Bipolar 7

957 51 19
                                    

Jimin's POV

Kainis yung mga babaeng yun ah lalo na yung sinabihan ako na manyakis! Tsk!

"Ano hyung? hahayaan nalang ba natin ang mga bruhang yun na tapak-tapakan tayo?!" inis na tanong ko sa kanila.

Hindi deserve ng kagwapuhan ko ang masabihang manyakis!

"Easy ka lang, makakaganti rin tayo sa kanila!" sabi ni Jhope hyung. Well dapat lang! First time in the history na may sumalungat samin!

"Paano?!" Tanong din ni V. Alam ko na!

"Alam ko na! Paano kaya kung ipabugbog natin sila sa mga fangirls natin?" suggest ko. Since halos lahat ng mga babae dito sa campus ay fangirls namin.

"Huwag yun, masyadong common." - Suga. Well oo nga.

"Pano kaya kung paalisin natin sila sa school?!" Tanong ni V hyung. Pwede rin since may mga shares ang mga magulang namin sa school na to kaya may karapatan kaming magpaalis ng mga studyanteng walang respeto.

"Huwag yun,gusto ko pa silang paglaruan lalo na yung payat na yun." nakangising sabi ni Jin hyung. Well oo nga naman, gusto ko pang patunayan sa babaeng may bangs na yun na hindi ako manyak.

"Uyyyy! si Jin hyung parang may gusto dun sa payat yieeeee!" pang aasar ni Jhope hyung sa kanya.

"Tumigil ka nga Jhope! gusto ko lang makita silang nahihirapan!" nakangising sabi ni Jin hyung.

"Pano nga natin sila pahihirapan?" Naiinip na tanong ko.

"Mamaya na yan natin pag usapan, hanapin muna natin si Ilong." imikni Suga hyung.

"Baka nangbabae na naman yun." sabi ko. Hays ang jungkook na yun talaga, hindi nagmana sakin.

"Ayun oh! Siya siguro yung tumatakbo!" sabi ni Jhope hyung kaya napatingin kami sa direksyon na itinuturo niya. Si Jungkook nga pero parang may hinahanap niya habang hawak-hawak ang below the belt niya.

Naghahanap ba siya ng cr?

"JUNGKOOK!" tawag ni V. Napakamot siya sa ulo nang makita niya kami. Aba, what's with that attitude? Ayaw niyang makita kami? Ang mga gwapong hyungs niya?

"Bat ang tagal mo? saan ka ba galing?!" Tanong ni Suga hyung nang makalapit kami sa kanya.

"Oh Jungkook napano ka? Bakit para kang natatae?! HAHAHAHA!" natatawang tanong ko.

" Manahimik ka nga! May sadistang babae lang na sinipa ang kaligayahan ko! " inis na sabi niya.

Ano? Sinipa ng isang babae ang jungcock ni Jungkook?  Bilib naman ako sa babaeng yun, paano niya nagawa yun?

"What? HAHAHAHA! Who dared to do that to you?"- Jin hyung.

"Baka hindi ka na magka-anak niyan! HAHAHA!" sabi ni Jhope hyung.

"Pwes humanda sakin yung pandak na yun dahil baka siya ang anakan ko."

"Siguro parusa narin sayo yan kasi napakaplayboy mo." pang-aasar ko sa kanya.

"Coming from you? Ulol." -Jungkook. Aba!

" Aish! Tara na, garden muna tayo. Pag-uusapan natin ang tungkol sa mga babaeng nilapastangan tayo. " sabi ni Jin hyung.

" May nakaaway din kayo?" nagtatakang tanong ni Jungkook.

"Sa garden na nga lang." masungit na sabi ni Jin hyung at nauna nang maglakad.

Inalalayan namin si Jungkook kasi masakit pa daw ang jr niya.

"So may nakaaway nga rin kayo?" Tanong ni Jungkook pagdating namin sa garden.

"Meron, ang hahambog ng mga babaeng yun akala mo naman mga kagandahan!" inis na sagot ni V Hyung.

