SinB's POV
"Hoy mga babae! hindi kami ang nagsimula ng gulo. Sino ba ang unang nakipag away?!" asik nung matangkad sa kanila.
"Hoy mga lalaki! Hindi rin kami ang nagsimula ng gulo! Kung hindi lang sana sinipa ng kabayong yan ang upuan ko, edi wala sanang gulo!" singhal ko habang tinitingnan ng masama si Mr.Kabayo.
"Para yun lang?!" sabi nung lalaking gluta.
"Hoy gluta! baka nakakalimutan mong pinunit mo yung papel ko!" sabi ni Umji.
Oh kita niyo na? sila ang nagsimula ng gulo. Ang yayabang pa nila hindi naman mga kapogian.
"Ikaw din baliw ka! sinipa mo yung upuan ko!" singhal ni Yerin eonnie dun sa lalaking may pariralang ngiti.
"Kasi nga ang pangit mo!" sagot nung mokong. Aba!
"Sumusobra ka na ha! Ano naman ngayon kung pangit ako?! kung makapagsabi ka para ka namang gwapo! Tapos may pakindat kindat ka pang nalalaman tusukin ko yang mata mo eh!" inis na sabi ni Yerin eonnie.
"Tama na yan guys! Wala naman tayong mapapala sa mga yan. Masakit lang sila sa ulo." sabi ni Sowon eonnie samin.
"Oo nga unnie, gutom na talaga ako!" reklamo ni Yerin unnie. Hay walang araw talaga na hindi siya nagugutom.
"Hanapin na rin natin si Eunha eonnie." sabi ni Yuju. Oo nga noh! Okay lang kaya si Eunha unnie sa bago niyang room?!
"Tara na!" sabi nung Kabayo boy, argh nakakainis talaga sya.
"Hanapin na natin si maknae para makakain na tayo!" sabi nung pandak.
"Hindi pa tayo tapos!" sabi ni Gluta samin, he even pointed his two eyes to our eyes. Tsk!
"Alam namin yun." sabi ko at ginaya ang ginawa niya. Iniripan muna namin sila bago sila tinalikuran.
Hanggang sa nakarating kami sa caféteria, nakakarinig parin kami ng bulung-bulongan.Tsk!
"Bakit sila kinausap ng mga kings!"
"I hate them!"
"Bitch"
"Slut"
"Pakipot pa sila!"
"Ang kakapal nila! Nagawa pa nilang sigawan ang mga kings natin!"
"Desperada!"
Aba! sumusobra na sila ah! Ano naman ngayon kung sinigawan namin sila kabayo?! Kings pala huh? Eh mas gwapo pa nga ang mga basurero sa kanila!
"Hoy ikaw, ikaw, ikaw, ikaw, kayong lahat! Wala kayong paki kung sigaw-sigawan namin yang mga kings niyo kuno ha! Hindi sila mga santo para sambahin! " sigaw ni Yuju unnie.
"Hindi kami katulad niyo na mga papansin duh! sadyang magaganda lang kami kaya nila kami nilalapitan duh! " mataray na sabi ni Yerin eonnie.
"Baka kayo ang mga bitch, slut, at mga desperada! Kabago-bago lang namin dito tas maghahabol lang kami sa mga mukhang unggoy na yun?! Ano sila nanalo sa lotto?!" sabi ni Umji.
Ano kayo ngayon?! mga warfreak ata toh! Black belter pa sa taekwondo.
"Let's go girls, they dont deserve our time." imik ni Sowon eonnie at naghanap na kami ng vacant table for six.
"Gutom na ko guys, mag order na tayo..." reklamo ko sa kanila. Nakakagutom talaga ang makipag-away.
"Sige ako na ang mag oorder! Anong gusto niyo?" pagvovolunteer ni Sowon eonnie sabay tayo.
"Burger with Sparkle."-Umji
"Hotdog stick with Sprite."-Yuju
"Burger and fries with Coke."-Yerin
"Fries and hotdog stick with Royal."-ako ."Okay noted, samahan mo ko Yuju." sabi ni Sowon eonnie.
"Pano si Eunha eonnie?!" sabi ni Umji. Nakalimutan ko nga si Eunha eonnie, bakit wala pa siya?
"Ako na ang bahala sa kanya, hanapin niyo muna siya baka nandyan lang yun sa tabi-tabi." bilin ni Sowon eonnie at umalis na sila ni Yuju papunta sa counter.
Kami naman ay naiwan upang hanapin si Eunha eonnie. Naku baka naligaw na yun! o baka napagkamalang elementary kaya pinalabas sa campus?! Hala!
"Kung kasama lang sana natin si Eunha kanina, mabilis sanang aatras ang mga asungot na yun. " sabi ni Yerin eonnie.
"Oo nga, siguradong magdudugo ang mga ilong nila sa english ni Eunha eonnie!" komento rin ni Umji.
Sumang-ayon habang tumatawa lang ako sa mga sinabi nila. Pero nabaling ang paningin ako dun sa babaeng tumatakbo na kapapasok lang sa caféteria, parang may naghahabol sa kanya.
"Baka si Eunha eonnie yun oh!" sabi ko habang tinuro yung babaeng hinihingal, pamilyar kasi ang height at buhok niya.
"EUNHA!" sigaw ni Yerin eonnie. Lumingon naman yung babae sa direksyon namin, si Eunha nga!
Kumaway kami sa kanya, nakangiting tinungo niya ang table namin.
"Bat ang tagal mo?! San ka ba ng galing?!" Tanong agad ni Yerin eonnie sa kanya.
"Wala, may nakasalubong lang akong asong ulol kanina." sagot ni Eunha eonnie na mukhang badtrip.
Ah kaya pala siya tumatakbo, pero possible bang makapasok ang asong ulol sa campus? Baka nga, may mga unggoy nga kaming nakaaway eh.
"Kanina ko pa kayo hinahanap ah, saan ba kayo galing?" tanong ni Eunha eonnie.
"May naka-away lang kaming mga unggoy kanina." sagot ko sa kanya.
"Ah siguro may secret zoo ang school nato no? Maraming hayop eh."
Napatango kami tatlo sa sinabi ni Eunha eonnie.
" Teka nasaan sila Sowon eonnie at Yuju?" tanong niya.
"Nag-order pa." sagot ni Umji.
"Kamusta sa bago mong room unnie? Mababait ba ang mga classmate mo dun?!" tanong ko kay Eunha eonnie."Uhm... mga mababait naman sila maliban sa isa. Ewan, naligaw ata yun ng room." Inis na sagot niya. May naka-away rin sya?
"May naka-away ka rin dun eonnie?!" Tanong ni Umji."Yes!" sagot nya. Warfreak talaga!
"So are we! Ang aangas nila wala namang binatbat!" inis na sabi ni Yerin eonnie.
"Oh ito na ang order niyo." sabi nila Yuju at Sowon eonnie.Yes! makakakain na rin sa wakas.
"Oh Eunha! san ka ba galing? Bat ang tagal mo?" Tanong agad ni Sowon eonnie at binigyan siya ng burger at pepsi.
"Such a long annoying story eonnie. Let's just eat before I lose my appetite."
Ayan nag-eenglish na siya, gutom na nga siya.
*****

YOU ARE READING
🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂
FanfictionBts x Gfriend Fanfiction Labing tatlong mga tao na iba't iba ang mga ugali na pinagsama sa iisang bubong. Ano kaya ang mangyayari? May mabubuo bang pagmamahalan sa mga ito o magkakaroon lang ng matinding awayan at bangayan dahil sa hindi pagkakainti...