Namjoon's POV
"Goodbye hyung." Taehyun said while sniffing.
"Take care hyung." Kai.
"We'll miss you hyung." Soobin.
"Send my regards to them hyung." Beomgyu.
"Specially to the ladies." Yeonjun.
I chuckled at them as I'm patting their heads, they were crying as if I'm on the edge of death. Man, I'm just going back to BangFriend's house.
"Don't worry, if Covid-19 is completely eradicated, you can visit us there anytime." I said, trying to cheer them up. They are now smiling as they unhugged me.
"I'll be going Mom." I kissed my mother's cheeks before stepping outside the gate. I waved a goodbye to them before I entered the taxi.
I'm on my way to that house, the house full of chaos but still fun.
Jhope's POV
"Ayan na siya!" excited na bulong ni Sowon samin at isinagawa na namin ang aming plano. Pinatay na ni Jin hyung ang ilaw at kanya-kanya kaming nagtago habang may hawak-hawak kaming confettis.
Nagtago ako sa likod ng single-seated couch at sinisilip ko ang pinto kung kailan bubukas. Ngunit naramdaman kong may gumagalaw sa tabi ko. Sinong nilalang ba ang walanghiyang tuma--*stares* Nagkatitigan kami ni Sinb dahil sabay kaming napalingon sa isa't isa. Tae ang lapit-lapit ng mga mukha namin sa isa't isa, ang ganda niya pala sa malapitan.
"Hoy." At ang bango pa ng hininga niya. Kahit magkatagpo ang kanyang mga kilay ay maganda parin siya.
"Hoy!" Hindi siya nakakasawang titigan-- *slap* tangina binabawi ko na, isa parin siyang bruha. Sampalin ba naman ako bigla.
"Anong problema mo?!" singhal ko pero hininaan ko lang ang boses ko. Siya pa tong nakikishare ng taguan, siya pa tong nananakit. Ako kaya ang naunang magtago dito.
"Ikaw! Usog sabi eh pero tumunganga kalang dya--hmmmm!" tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko. Ang ingay niya eh, naririnig ko na ang mga footsteps ni Namjoon.
Patuloy parin siya sa pagpupumiglas, pinapalo pa nga ako ng confetti na hawak niya. Ang sadista talaga, hindi ko siya hahayaang sirain ang plano namin ngayon.
Narinig namin ang dahan-dahang pagbukas ng pinto kaya tumahimik siya, ako naman ay sumilip. Hindi pa masyadong nakabukas ang pinto eh kaya hindi ko maaninag kung sino ang nagbukas.
"Surpri-agh!" Lahat kami ay nadismaya, si Jimin lang pala puta, saan ba to galing? Mabuti nalang hindi namin napaputok ang mga confetti at hindi nagalaw yung trap na nakasabit sa pinto dahil hindi niya binuksan masyado.
Ganito kasi yan, kapag bubuksan nang malaki ni Namjoon ang pinto mapuputol yung tali na nakakonekta sa banner na nilagay namin sa ceiling. Kapag nangyari yun, uulan ng balloons at makikita niya ang welcome banner na proudly made of us.
"Jiminie pabo!" sabay na sabi ni Yuju at Taehyung. Hinila siya ni Jungkook papasok since siya ang nagtatago sa likuran ng pinto at sinara agad ito.
"Saan ka ba galing ha?" Jin hyung, nagtatago pala siya sa likod ng kurtina. Napakamot ng ulo si Jimin bago sumagot.
"Nagjingle lang ako saglit hyung, tas narinig ko na yung taxi sa labas kaya dali-dali akong pumasok dito." paliwanag niya at nagtago na sa likod ng maliit na cabinet sa isang sulok. Basta pandak talaga pwede kung saan magtago.
Tumahimik na kaming lahat dahil may naririnig na kaming mga yabag ng paa, this time sigurado na kaming si Namjoon ang papasok. Naghanda na ako, inihanda ko na ang confetti ko pero ang katabi ko mukhang hindi pa. Ang likot niya.
