15 IVY IS MISSING

1K 25 0
                                    


AUTHOR'S POV

Lumipas ang isang araw ngunit wala pa ring Ivy na nakita. Halos lahat ng estudyante ay may pinagkaka abalahan at ito ay ang pag eensayo sa tulong na rin ng Hari at Reyna na pinamunuan na rin ni Headmaster Nair. Sa pagpapatuloy ng paghahanap nila kay Ivy ay tila nawawalan na ng pag asa ang magkakaibigan na mahanap si Ivy.

"Alam niyo naman na ang hirap hanapin ng taong ayaw ng magpakita e." Sabi ni Perrie sa mga kaibigan.

"Pero may paraan pa para makita na natin ng tuluyan si Ivy." Sabi naman ni Sienna na tila hindi nawawalan ng pag asa kahit na napanghihinaan nang kalooban ang mga kasama.

"Sino? Si Gen? Yung pekeng Nurse na Gen e hindi na nga natin makita di ba?" sabi ni Zack na napakamot na lamang sa inis sa sobrnag pagod.

"Sige na, magpahinga na kayo. Kami na munang tatlo ang maghahanap sa kanya. Tara na, Peter, Sienna." Pagpapaliwanag at pag anyaya ni Jam sa mga kaibigan na kanyang tinawag.

Buhat ng araw ding iyon ay hindi nila talaga makita ang dalaga. Nagtanong na sila sa mga diwata na kanilang nakita sa kagubatan ngunit tikom ang kanilang bibig sa tanong ng mga dalaga at binata. Nakaramdam tuloy ang magkakaibigan na may nangyayari sa loob ng kanilang lugar na di nila alam. Marahil ay nananakot ang taong iyon upang hindi magsalita ang mga tao sa Dragic Empire.

Kinaumagahan, umalis sina Jam, Peter at Sienna. Nagtransform ang tatlo sa pagiging dragon at naghanap sila sa mga maaaring pagdalhan kay Ivy. Ngunit nabigo muli sila sa pangalawang pagkakataon at bumalik sila sa Empire.

Nagpunta sila sa opisina ni Headmaster Nair at sila ay nagreport ukol sa paghahanap kay Ivy.

Samantala, sa Demonic Clan patuloy ang kanilang pagbabantay na ginagawa kay Ivy dahil sa hindi nila mailagay ang posas na sana ay hihigop ng lakas ni Ivy. Hindi man nakaposas ay nakakulong ang dalaga sa isang kwarto na nagba block ng kanyang kapangyarihan. Ngunit hindi alam ng mga taga Demonic Clan na kahit ang kanilang masasamang Gawain ay kayang kontrolin ng dalaga. Lihim naman siyang napangiti ng maalala ang sinabi sa kanya ng kanyang ama nung mga panahong nag eensayo pa lamang siya.

"Anak, tandaan mo. Hindi ko ito sinasabi sayo ngayon para magamit mo sa kasamaan ang iyong kapangyarihan ngunit kahit ano o saan ka pa mapunta, makokontrol mo ang lahat dahil sa kapangyarihan na nakuha mo sa amin ng Mama mo." Sambit ni King Lire sa Anak habang nagpapahinga.

Napatigil sa pag iisip si Ivy ng lapitan siya ng isa sa mga malalakas sa Demonic Clan.

"Kamusta mahal kong pinsan? Namiss mo ba ako? Ay oo nga pala, hindi mo na ako matandaan. Nilayo ka kasi ng iyong ama sa palasyo. At ako? Heto na ang kapalaran ko. Ang patayin ka, dahil sa ginawa ng iyong ama sa aking magulang. Lalo na sa aking Ama na kanyang kapatid." Napangisi si Zain sa kanyang pagkukuwento.

Napako naman sa kinauupuan si Ivy sa kanyang narinig. Tila nabasa naman iyon ni Zain kaya pinagpatuloy niya ang kanyang pagkukwento sa dalaga.

"Nagkakagulo nuon sa palasyo ng ating mga Lolo at Lola ngunit napagpasyahan ng iyong mga magulang na ilayo ka kapalit ng pagpapalaya nila sa kanilang misyon na pamunuan ang buong lugar. Hindi pumayag ang aking Ama dahil siya dapat ang mamumuno niyon hindi ang magaling mong Ama ngunit tila sinang ayunan ng tadhana ang kagustuhang iyon ng iyong mga magulang. Nung wala ka na sa lugar, lalong nagalit ang aking Ama. Pinatay niya sina Lolo at Lola, walang bakas ng awa sa kanyang mukha dahil sa hindi niya nakuha ang kagustuhan niya ngunit labis na paghihinagpis ang aking naramdaman ng saksakin ng iyong Ama ang aking Ama. Kasabay niyon ay ang paglaho ng katawan ng aking Ama sa hangin." Tumigil sa pagkukwento si Zain sabay....

"Masyado ka nang maraming nalalaman, hanggang diyan na lamang ang aking maikukwento sa iyo. Sa ngayon ay dito ka lang, imposibleng makaka alis ka dito dahil sa hihigupin ng kwartong ito ang iyong lakas. Ngunit.. Bakit parang..." naalarma naman si Zain sa ngising nakita sa mukha ni Ivy.....

*****

Bitin? - Ms. B 


THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon