14 TROUBLE

1K 18 0
                                    

JAM POV

Sa pagtayo ni Ivy, nawalan siya ng malay. Agad naman akong lumapit sa kanya at sinalo siya. Tinungo namin ang kwarto nina King Lire at Queen Pearl at sila ang gumamot sa kanilang anak. Nalaman na rin ni Headmaster Nair ang nangyari kung kaya't pinadala niya si Nurse Gen upang tignan ang kalagayan ni Ivy.

Samantala, sa pagpasok ni Nurse Gen ay kapansin pansin ang itim na aura na bumabalot sa katawan nito na dahilan para magkatinginan ang magkakaibigan.

"Ako na po gagamot sa kanya.." magalang ngunit may ngisi sa kanyang mga labi.

"No, you will not touch her.." sabi naman ni Jam na kinabigla nina Queen Pearl at King Lire.

"Jam, ano nangyayari sa iyo? Nurse siya, siya dapat tumingin sa anak namin." Sabi naman ni Queen Pearl.

Nang lalapit na si Nurse Gen kay Ivy ay agad namang nagpalabas si Sienna ng tali na gawa sa hangin. Hindi nakikita ngunit mararamdaman ng taong sinasakal ang taling iyon.

"Hindi.ka.makakalapit.kay.Ivy" matiim na sabi ni Sienna kay Gen pagkatapos ay sumigaw si King Lire.

"Tama na yan. Sienna, bitawan mo siya." Utos ng mahal na hari.

"Pero.." sabi ni Sienna na pinutol kaagad ni Queen Pearl.

"No buts." Sabi ni Queen Pearl.

Nung lumapit si Nurse Gen kay Ivy ay lumapit din ang mag asawa. Ngunit sa isang iglap ay nawala si Ivy sa kanilang harap at nagpalit ng anyo si Nurse Gen.

"Ivyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!" sigaw ng magkakaibigan.

"Sinasabi ko na nga ba at nandito ka. Bakit si Ivy pa?" sabi naman ni Peter na nakahanda sa anumang oras na atakihin sila ng pinuno ng Demonic Clan na si Zion.

Hindi naman nagsalita si Zion, ang pinuno ng mga kalaban. Bagkus ngumisi ito at nagbigay ng seryoso ngunit mapanlinlang na tingin sa bawat tao sa kwartong iyon. Bago umalis ay nagbitaw muna siya ng salita.

"Salamat at pinalakas niyo siya. Mapapasaakin din ang kapangyarihan niya. Bwahahahahaha!!!!!" sabi ni Zion bago umalis at tumawa pa na mala demonyo ang tinig.

Umalis na ang kaluluwa ni Zion sa katawan ng isang babae. Nawalan naman ng malay ang babae na agad naman nasalo ni Zack.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nagising si Gen. Isang ordinaryong estudyante na taga mortal world. Inalis naman ni Queen Pearl ang alaala ng dalaga para na rin sa kaligtasan ng lugar na iyon saka gumawa si King Lire ng portal papuntang Mortal world.

>>>>>

Nang araw ding iyon, nagtipon tipon ang mga magkakaibigan para pagplanuhan ang gagawing pag lusob sa lungga ng lugar ng mga Demonic Clan. Ngunit nalaman naman ni Sienna na dahil sa kanyang kapangyarihan na hindi duon dinala si Ivy. Labis na nanlumo sina King Lire at Queen Pearl sa pagkawala ng kanilang anak. Kung sana ay nakinig sila sa kaibigan ng kanilang anak ay malamang nasa kanila pa rin si Ivy. Inalo naman sila ni Headmaster Nair na gagawin ng magkakaibigan ang lahat upang mabawi si Ivy. Hindi na iba si Ivy sa kanila sapagkat naging kaibigan na nila ito at sapat na iyon para hanapin ang kaibigan.

"Tingin niyo ba makukuha natin si Ivy? Mahahanap pa kaya natin siya?" nangangambang sabi ni Taffy sa mga kaibigan na siya namang sinagot ni Jam.

"Huwag kang panghinaan ng loob, mahahanap din natin siya." Paniniguro ni Jam sa mga kaibigan.

"Pero paano kung iba na siya pag nakita natin siya? Paano kung kalaban na natin siya? Makakaya kaya natin?" sabi naman ni Yam.

"Ang ne-nega niyo. Kaya natin yan. Tayo pa ba?" sabi ni Sienna sa mga kaibigan na pinanghihinaan ng loob.

"Kakayanin natin ang kalaban. Para saan pa at naturingan kayong malalakas kung di kayo mag eensayo? Kayo ngayon ang aasahan ng Hari at Reyna ay kayo. Tayo." Pagpapalakas ni Peter sa mga kaibigan.

"Tama si Peter. Walang mangyayari sa atin dito kung tutunganga lang tayo dito. Ano pa hinihintay niyo? Tara sa open field. Duon tayo magsasanay para makita ng iba ang ginagawa natin at para maengganyo sila na mas lalong palakasin ang kanilang kapangyarihan." Mahabang salaysay ni Jam.

*****


THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon