Yerin's POV
Nakatambay lang ako sa mesa, kumakain ng barbeque habang pinapanood silang masayang lumalangoy. Hindi ko feel magswimming, feeling ko I don't belong here kasi hindi ako nakabikini.
"Why you sad?" Walang ganang napatingin ako sa nagtanong, si Taehyung lang pala.
"I don't know nan molla." walang gana kong sagot saka kumain. Tumabi siya sakin at kumain din, pareho kaming wala sa mood na mag-away. Tulad ko, siya lang din ang hindi naghubad ng shirt sa mga barkada niya. Pareho kaming naout of place dito.
"Gusto ko nang mag-diet." , "Gusto ko nang magwork out." sabay naming sabi. Nagkatinginan kami at pinagtawanan ang mga sarili namin. Dati nag-aaway pa kami dahil sabay kaming nagsasalita pero ngayon nagtatawanan nalang kami, sarap pala sa feeling na ceasefire kayo ng kaaway mo 'no?
"Instead of sulking here, let's just join them." Aya niya na inilahad ang kanyang kamay. He's right. Hindi ko dapat inaaksaya ang mga oras na 'to. There's no point in getting all upset about it, masaya akong kumain kaya dapat masaya ko ring tanggapin ang bilbil ko.
Nakangiti akong tumango at tinanggap ang kamay niya. Sabay kami tumayo at magiliw na lumapit sa mga kaibigan namin. Lumusong kami sa pool na magkahawak parin ang mga kamay. Ang lamig huhu.
"Tapos na kayong kumain?" tanong ni Jhope sa tonong nang-aasar.
"Jusko Yerin, ilang pinggan na ba?" segunda naman ni Sowon eonnie. I just pouted.
"Since kompleto na tayo, maglaro tayo!" Jin announced cheerfully. Agad naman kaming sumang-ayon.
"Water wrestling! Water wrestling!" suggest ni Sinb. Parang hindi ko gusto ang pututunguhan ng larong yun ah, malamang sa malamang ako ang gagawin nilang--
"Si Yerin ng magbubuhat samin! Girls versus Boys toh!"
sabi na nga ba.
"Aba sige! Walang iyakan pag matalo ha!" sabi naman ni Jimin. Naman eh, ang bibigat ng mga bruha.
Naghanda ang magkabilang grupo at si Namjoon ang scorer.
"Ako ang mauuna ha, dali na Yerin eonnie, paangkasin mo ko." excited na sabi ni Sinb. Tong babaeng toh talaga napakagutsy, tae ako ang kawawa dito huhu pero payts na, atlis mahahawakan ko mga legs nila hihi.
Tinulungan nilang umangkas si Sinb sa balikat ko at sobrang higpit ng paghawak ko sa mga legs niya for safety you know.
"Ah-Aray Sinb! Wag mo kong sabunutan!" daing ko ng hawakan niya ang buhok ko.
"Naku sorry eonnie." Aish, ang likot niya.
Nagready na ako kasi ready narin ang aming kalaban. Si Jungkook ang tagabuhat nila at si Jhope ang angkas.
"Ready to lose jerk?" nanghahamong sabi ni Sinb.
"You should ask that to yourself." ganti naman ni Jhope. Namjoon counted to three and sabay kaming sumugod sa isa't isa. Intense ang laban nila, parehong ayaw magpatalo. Panay naman ang cheer ng iba.
May sinasabi si Jhope na hindi ko naklaro kasi nalulublob ang mukha ko sa tubig kapag nanggigigil na si Sinb, iyon ang dahilan kung bakit nabeastmode siya at buong lakas na tinulak si Jhope at bumagsak ito sa tubig.
Agad kong ibinaba si Sinb kasi lumilikot na naman dahil siya ang panalo. Iniunat-unat ko ang aking leeg at minamasahe ang mga balikat ko. Grabe ang likot niya talaga.
"HAHAHA! Ang weak mo pala eh!" Pang-aasar ni Sinb.
"Heh! Nagpatalo lang ako kasi babae ka." Jhope.
1-0 na ang laban.
Si Eunha na ang sumunod na umangkas kaya napangisi ako. Ano bang iniisip niyo? Ang ibig ko lang naman sabihin ay magaan lang siyang buhatin.
"Teka lang, ako ang aangkas." Narinig naming sabi ni Jungkook. Nagpapalit ata sila ng strategy kasi natalo sila HAHA. Si Taehyung na ang ginawa nilang taga-buhat.
Naramdaman kong nanginig si Eunha kaya tinapik ko ang mga legs niya, nagbaba siya ng tingin sakin.
