Eunha's POV
"Friends na kasi tayo Eunha!"
"Bwesit,wag mo nga akong mahawakan!" Bulyaw ko sa kanya at pinagsasapak ang walang hiya niyang kamay. Nakakainis kasi eh, yugyugin ba daw naman ang balikat ko.
"Tanggapin mo na kasi ang friend request ko!" Pangungulit niya. Inis na umupo ako sa bermuda grass at tiningnan siya ng masama, ngumiti lang ang bruho.
"Alam mo, kanina ka pa eh.... Istorbo ka sa tulog ko, lumayas ka nga!" singhal ko sa kanya.
"Not until you accept my friend request."
Bwesit,kanina pa talaga siya nangungulit na tanggapin ko daw ang pakikipagkaibigan niya dahil daw alam ko na lahat ng sikreto niya sa buhay like psh as if inutusan ko syang ikwento ang talambuhay niya sakin. Siya lang ang kanina pa talak ng talak eh hindi naman ako nakinig.
"Get lost." walang ganang sabi ko sa kanya at tiningnan din siya ng walang gana. Kanina pa talaga toh nangingistorbo, simula pa nung diniligan niya ng ihi ang punong tanim ni Yuju. Sana talaga hindi na ako umimik nun, sinabihan pa tuloy akong mambubuso. Like E w w, ako kaya ang nauna dito sa garden,gusto ko lang matulog ng mahimbing.
"Again take 6, Hi! I'm Jimin." parang baliw na nakangiting sabi niya at naglahad ng kamay for shakehands. I just looked at his hand boredly, not in a sharks mouth na tatanggapin ko yan. Kung matanggap ko man ay malamang na pinilit niya ako.
"Eunha naman eh, pang-ilang take na natin toh. Tanggapin mo na kasi!" parang batang sabi niya. Kinunutan ko siya ng noo, ano bang nakain niya at naisip na makipagbati sakin? Dapat kay Yuju siya makipagkaibigan.
"Kay Yuju mo dapat sinasabi yan noh." Initirik ko ang mga mata ko sa mga sanga ng alaga kong puno.
"Saka na siya, galit pa sakin yun." Tamo ang kalokohan niya -_-
"Gagu dun ka nga makipagbati, magsorry ka sa lahat ng kasalanan mo hindi yung nangingistorbo ka ng tulog ko.!"
"Friends na kasi tayo!"
Kinuha niya ang kamay ko at akmang ididikit sa kanang palad niya. Agad kong hinila ang kamay ko pero putek hinigpitan niya ang pagkakahawak at niyugyog pa, bwesit ang sakit ng braso ko.
"I'm Jimin" nakangiting sabi niya habang niyuyugyog parin ang kamay ko. Gahaman siya sa shakehands bwesit.
Pinilit kong bawiin ang kamay ko at nagtagumpay naman ako sa wakas. Minasahe ko ang kamay ko habang nakatingin sa kanya ng masama.
"Eunha"
Mabuti nang tumigil na ang pandak natoh sa kalokohan niya at lumayas na dito sa garden.
"Nice to meet you Eunha." nakangiti parin niyang sabi. Kunot ang mga kilay na tiningnan ko lang siya. Bahagyang kumunot din ang noo niya, parang naghihintay sa sasabihin ko.
"Nice to meet you TOO!" I said in a sarcastic tone as I rolled my eyes on him.
"Now can you leave me alone?"
"Sure,sasamahan kita dito." gagong sagot niya at umusog pa sa tabi ko. Inis na napakamot ako ng ulo.
"Hindi mo ba alam ang salitang 'ALONE' ah?!"
YOU ARE READING
🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂
FanfictionBts x Gfriend Fanfiction Labing tatlong mga tao na iba't iba ang mga ugali na pinagsama sa iisang bubong. Ano kaya ang mangyayari? May mabubuo bang pagmamahalan sa mga ito o magkakaroon lang ng matinding awayan at bangayan dahil sa hindi pagkakainti...