18 REBUILDING DRAGIC EMPIRE/REUNITED

1K 21 0
                                    


AUTHOR'S POV

(Let your imaginations flow into this chapter.)

Nang magising si Peter ay agad naman niyang pinuntahan sa clinic si Ivy. Labis ang pag aalala ng binata para sa taong kanyang gusto, si Ivy. Alam niya na simula pa lamang ay gusto na niya ito. Naramdaman naman iyon ni Jam kung kaya't umpisa pa lamang ay nagparaya na din siya para sa kaibigan. Lumipas ang isang araw at nagising na din si Ivy, naging masaya ang lahat.

Duon ay nag simula naman silang lahat na ayusin at pagandahing muli ang lugar. Nagsimula sila ayusin ang Dragic Empire, naglagay ng protective shield sina King Lire, Queen Pearl at Ivy. Samantala, si Sienna naman na katulong ang iba pang baguhang estudyante na may air users ay nag lalagay ng bubong na may patusok na hugis bilang pagprotekta sa mga nag nanais magbalak na lusubin muli sila.

Nagtulong tulong naman sina Jam at Zack na maglagay ng tanglaw na mag sisilbing ilaw sa buong kapaligiran ng Dragic Empire, ngunit ang kaibahan ng tanglaw na ginagawa ng dalawa ay magiging pangalawang shield ito kung sakaling may aatake na kalaban. Apoy na may tubig, masusunog ka man, mawawala ka din na parang tubig.

Sa bandang likod ng nasabing empire ay gumagawa sina Grinn, Oliver, Taffy at Perrie ng isang trap. Nagpalabas ng mga dahon si Grinn samantalang si Taffy naman ay pinalibutan iyon ng rosas na nakakalason pagkatapos ay nilagyan ni Taffy ng kidlat ang mga tangkay ng dahon na sinamahan naman ni Perrie ng kulog para kung tatama sa katawan ng kalaban ay mangigisay na lamang ito.

Kanya kanyang ginagawa, ganyan ang mga tao sa Dragic Empire. Lumipas ang ika limang araw mag mula ng labanan na naganap sa lugar ay maayos na muli ito. At nuon nama'y nagkaroon ng maliit na salu salo sa lugar.

Habang nagkakakasiyahan ang lahat ay napansin naman ni Yam si Zack sa kanyang pagkain.

"Ano ba naman iyan Zack, ang takaw takaw mo talaga..." Pansin ng dalaga sa katabi.

"Walang basagan ng trip, babe." – Zack to Yam

"Yuck!! Iiiiiiiiiwww!!!! Don't babe me. Kung ayaw mo pang mamatay." Yam to Zack.

"Di ka naman mabiro babe... ay... Yam pala...*ouch* *Aray* sabi ko nga di na e." Zack to Yam, habang hinahampas siya nito sa braso.

"Ang ingay niyo hah. Kayo lang maingay sa table natin." Ngitngit naman ni Jam sa mga kasama. Habang nakita naman nila na may sariling mundo sina Oliver at Perrie.

" *Insert sarcasm* Mukhang may namumuong love team ah. May susunod kina Ivy at Peter." – Taffy

Sabay sabay naman nagtawanan ang magkakaibigan at nakitawa na din ang dalawang tinutukso ni Taffy. Natigilan ang magkakaibigan ng mag salita ang Hari habang katabi nito ang Reyna at anak na si Ivy kasama ang manliligaw na si Peter.

"Magandang araw sa inyong lahat. Nag titipon tipon tayo ngayon dito para ipagdiwang ang kapayapaan na ating nakamtan sa tulong na rin ng mga magigiting na mag aaral dito sa Dragic Empire. Malugod ko kayong pinasasalamatan sa inyong dakilang katapangan na pinakita sa labanan na naganap ilang araw na ang nakakaraan." Panimula ni King Lire.

"Kaya naman itong araw na ito ay para sa inyong lahat. Mag enjoy kayo sa inyong pagsasalo salo. Pagkatapos ng tatlong araw, magmula ngayon may gaganapin muli na isang selebrasyon. At ito ay isang surpresa sa inyong lahat. Maraming salamat." Nakangiting sabi ni Queen Pearl.

Pagkatapos ng anunsiyong iyon ay nilapitan nina Ivy at Peter ang mga kaibigan.

"Oh nandiyan na ang Lovers ng Dragic Empire." Sabi ni Grinn na kasalukuyang nagiging sweet kay Taffy.

"Mag tigil ka Grinn, wala pa nga e." sagot naman ni Peter.

"Ivy, bakit di mo pa sagutin si Peter? Masyado mo naman pinapatagal mamaya niyan masungkit pa yan ng iba, ikaw din." Mahabang sabi ni Taffy sa kaibigan.

"Oo nga naman, relasyon ang pinapatagal hindi panliligaw. Di ba cupcake?" sabi ni Oliver kay Perrie.

"Magtigil ka, cupcake ka diyan? Asukal ba ako? Tss.. Baka gusto mong di kita sagutin diyan. Hmp!" paninimbang ni Perrie kay Oliver.

"Babe naman.." Oliver to Perrie.

"Hindi ako baboy. Di talaga kita sasagutin diyan." Perrie to Oliver.

"Oh LQ na agad kayo diyan. Tama na yan, lika sayaw na lang tayo." Aya ni Peter sa mga kaibigan.

Nag sayaw ang magkakaibigan. Natapos ang araw na iyon na masaya at puno ng pag asa sa mga darating pang mga araw.

*****


THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon