Bipolar 1

2.5K 76 9
                                    


Sowon's POV

"Hoy! mga inday bumangon na kayo jan! Dali na!", sigaw ko sa kanila. Ang aga nilang gumising kaya parati kaming late sa school. Kainis!

"Psh! mamaya na. Ang aga-aga pa kaya duh!" ani ni Yuju. Aba sya pa ang may ganang magtaray ah!

"YEHEY! SCHOOL DAY HAS BEGUN!" sigaw ni Sinb. Mabuti pa si Sinb, araw-araw good mood!

"Tsk! So annoying! it's so early. Just give me 10 minutes." hay naku. Kahit kailan talaga tong si Eunha ang sungit. Nageenglish pa,araw-araw pinapadugo nya ang ilong ko!

"Hoy englishirang pandak, bumangon kana jan kung ayaw mong malate!" saway ko kay Eunha. Si Eunha at si Yuju talaga ang mahirap gisingin.

"Morning Unnie!" bati sakin ni Umji. Mabuti pa si Umji, hindi ako sinusuway. Such a good girl!

"Morning Umji. Mag ayos kana,may PAGKAIN na sa baba!" bati ko rin kay Umji pero pinariringgan ko lang si Yerin, alam ko namang pagkain lang ang paraan para mapabangon sya.

"Anong ulam Unnie?" tanong ni Yerin habang nag uunat. Oh diba! ang galing ko

"Sikretong malupet, basta mag ayos na kayo kung ayaw niyong mawalan ng breakfast!" sabi ko sa kanila.

"TAPOS  NA KO!" sigaw ni Sinb dahilan para mapabangon sila Eunha at Yuju. Sa wakas bumangon narin ang mga EARLY birds, thanks to Sinb.

"Duh!" -Yuju taray. "Tsk! Sinb please lower down your voice,it's so irritating!" -Eunha sungit. Hay kahit kailan talga tong dalawang to, ang sakit sa ulo.

"Tama na nga yan! Sinb at Umji bumaba na kayo, kayong dalawa mag ayos na kayo. Teka nasan si Yerin?" Tanong ko sa kanila.

"Nandon sa kusina unnie." imik ni Umji. Talaga tong si Yerin, hindi makapaghintay.

"Oh tara na! Hoy Eunha at Yuju, wag niyo akong sisihin kapag hindi kayo natirhan ng pagkain ha!Ang bilis niyo kasing kumilos, mas mabilis pa sa uod!" sarkastikong sabi ko kina Yuju at Eunha.

"Oo na! Susunod lang kami duh" -Yuju. Eunha?! ayon walang imik.Hay Naku.

Nagsi-baba na kaming tatlo at nakita namin si Yerin na nilalantakan ang pagkain. Nagsimula na kaming kumain.

Sakto namang bumaba na sila Yuju at Eunha na halatang inaantok pa.

"Kumain na kayo bago pa lumamig yung pagkain." sabi ko sa kanila.

"Dapat hindi tayo makikipag away ha! kung mayron man siguraduhing sila ang nauna at hindi kayo. Ok?" bilin ko sa kanila.

Baka kasi mangyari na naman yung dati na nakipag away kami, kaya ayun diretso ospital ang mga kaaway. Mga warfreak yata kami.

"Yes, eonnie!" sagot nila in chorus.

"Remember, wag magtitiwala masyado dahil wala pa tayong kilala dun at wag niyo ring paandarin ang pagiging manhater niyo, ok?"

"Oo na po." sabay nilang sabi.

"Good" sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.

Natapos na kaming kumain kaya on the way na kami papuntang BigSource Academy.

"Oh sinong magdadrive?" tanong ko, parang tinatamad ako eh.

"Ako unnie" sagot ni Eunha. Aba himala at hindi nagsungit at nagenglish ang babaeng to.

Si Sinb naman walang imik eh kanina ang saya saya pa nya ah?! Si Umji naman ayon nakikipag usap kay Yerin na nagtataray.

Anyare sa kanila?! eh hindi nga umiimik si Umji kanina tapos ngayon ang daldal, si Yerin rin kanina halos maubos na niya ang niluto ko tapos ngayon nagtataray.

Tiningnan ko naman si Yuju, ayun kumakain eh kanina nga nagtaray pa yan. Aishh....ang GULO nila.

"Oh Eunha, ito na ang susi sa kotse!" sabi ko kay Eunha at inabot ang susi. "Thanks eonnie!" sabi niya.

"Welcome, let's go. Pumasok na kayo." 

Pinauna ko silang papasukin bago ako. Nandito ako sa passenger seat katabi ni Eunha. Si Umji nandon parin kinukulit si Yerin. Habang si Sinb naman ay walang imik na nakaupo at si Yuju ay tahimik na kumakain.

Ang gulo-gulo nila, ang daling magbago ng mood!Kainis!

*****

🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂 Where stories live. Discover now