IVY's POV
Limang araw matapos ang naganap an selebrasyon ay ginanap ang isang selebrasyon na alam kong babago sa aking buhay, sa aming lahat. Masayang nag aayos ang aking mga kaibigan at mga mag aaral ng Dragic Empire, ang iba ay naglalagay ng pampaganda ng lugar samantalang ang iba ay nag aayos ng mga upuan at lamesa, samantala naglalagay naman ng clones ng gwardiya ang iba. Ang aking mga kaibigan ay kasama ang kanilang mga partners.
Samantalang ako? Heto sa aking kwarto at ako ay ayos na ayos na, pero sabi ni Mama di pa raw ako pwede lumabas at ako ay susunduin ni Peter. Naging kami na din ni Peter, sumang ayon ang kanyang mga magulang at aking mga magulang sa aming pagmamahalan kahit na alam namin na masyadong mabilis ang lahat. Hindi naman namin pababayaan ang Dragic Empire at syempre, ang isa't isa.
"Ivy, tara na." sundo sa akin ni Peter na nasa labas ng aking kwarto.
Pagkalabas ko naman ay kita sa kanyang mukha ang gulat kasabay nuon ay napayuko ako.
"Ah-ahmm.. You look very beautiful, Ivy." Sabi ni Peter habang itinataas ang aking baba at hawak ang aking kamay at hinalikan ito.
Namula naman ako sa kanyang ginawa habang ako ay lihim na kinikilig. Lumakad na kami papunta sa kung nasaan ang aming mga magulang habang sa likod namin ay may mga gwardiya na naka sunod.
Namangha ako dahil sa ganda na ginawa ng mga Empireans sa lugar, kabilang na din ang aking mga kaibigan. Sinalubong ako ng mga gwardiya at inescortan kami ni Peter, habang nag lalakad ay di ko maiwasan isipin ang responsibilidad na ipapatong sa akin ng mga magulang ko. Pero sa isang banda, masaya na din ako dahil mararanasan ko ang mamuno at maging isang mabuting ehemplo sa lugar namin.
Nang marating namin ang aming mga magulang, pinapunta ako ng aking Ama, si King Lire sa sentro ng mga estudyante. Tinanguan ako ng aking mga magulang at sa pagkakataon na iyon ay alam ko na ang ibig nilang sabihin.
Ang mga naka italic ay pag uusap ni Ivy sa mga diyos ng kapangyarihan sa kanyang isipan.
"Agua, Llama, Tierra, Viento, Elam, Eno, Elo, Ora, Espe, Dioses de Dioses, Mágicas de Poder Luz de Oscuridad, Tómame como tu princesa, y como El Equilibrador, La princesa de Dragic Empire." (paulit ulit iyon binigkas ni Ivy)
"Hindi niya makakaya yan.." sabi ni Elo
"Panira ka talaga, kaya niya yan.." Eno
"Mag tigil kayo, hayaan niyo siya na tanggapin ang kanyang kapalaran." Sabi naman ni Llama.
Pumwesto ang mga Gods of Magics and Powers sa kanilang dating pwesto na sumisimbolo sa iisang anyo, Malaking dragon. Hanggang sa...
"Kakayanin niya kaya?" sabi ni Taffy.
"Kakayanin niya yan, para sa Dragic Empire, para sa ating lahat." Pamapalakas loob na sabi ni Jam sa mga kaibigan.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita ng lahat si Ivy na nakalutang sa ere, kulay bahaghari ang mata at nakataas ang dalawang mga kamay. Kumumpas ang kanyang mata at nagpaikot ikot hanggang sa naging kulay pilak na dragon siya. Kumikinang kinang ang kanyang mga mata at pagkuwa'y naagaw ng atensyon ang lahat sa boses ni King Lire.
"Masaya kong inaanunsyo, ang Prinsesa ng Dragic Empire, Ang taga balanse ng lahat ng kapangyarihan upang hindi maghari ang kasamaan, ang tagapagligtas ng ating lugar, Princess Ivy, The Balancer." Anunsiyo ng Hari.
Palapakan lamang ang tanging narinig sa kwartong iyon, ang iba ay humihiyaw sa ganda ng dragon na nasa harapan nila. At ang kanyang mga kaibigan ay tila hindi magkamayaw sa papuri sa dalaga sapagkat, sa wakas, nakamtan na rin niya ang kanyang inaasam na tungkulin sa buong lugar.
Tagapag ligtas
Bayani
Prinsesa
Alam niyang hindi magiging madali ang lahat. Ngunit hindi naman siya iiwang mag isa ng kanyang mga magulang pati na din ng kanyang mga kaibigan sa tatahakin niyang landas.
Pagkatapos ay may binigkas muli si Ivy at..
"Transform Ad hominem"
Naging tao na muli siya ngunit nagbago na din ang kulay ng suot niya.
At muli ay pinalakpakan siya ng mga tao na naging saksi sa kanyang pasabog sa araw na iyon.
*****
BINABASA MO ANG
THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)
FantasíaTHIS STORY CONTAINS ORIGINAL IDEAS COME UP TO AUTHOR'S MIND. PLAGIARISM IS RESTRICTED PROHIBITED.