7 years ago.
Nagkakagulo sa Dragic Empire dahil sa paglusob ng Demonic Clan. Maraming namatay na mga kalaban pero ang malala? Nasira ang kalahati ng Dragic Empire. Umalis ang mga malalakas na kampon ng Demonic Clan pero di iyon pinalampas ng mga kaibigan nina King Lire at Queen Pearl. Nag cast sila ng enchant na kung saan ang katawan ng kalaban ay magiging abo at hindi na muli madedeform ang kanilang mga katawan maski ang kaluluwa.
Ngunit nang araw ding iyon napagpasyahan ng mag asawa ang desisyong babago sa kapalaran ng kanilang anak, si Ivy na nasa pitong taong gulang na. Mapupunta siya sa mundo ng mga tao para sa kaligtasan niya. At ng buong Dragic Empire.
----- After 1 year.
Napunta ako sa gubat. Mabuti na lang at nakita ako ng isang nanay at siguro, anak na niya iyon. Lumaki ako sa kanila. Tinuring na parang isang miyembro ng pamilya nila. Tinuruan ako ni Nicolas kung paano ako makakalaban sa mga masasamang loob na aatake sa akin, tao man o hayop. Pero pagkatapos ng anim na buwan, sumapit ang isang kalunus lunos na pangyayaring magiging dahilan ng aking pagiging tahiimik. Sinalakay ang bahay namin ng mga masasamang tao. Pauwi ako nuon ng araw na iyon, inabot na ako ng gabi. Sa aking pag uwi nakita ko kung paano pinatay ng mga lalaking kalahating tao at kalahating hayop ang nanay. Sinenyasan ako ni Nicolas na umalis pero hindi ko siya sinunod. Ang mga sumunod na pangyayari ang nagpabago sa akin. Brutal na pagkamatay ni kuya Nicolas. Hindi ako sumigaw para masagip ko ang sarili ko.
----- After 9 years..
"Jusko kang bata ka! Ilang taon ka na nagsisilbi sa pamamahay namin, hindi mo pa rin magawa ng tama!!" bulyaw sa akin ni Madam April.
Nakita ako ng isa sa mga katulong niya sa kalsada kaya dinala ako dito sa bahay niya. Inakala ko na aalagaan ako ng maayos pero di ko alam na magiging impyerno ang buhay ko ng pumasok ako dito. Oo, katulong ako. Kung ang ibang bata nabibiyayaan ng magandang buhay, hindi ako.
"Oh ano? Natulala ka na naman!! Pumunta ka sa likod bahay, Nena dalhin mo sa kanya ang mga labahin na nasa labas ng kwarto ko. Bilis!!" bulyaw ulit ni Madam April sa akin kaya napamadali na ako sa pag galaw.
Samantala...
"Ivy, pasensya ka na hah. Di ka dapat gumagawa nito eh." Sabi sa akin ni Ate Nena. Mabuti pa siya mabait at saka si Aling Amy, ang cook ng bahay na ito.
Kinagabihan, matutulog na ako ngunit tinawag ako ni Aling Amy. Nasa likod bahay siya, ngunit ang nakakagulat ay naka empake ang mga gamit ko.
"Ivy, anak. Umalis ka na dito. Eto may address akong ibibigay sayo. Dito ka pumunta.." hindi na natapos si Aling Amy ng makarinig kami ng nabasag na bote.
"Ma'am April..." sabi ko sa aking isip.
"Ano? Maglalayas ka hah. At ikaw namang huklubang matanda ka, kinukunsinti mo naman to. Yan ang nababagay sayo!!!" sigaw ni Ma'am April habang tinulak si Aling Amy ngunit sa lakas ng pagkakatulak ng salbaheng amo ay humampas ang ulo ni Aling amy sa bato dahilan para mamatay agad ang matanda.
Agad namang tumakbo si Ivy palabas ng bahay, lumingon muna siya at saka niya naramdaman ang galit ng masilayan niya muli si Aling Amy na minsan na niyang tinuring na tunay na ina. Nag init man ang mata ni Ivy ngunit nakita niya kung paano nasunog ang bahay na iyon.
Takbo dito...
Takbo duon...
Hindi na niya alam saan siya dadalhin ng kanyang mga paa hanggang sa may naaninag siyang sasakyan at...
BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPP!!!
Isang preno mula sa sasakyan ang kanyang narinig at nabangga siya.
Pagkalipas ng ilang oras ay nagising siya sa kanyang pagkakatulog. Alam niyang walang masakit sa kanya pero bakit siya nasa ospital?
"Eh mukhang wala namang naghahanap sa kanya bat di pa natin iwan?"
"Panibagong palamunin na naman yan.."
"Mukha naman siyang mabait e."
Iilan lamang yan sa mga narinig ni Ivy hanggang sa imulat niya ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanya ang apat na mukha. Isang pares ng mag asawa at dalawang dalawang anak na malamang ay ka-edaran niya lang.
"May mga kamag anak ka ba?" tanong ng matandang lalaki kay Ivy.
Umiling lamang si Ivy na tila pinakikiramdaman kung ligtas kaya siya kung sasama siya. Ngunit napagpasyahan ng matandang lalaki na kunin na lamang si ivy at duon muna sa kanila tumuloy.
Ngunit katulad ng nauna, nagkamali ulit siya. Lagi siyang inuutusan ni Aling Mae, at dalawang anak nito na sina Cheche at Baby. Samantalang si Mang Ben ay hindi naman umaalis sa kanyang higaan. Napag alaman niyang baldado pala ang paa ng matanda at tanging dalawang kahoy lamang ang ginagamit ng matanda para makatayo.
Ginawa muli siyang katulong. Utos dito, utos duon. Pag nagkakamali siya, hindi siya nakakakain. Kahit inom ng tubig wala. At kada gabi naman, dinadalan siya ni Mang Ben ng pagkain at tubig. Nasabi na lamang niya sa sarili niya na may taong malasakit pa rin sa kanya.
Hanggang sa isang umaga, nagising si Ivy sa isang maingay na iyak ng mag iina ni Mang Ben. Nagulat si Ivy dahil patay na ang taong nagmalasakit sa kanya ng 9 na taon. Mas lalong nagging miserable ang buhay ni Ivy dahil wala na siyang pahinga sa dami ng utos ng mag iina. Kung minsan ay hindi na rin siya nakakapag pahinga.
Hapon, habang naglalakad siya papunta sa bahay na kanyang pinagsisilbihan ay nakakita siya ng batang tulala at naglalakad. Sinundan niya iyon kahit na alam niyang papagalitan siya pag naka uwi na siya.
*****
Update agad.... :)
BINABASA MO ANG
THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)
FantasíaTHIS STORY CONTAINS ORIGINAL IDEAS COME UP TO AUTHOR'S MIND. PLAGIARISM IS RESTRICTED PROHIBITED.