS RESTRICTED PROHIBITED.