"Parehas pala sila nung naka away ko rin. Pandak na nga, palaban pa!" sabi pa ni Jungkook. Binato ko siya ng damo. Makapandak kasi eh.

" Pwede bang huwag pandak ang itawag mo sa babaeng yan? Nasasaktan din kasi ako gago ka." reklamo ko.

" Matamaan huwag magalit." nang-aasar na sabi niya sakin, sinamaan ko lang siya ng tingin.

Pero mas matindi pa pala yung naka-away niya dahil nagawang sipain ang kaligayahan niya. Small but terrible.

"Pano nila kayo nilapastangan hyungs?" tanong ni Jungkook samin.

"Sinabihan akong gluta ni nung maliit na yun." sagot ni Suga hyung.

"Sinabihan akong baliw nung baboy na yun!"- V

"Sinabihan akong kabayo nung may malaking bunganga na yun. "- Jhope.

"Kaya nga nandito tayo para pagplanuhan ang paghihiganti sa kanila." sabi ni Jin hyung samin.

"Pano kaya kung ipahiya natin sila sa maraming tao?" suggest ni V.

"Paulit-ulit na natin yung ginagawa, iba naman." reklamo ni Suga hyung.

"Ikaw ilong, may naiisip ka? " Tanong ko kay Jungkook. Mukha kasi siyang nag-iisip eh. Pero tiningnan niya lang ako ng masama.

 
"Oo naisip ko na wala ka na palang itatangkad." sabi niya. Aba! wala talagang galang ang lalaking to sa mas nakakagwapo sa kanya.

"Oo nga eh, wala na ring ililiit yang ilong mo. " ganti ko.

"Ayan na naman kayo. Pwede na mag-seryoso naman kayo kahit ngayon lang?!" inis na sabi ni Jin hyung. Sanaol seryoso.

"Ipakidnap natin sila for 3 days?" suggest ni Jhope hyung. Well pwede rin since nauso na ang kidnapping ngayon.

"Huwag yun, hindi exciting." reklamo ni Suga hyung.

"Ipalason  natin sila?!" suggest ko.

"Sa kulungan ang bagsak natin." reklamo niya ulit.

Puro siya reklamo, wala pa naman siyang naambag!

"Ganito nalang!" sabi ni ilong, binulungan niya si Jin hyung sa plano nya.

Nakangiting tumango si Jin hyung at nag-high five pa sila. Ano kaya yun?!

"Anong plano?" tanong ni Jhope hyung.

"Bakit hindi nalang natin sila ligawan tapos pag sinagot nila tayo, dun tayo makakaganti!" sabi ni Jungkook.

Hay! Umaandar na naman ang dugong playboy.

"Agree ako kay maknae!" sabi ni Suga hyung. Ang unfair ng gago oh.

"Bakit si Jungkook lang ang sinang-ayunan mo hyung?! ang dami naming suggestions palagi kang nagrereklamo. Nasan ang hustisya. Nasa--ARAY!" Sabi ni V ng batukan siya ni Suga hyung.

"Ang oa mo eh, kaya ako umagree sa plano ni Jungkook kasi effortless kaysa sa mga suggestions niyo." sabi ni Suga hyung. Edi wow sa kanya, napakatamad.

"Okay so yun nga ang gagawin natin. Mamili na kayo kung sino ang gagantihan niyo, basta si Payat ang akin!" sabi ni Jin hyung.

"Si Yuju sakin!" nakangising sabi ko. Humanda ka sakin Yuju Choi.

"Si Yerin sakin!" - V
 
"Sakin si Umji!"- Suga hyung.

"Si Sinbaba ang gagantihan ko!"- Jhope hyung.

"Sino ang sayo maknae?!" tanong ni Jin hyung kay Jungkook.

"Sakin si Eunha." nakangising tanong ni Jungkook. Ah Eunha pala ang pangalan nung nakaaway niya, ang gandang pangalan.

"Ok malinaw na! Dapat tayo lang ang nakakaalam nito huh?" sabi ni Jin Hyung.

" Let them taste our sweetest revenge... "


*****


🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂 Where stories live. Discover now