Kinaumagahan, maagang nagising si Ivy para sa paghahanda ng kanyang pagsasanay na balansehin ang kapangyarihang tubig at apoy. Bumalik siya sa kaniyang dating room na kinabibilangan ng mga kaibigang babae. Nagkapatawaran na rin sina Ivy at Perrie na siyang lalong nagpatibay ng pagkakaibigan ng limang babae.
Natapos ang oras ng klase, tinungo ng magkakaibgan ang isang tagong lugar na tanging ang kanilang mga magulang lamang ang nakakaalam, sumunod sila. At duon ay nakita nila ang Hari at Reyna.
Umupo ang magkakaibigan sa isang liblib na lugar at lumapit naman si Ivy sa kaniyang magulang hudyat na handa na siya sa kaniyang pagsubok na haharapin.
Kinalma ang sarili, habang nakaupo si Ivy sa isang spot na kakaiba na kaniyang napansin. Agad naman ding nagulat si Zack dahil alam na niya ang eensayuhin ng dalaga. Ang lugar na kung saan sila naruruon ay maaring maging apoy, tubig, hangin, kagubatan ngunit nung sila ay dumating isa itong desyerto na ngayo'y nagging isang falls.
Nagpalabas si Queen Pearl ng water balls mula sa falls, gayun din ang King Lire na nagpapalabas naman ng rain bombs. Aatake na ang mga iyon papunta kay Ivy ng bigla na lamang itong tumigil at naglaho.
Nagbago muli ang lugar na kinalalagyan nila. Naging apoy ang paligid. Naalarma man ang magkakaibigan ay di nila iyon pinahalata bagkus ay naglagay sila ng shield sa isa't isa. Nagpalabas ng Mini fire spades si King Lire samantalang si Queen Pearl naman ay Fire Bombs. Papunta ito sa nakapikit na si Ivy. Walang ginawa si Ivy ngunit nagulat ang lahat ng maging tubig ang mga ito, pagkatapos ay nawala.
Nangiti ng patago ang mag asawa, maski si Zack ay nagulat sa pagbabago ni Ivy. Ngunit hindi si Jam, hindi kumbinsido ang binata sa ipinapakita ng dalaga. Kulang pa, sabi nito sa kanyang isipan.
Muli namang nagulat ang magkakaibigan dahil sa huling parte ng pagsasanay ni Ivy. Ang lugar kung saan sila naroroon ay nahati sa dalawa. Kalahating apoy, kalahating tubig. Hindi naranasan iyon nina Zack at Jam na tila namamangha sa kanilang nakikita. Ganun na rin ang gulat sa mukha ng iba pa nilang kaibigan sa kanilang nakikita.
Nagpalabas si Queen Pearl ng bolang tubig na may kuryente, si King Lire naman ay bolang apoy na may hangin at kidlat. Nakaramdam ng takot si Jam para kay Ivy dahil alam nito na delikado pag di niya nabalanse iyon, ganoon na rin si Zack na tila gusting tulungan ang dalaga. Napitlag naman sa kinauupuan ang magkakaibigan ng magsalita si King Lire.
KL: Walang tutulong sa inyo kahit anong mangyari.
QP: Kung sino mang tutulong sa kanya ay kailangan mabalanse rin ang mga kapangyarihang ipapalabas sa kanyang harapan. Tandaan niyo, isa lamang itong pag eensayo para sa kapakanan ng ating lugar at ng mga tao.
Walang gusting umimik. Lahat ay napaisip. Tumayo si Zack, sumunod naman si Jam. Ngunit bigla na lamang nagsalita si Ivy.
Ivy: Wag kayong lalapit. Delikado. Pakiusap, hayaan niyo ako na malampasan ito.
Pikit matang umatras ang dalawang lalaki na lalapit at tutulungan sana ang dalaga.
Nagsama ang bolang tubig na may kuryente at bolang apoy na may hangin at kidlat kasabay nito ay idinilat ni Ivy ang mga mata. Liwanag, ang bumabalot sa kanyang mata na napalitan ng kulay bahaghari. Nakakamangha. Pinaikot ikot lamang ni Ivy ang lakas at pwersa ng bolang iyon sa kanyang kamay sabay sabing...
"tardius evanescet..."
Pabagal ng pabagal ang ikot ng bolang iyon kasabay din ang paglaho nito. Mas lalong nagulat ang lahat sa ginawa ni Ivy. Kasabay ng paglaho ng bola ay naramdaman ng magkakaibigan ang pagbalik ng lugar sa dati nitong hitsura.
Tatayo na dapat si Ivy ng bigla itong mawalan ng malay.
*****
BINABASA MO ANG
THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)
FantasyTHIS STORY CONTAINS ORIGINAL IDEAS COME UP TO AUTHOR'S MIND. PLAGIARISM IS RESTRICTED PROHIBITED.