"hoy! ano ba para kang uod dyan." sita ko sa kanya sa mahinang boses. Iniumang niya lang ang kamao niya sakin. Tss.
Ito na, nandito na siya. . .
Isa. . .
Dalawa. . .
Tatlo. . .*door opens*
"SURPRISE!" "Holy cow!" Napahawak sa kanyang dibdib si Namjoon sa gulat, nagliparan ang confetti at mga balloon tas bumaba yung banner. Surprise success!
"Welcome back Namjoon!" Niyakap siya ng mga girls. Wow harem, swerte niya ah. Kami naman ang sumunod na nakipag-group hug sa kanya tas pinagpapalo siya sa likod. Ganyan magbatian ang Bangtan.
"Thank you guys, I didn't expect this." Lumabas ang mga dimples niya.
"Now that we're complete, LET'S PARTY!" hiyaw ni Jin hyung. YAS!
"Let's get it!" Jungkook.
Jin's POV
We're here at the pool area, obviously having a pool party. Party isn't a party if there's no food kaya nagluluto pa kami ngayon bago magsimula.
Nagkukwentuhan at tawa ng tawa ang mga mokong sa tabi ni Namjoon habang ako dito ay pinagpapawisang magpaypay ng barbeque, ang unfair lang ha. Ang mga bruha naman ay tinutulungan ako sa mga lutuin. May alam naman pala sa kusina ang mga toh.
"Eonnie ano ba kasing maitutulong ko?!" Except pala kay Sinb na nakapameywang habang kinukulit si Sowon. Kanina pa siya, walang ginawa kundi ang magmaktol. Hindi pala siya marunong magluto pfft.
"Balatan mo nalang yung mga patatas." utos ni Sowon.
"Hindi ako marunong!" maktol niya na nagpapadyak pa.
"Hugasan mo ang kawali." Yerin.
"Ayoko, ang oily!"
"Fry the fish." Eunha.
"Ayoko, tumatalsik mantika nyan eh!"
Seriously? Pagsasayaw lang ata ang alam ng babaeng toh.
"Umalis ka nalang kaya, yun lang talaga ang maitutulong mo." sabi naman ni Yuju at tumawa ng mahina si Umji. Bumusangot ang mukha ni Sinb at nagpapadyak na naglakad paalis. Sinundan ko siya nang tingin at nakita kong natapilok siya.
"Pfft!" Nagpipigil ako ng tawa dahil nakabusangot siyang tumingin pabalik samin at mukhang nainis kasi walang paki ang mga kaibigan niya, isa pa hindi naman nila nakita ang nangyari sa kanya.
Nalipat ang masamang tingin niya sakin kaya umayos ako at kunwari hindi ko siya nakita, binalik ko ang aking tingin sa mga barbeque. Narinig ko ang pagdadabog niya habang papalapit sakin kaya inihanda ko ang sarili ko, baka bigla niya lang akong sasapakin gaya ng pang-aapi niya kay Jhope.
Nagulat ako nang bigla nalang may umagaw ng pamaypay mula sakin at tinulak pa ako paalis. Napangisi ako ng makita si Sinb na nakabusangot habang nagpapaypay ng barbeque.
"Wag mong sunugin yan ah." bilin ko sa kanya. Hindi maganda ang resulta kapag napipilitan lang ang tao sa paggawa ng mga bagay na hindi niya gusto.
"Alam ko!" sagot niya. Nagthumbs-up ako sa kanya at paluksu-luksong naglakad papunta sa mga kaibigan ko.
*****
hihi
YOU ARE READING
🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂
FanfictionBts x Gfriend Fanfiction Labing tatlong mga tao na iba't iba ang mga ugali na pinagsama sa iisang bubong. Ano kaya ang mangyayari? May mabubuo bang pagmamahalan sa mga ito o magkakaroon lang ng matinding awayan at bangayan dahil sa hindi pagkakainti...