"Huwag kang kabahan Eunha, matatalo natin sila." sabi ko at ngumisi. Lalo na't si Taehyung ang taga-buhat, tatadyakan ko lang siya sa ilalim ng tubig para pareho silang matumba ni Jungkook.
"Hindi naman ako kinakabahan eonnie eh, naiihi lang talaga ako." Hala tangina. Ibababa ko na sana siya nang nagsalita na si Namjoon.
"Start!"
"Waah Eunha! Pigilan mo muna yan okay? Wag mo kong ihian please." Pagmamakaawa ko. Wrong timing ang babaeng toh, bakit kasi hindi siya umihi nung hindi pa siya ang naglalaro?
"Oo na, oo na, sugod na eonnie."
Naglaban sila, hindi match ang larong toh kasi ang malakas si Jungkook kumpara kay Eunha. Dapat si Jimin or Suga ang pinaangkas nila, ang daya. Pero ayos lang, hindi ko naman papabayaan si Eunha, hindi ko siya hahayaang matumba.
Intense rin naman ang laban nila, ayaw magpatalo ni Eunha eh. That's my girl. Actually ang tagal nga ng laban eh. Wala bang susurrender?
Nagulat kaming lahat dahil imbis na itulak ay hinila ni Jungkook palapit si Eunha, pareho naman kaming nahila ni Taehyung palapit kaya nagkauntugan kami at pareho kaming natumba.
Ayan, walang nanalo.
"Ang daya! Ang daya ni Yerin!" reklamo ni Taehyung habang nakahawak sa noo niya. Aba!
"Hoy hindi ako nandaya! Pareho lang nauntog ang mga noo natin dahil sa ginawa ni Jungkook!" angal ko rin. Walanghiya kasi tong si Jungkook, bakit niya ginawa yun?
Narinig naming tumawa lang sila Eunha at Jungkook. Sobrang inis ko dahil ako tong pinagbintangan ni Taehyung, ang sakit kaya ng noo kasi ang tigas ng ulo niya, humanda siya.
"Hoy ikaw! Tayo ang maglaban!" Hamon ko sa kanya.
"Sige bah, walang iyakan ha!"
"Buhatin niyo ko guys!" sabi ko sa mga kaibigan ko pero kanya-kanya silang tanggi.
"Ang bigat mo kaya." sabi ni Sinb. Aba, walanghiya toh.
"Hindi kita kaya Yerin." Sowon eonnie.
"Me too, alam mo namang clumsy ako Eonnie." Yuju. Napatingin ako kina Umji at Eunha pero umiling lang sila. Sumimangot ako, ang unfair naman nila. Gusto kong ako naman ang umangkas eh.
"Sige na nga, total ako lang naman ang pinakamalakas dito. " Mayabang na sabi ni Sinb kaya napangiti ako. Di ko nalang siya aangalan kasi baka hindi niya tuloy ako paangkasin.
Naghanda na ako at mukhang handa narin ang kalaban. Si Jimin ang nagbuhat kay Taehyung. Ngumisi ako, humanda ka saking alien ka.
Nagsamaan kami ng tingin sa isa't isa at saka sumugod. Hinigpitan ko ang paghawak ko sa mga kamay niya to the point na bumabaon na ng mga kuko ko sa kanyang balat. Umaray siya at buong pwersa na nabawi ang isa niyang kamay. Nag-uunahan kami sa paghawak ng kanya-kanyang kamay. Akmang aatake siya nang iilag ko ang aking kamay mula sa aking dibdib at. . .at ang kanyang kamay tuloy ay napunta sa. . .napunta sa. .isa kong boobs!
Natigilan kaming lahat sa nangyari, pakiramdam ko nga nafreeze kami. Sobrang init na ng mga pisngi ko at mas namula pa ako nang maramdaman kong pinisil niya yun.
"WAAAAAAAAAH!" I screamed on the top of my lungs as I slapped the shit out of him, making him fell into the water.
Niyakap ko ang aking sarili nang ibinaba ako ni Sinb, nilapitan ako ng mga kaibigan ko habang siya ay pinagpapalo at pinagtatawanan ng mga barkada niya.
Waaaaah! Bakit nangyari yun?! Nahawakan niya ang boob--argh! Worst day ever!
*****
hihi
YOU ARE READING
🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂
FanfictionBts x Gfriend Fanfiction Labing tatlong mga tao na iba't iba ang mga ugali na pinagsama sa iisang bubong. Ano kaya ang mangyayari? May mabubuo bang pagmamahalan sa mga ito o magkakaroon lang ng matinding awayan at bangayan dahil sa hindi pagkakainti...