Bipolar 36

358 22 4
                                    

Jin's POV

"Hoy Kirat, ayusin mo yang kama ko. Dapat pagkatapos kong maligo,ayos at malinis na yan ah. May alcohol spray diyan sa drawer, madumi pa naman yang kamay mo." utos ni Madam Payat. Tsk, madumi pala ang kamay ko eh bat ako pa ang pa-aayusin, bat hindi nalang sya.

Talaga kami inaalipin ng mga bruha. Sana talaga hindi na kami pumayag na bantayan sila dito,pero nakakahiyang tumanggi kina Tita eh.

Padabog na inayos ko nga ang kama niya. Ini-sprayhan ko ng alcohol ang kama nya, tsk ang arte-arte hindi naman maganda ang ugali. Sus, ang malas malas ng mapapangasawa niya.

At tapos. Nag-spray narin ako ng alcohol sa mga kamay ko, madumi kaya ang kama nya. Tsk

Lumabas ako sa kwarto at binagsak ang pinto.

"HOY!MAS MAHAL PA ANG PINTO KO KAYSA SA BUHAY MO!" sigaw niya sa loob. Tapos na sigurong maligo ang bruha.

"Hindi niya ba alam na ang tao ang pinakamahalagang yaman sa mundo? Tapos sasabihin niyang mas mahal pa ang pinto kaysa sa buhay ko? tsk sipain ko yan eh."

"Baliw"

Napatingin ako sa nagsalita, ang rival ni Pandak, si Yuju. Iniripan pa ako bago pumasok sa kwarto niya. Tsk





Bumaba ako sa sala at pumunta sa kusina, kinuha ko ang itinago kong anim na beer can sa cooler.

Yeah, maraming stock ng beer ang mga babaeng yun. Nakita ko habang nililinis ang kusina kanina.

Lumabas ako sa kusina at nagtungo sa bodega. Bagot na mga mukha nila ang bumungad sakin.

"Hyung naman, bat ang tagal mo?!" inip na saad ni Jungkook na nakaupo sa mga kahon.


"Mahirap tumakas sa kuko ng agila."

Binato ko sa kanya ang isang beer can, nakangiting sinalo niya ito. Pinagbabato ko sila isa-isa ng beer can, nawala agad ang bagot sa mga mukha nila sabay salo sa beer.


Syempre mga catcher kami. Hindi sa pagmamayabang pero marunong kaming magbaseball.


"Baka sa kuko ng giraffe." natatawang sabi ni Suga sabay lagok ng beer.

"Pwede rin." natatawang pagsang-ayon ko at umupo sa tabi ni Jhope.

"San mo nakuha toh hyung?" tanong ni Jungkook na tinutukoy ang beer. Ang batang mukhang inosente,mukha lang.

"Sa mga bruha,san pa ba."

"May kuko ba ang mga giraffe?" parang musmus na tanong ni Taehyung na naglalaro ng chess kasama si Jimin.

"Oo naman, may kuko nga ang mga alien eh." sagot ni Suga na ikinabusangot ni Taehyung.

"Talaga hyung?! Pano mo nalaman? Napanood mo ba sa Discovery Channel? o nakakita ka na talaga ng totoong alien?" curious na curious na tanong ni Jhope. Ang batang adik sa discovery channel.

"Hindi sa discovery channel kundi sa salamin hahaha!" sagot ni Jimin. Ang batang adik sa jams. Tiningnan siya ng masama ni Suga, ang batang adik sa panaginip.

"Tinutukoy mo mukha mo pandak?" sarkastikong ganti ni Suga. Tumawa lang si Jimin.

"Pero may kuko din ba ang mga kabayo hyung?" tanong ulit ni Taehyung kay Suga,ang batang adik sa Animal Planet. Si Jhope naman ang bumusangot.


"Ako may kuko, gusto niyong pakurot?" singit ko sa usapan nila.  Nagsi-tahimik naman sila.

"What's the agenda hyung?" tanong ni Jungkook. Yeah, pinatawag ko sila dito sa bodega dahil magmemeeting kami.



🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂 Where stories live. Discover now