4 EMPIREANS STRONGEST/IVY'S REAL IMAGE

2.7K 68 0
                                    


SIENNA POV

Papunta na kami ng canteen since wala naman kaming klase. Hanggang sa di namin mahanap ang mga kaibigan naming lalaki. Hindi pa pala ako nagpapakilala, ako si Sienna, isang Wind and Air user, nagtatransform into a brown dragon pag kinakailangan. 

Yam: "Nasaan na kaya yung mga yun?" 

Perrie: "Baka naman... you know.. boys thing."

Taffy: "Sira.. Di sila ganun noh.."

Sienna: "Ewan ko sa inyo.."

Taffy: "Dami niyong alam noh?"

Nang malapit na sila sa kanilang daanan papunta sa kanilang room assigned ay nakaisip si Yam ng paraan.

Yam: "Tara?" ng naka taas ang kilay. Senyales na gagamitin ni yam ang kanyang superspeed na kapangyarihan para mabilis makapunta sa kanilang room. 

Naghawak hawak sila sa braso at..

"SWIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIISSSHHHHHH!!!"

Tunog ng kanilang harurot sa pagpunta sa room nila. At nakasalubong nila ang kanilang mga kaibigan na malapit na pala sa kanila. 

Zack: "Pasaway rin kayo noh. Lalo ka na Yam. Di ba bawal gumamit ng powers dito?" 

Yam: "blah blah blah.. Dami mong alam noh?" sabay irap sa binata. 

Jam: "Umayos kayo hah. Pati kami madadamay sa inyo e." cold na sabi ng binata.

Pagkatapos ng palitan ng mga salita ay pumasok na sila sa kwarto na siya naman kinatahimik ng ibang estudyante. 

Samantala..

Nagising na si Ivy sa kanyang pagkakatulog. Nagulat siya dahil sa nasa ibang lugar na siya. Linga dito, linga duon. Hanggang sa narating niya ang pinto ng kwarto kung saan siya naruruon ng biglang...

Headmaster Nair: "Oh gising ka na pala."

Ivy: "Uhmm... Nasaan po ako? Sino po kayo?"

  Headmaster Nair: "Ako si Headmaster Nair, you can call me master and you are here in Dragic Empire. It is a land of magics, powers and dragons. But only those who have can enter our world. Paano ka nga pala napunta dito iha?"  panimula ni Headmaster Nair saka nagtanong sa dalaga sa kanyang harapan. 

Ivy: "Ako po pala si Ivy. Napunta po kasi ako ng isang gubat hanggang sa narating ko ang isang building. Humawak lang ako sa pader tapos hinigop na po ako papunta dito. Hindi ko alam na may ganito po pala dito."

Headmaster Nair: "Malayo itong mundong ito sa mundo ng mga tao. Kilala mo ba ang iyong mga magulang iha?"

Ganun na lamang ang pagkagulat at pagtataka ni Ivy sa tanong ni Headmaster Nair sa kanya. Natagalan ng mga ilang minuto bago siya bumalik sa kanyang sarili. 

Ivy: "Hi-hindi ko po kilala e. " pagsisinungaling ng dalaga.

Nahalata naman iyon ni Headmaster kung kaya di na niya pinilit ang dalaga sa impormasyon na iyon. Nang araw din iyon..

Sienna: "Gising na siya.." sabi ng dalaga base sa kanyang kapangyarihan na hangin. Naramdaman niya ang kakaibang enerhiya na bumabalot sa katawan ni Ivy.

Yam: "Sino?"

Perrie: "Yung babae sa office ni Headmaster." bulong na sabi ni Perrie.

Nag apir naman si Perrie at Sienna. Pinatawag naman sila ng Headmaster kaya in-excuse muna sila sa kanilang klase kasama ang kanilang kaibigan na mga lalaki. Makalipas ang ilang minuto ay...

*TOK* TOK*

Headmaster Nair: "Pasok."

Pinaupo muna ng Headmaster ang kanyang mga malalakas na estudyante ng Dragic Empire. 

Headmaster Nair: Alam ko na napapaisip ako kung bakit kayo nandito. Simulan natin ang diskusyunan na ito sa pagkukwento ni Ivy. 

Lumabas si ivy sa isang kwarto na siyang kinagulat ng mga tao sa office ni Headmaster Nair. 

Taffy: "Amazing..." nasabi lamang ni Taffy dahil sa kulay puting buhok ni ivy at kakaibang kulay ng mata na sumalubong sa kanila.

Nagkatinginan lamang sina Headmaster Nair at Ivy saka nagkwento ang dalaga.

Ivy: Alam kong natatakot kayo o nabibigla pero heto talaga ang tunay kong anyo. Kinailangan ko na mag iba ng kulay ng buhok at mata dahil hindi ako ligtas sa mundo ng tao kung saan ako tinapon ng mga magulang ko. At alam ko rin na may kakaiba sa akin dahil may mga imahe ako na napapaginipan tuwing sasapit ang gagabi. Isa sa napaginipan ko ay itong lugar na ito na alam ko na may kakaiba. Hindi ako nagkamali, dahil kinuwento sa akin ni Headmaster Nair. Sana ay tulungan niyo ako para malaman ko kung ano at sino talaga ako. 

Nagkaroon ng katahimikan. Ngunit binasag iyon ni Siennna. 

Sienna: Ang sabi mo ay may mga napapaginipan ka. Kung ganun..... maaari at pwede mo makita ang mga magaganap sa mga susunod na araw. 

Jam: Pero hindi niya pa rin alam kung sino at ano siya.

Grinn: Bakit hindi natin pag usapan ang gagawin natin sa kanya upang mas makilala niya ang sarili niya? Kung sino talaga siya at kung ano ang kaya niyang gawin?

Headmaster Nair: Magandang katanungan yan, Grinn. Pag usapan niyo ang bagay na iyan. Bibigyan ko kayo ng isang araw. Sienna, hindi ba may isang kwarto pa sa inyo na walang gumagamit? 

Sienna: Opo master. Duon po ba siya tutuloy?

Headmaster Nair: Oo. dun na muna siya, binigay ko sa kanya ang mga magiging gamit niya. Makakalabas na kayo. Peter paki tulungan si Ivy sa gamit niya.

Tumango lamang si Peter at kinuha ang gamit ng dalaga.

 *****

THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon