"Masyado ka nang maraming nalalaman, hanggang diyan na lamang ang aking maikukwento sa iyo. Sa ngayon ay dito ka lang, imposibleng makaka alis ka dito dahil sa hihigupin ng kwartong ito ang iyong lakas. Ngunit.. Bakit parang..." naalarma naman si Zain sa ngising nakita sa mukha ni Ivy.....
>>>>>
Alam ni Ivy na hindi na siya pupwedeng magtagal pa sa kung saan man siya dinala ng mga taga Demonic Clan. Masyado nang maraming nag aalala at nag hahanap sa kanya kaya habang kaharap niya si Zain ay pina plano na din niya ang kanyang pagtakas at pag aalis sa lugar na iyon.
"Alam mo, mukha ka namang matalino. Pero hindi kasing talas ng talino ko. Sa tingin mo, hindi talaga ako makaka alis dito? Sa tingin mo talaga mahihigop ng kwartong ito ang lakas at kapangyarihan ko? Ha-ha-ha-ha! Maling tao ang kinuha niyo." Ngingisi ngising sabi ni Ivy ng biglang sumeryoso ang mukha nito na hindi naman mabasa ni Zain ang binabalak ng dalaga.
Umangat si Ivy sa kanyang pagkaupo sa sahig papuntang itaas ng kwartong iyon. Naramdaman naman ng mga taga Demonic Clan ang pagyanig ng kanilang tagong tore kung saan sila nanduon ng mga oras na iyon. Naalarma din ang kanilang pinuno kung kaya't tinungo nila ang lugar na pinagtataguan ni Ivy. Nang marating nila iyon ay halos magulat sila dahil sa kakaibang lakas na inilalabas nito sa katawan gayong napaka delikado ng ginagawa ng dalaga.
Napamulat si Ivy sa pagkakapikit at tumambad sa kalaban ang pares ng matang iyon. Kulay bahaghari ang kanan, puti naman ang kaliwa. Tila natuod si Zain sa kiinatatayuan dahil alam niya nuong bata pa lamang sila na si Ivy na ang nagtataglay ng lakas na tatalo sa kasamaan ngunit inilihim niya iyon para sa proteksyon ng Dragic Empire na hanggang ngayon ay siya lamang ang nakaka alam.
"Zain anong nangyari sayo? Bakit wala kang ginagawa?" tapik sa kanya ni Yssa.
Umiling lamang si Zain kay Yssa pagkatapos ay sinubukan niyang lapitan si Ivy ngunit sa lakas ng hangin na pinapalabas ni Ivy ay walang nakakalapit sa kanya. Hanggang sa inaatake na siya ng mga kampon ng pinuno ng Demonic Clan,ni walang gasgas o galos naman na natanggap si Ivy sa mga ito. Huminga muna ng malalim ang dalaga saka nagpalabas ng malamig na hangin na nagpatigil sa lahat.
May aatake na dapat kay Ivy nang....
"Subukan mo ng makita mo kung sino at ano ang kaharap mo.." sabi ni Ivy sa kawalan dahil sa hindi niya makita ang taong aatake dapat sa kanya.
Pinasabog ni Ivy ang itaas na parte ng kwartong iyon saka siya tumakas.
Samantala sa Dragic Empire.....
"Alam mo may kutob ako dun kay Ivy.." sabi ni Yam sa mga kaibigan.
Dahil lumipas ang kalahating araw ay may lumitaw sa kanilang harap na siya raw si Ivy ngunit nahihiwagaan sila ng hindi nila maramdaman ang aura ng kanilang kaibigan magpahanggang ngayon na kung saan naramdaman nila ang pag iiba ng panahon sa loob ng Dragic Empire.
"Bakit biglang lumalamig?" sambit ni Taffy.
Tila naramdaman naman ni Sienna na ang kaharap nilang Ivy ay hindi tunay na Ivy sapagkat ang dalaga lamang ang nagpapabago pabago ng panahon sa kanilang lugar. Kung kaya't ng mapadpad sila sa harap ng opisina ni Master Nair ay agad na hinila papasok ni Sienna ang nagpapanggap na siya namang kinagulat ng mga kasama. Dinala niya ito sa isang lugar na kung saan may kuryenteng dumadaloy sa mga dingding ng kwartong iyon.
"Sabihin mo sa amin ngayon, ikaw ba talaga si Ivy? Sino ang mga magulang mo?" nanggigigil na sambit ni Sienna na biglang nag iba ang kulay ng mata mula sa itim ay naging kulay tsokolate ito.
BINABASA MO ANG
THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)
FantasyTHIS STORY CONTAINS ORIGINAL IDEAS COME UP TO AUTHOR'S MIND. PLAGIARISM IS RESTRICTED PROHIBITED.