Jungkook's POV
Taena talaga ang mga babaeng yun! Ang init-init ,pinapasampay sakin ang mga balde-baldeng damit nila na nilabhan ni Taehyung.
Condolence sa kutis ko T,T.
E w w, para ako bakla dito. Buti nalang mataas ang pader nila kaya hindi ako nakikita ng mga nasa labas. Pero nakakainis parin.
Mga damit pambabae tsk ang liit-liit. Pati mga bra nila ang liit, pero napansin ko lang.................
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Wala mga panty na kasama sa mga isinasampay ko. Bat kaya?
"Hoy! Bat mo pinagpapantasyahan yang bra ni Eunha ah?! Manyak mo ah, suntukan dre??!"
Muntik ko ng mabitawan ang bra na isasampay ko na sana dahil sa biglang pagsigaw ni Yerin.
Bra. Ni. Eunha? Hindi ko alam pero biglang nag-init ang mga tainga ko.
"Gagu toh, manyakis! Tamo yang tainga mo oh ang pula! Halatang guilty naku naku!"
Ang ingay ng babaeng toh,parang nakalunok ng megaphone. Ano nga bang ginagawa niya dito?
"Tsk hindi ba pwedeng may iniisip lang?" pabalang na sabi ko at isinampay ang sinasabi niyang bra daw ni Eunha. Kumuha ulit ako ng damit para isampay, mabuti ng dalian ko ang pagsasampay para makalayas na sa babaeng toh.
"Iniisip mong mukha mo! May binabalak ka talagang masama kay Eunha! Naku, asa kang maiisahan mo siyang ilong ka. You have to go through me first or else eeekkk-" malakas na sabi niya at nagbanta pang gigilitan daw ang leeg ko kapag may ginawa ako. Psh
"Ito na nga bang sinasabi ko eh..dapat talaga may parusa yung rule number 5 ni Sowon. Ang mamanyak ng mga toh, baka nga pinagpapantasyahan nako ng elyen nayun naku,subukan nya lang." bulong niya na rinig na rinig ko naman. Grabe din tong mga babaeng toh, ang hahigh! Bwesit ang predictions ah.
" Tsk,tiningnan niyo nga ang sarili niyo sa salamin kung kapanta-pantasya ba yang mga mukha nyo. Mga assuming " sita ko na ikinasama ng mukha niya. Eh totoo naman eh,mga assuming sila. Porket hinawakan ko lang ang bra ni Eunha, hindi ba niya nakitang nagsasampay ako? -_-
"Mga assuming mukha nyo. Babae lang din kami, syempre iniisip namin ang kapakanan namin noh. Magjajump talaga kami into conclusions na may gagawin kayong masama lalo na't mga mukhang manyakis kayo.!" bulyaw niya. Tsk mga assuming talaga.
Hindi ko sya pinansin, patuloy lang ako sa pagsasampay. Patuloy din siya sa pagtalak sa isang tabi. Tiningnan ko ang natitirang isasampay ko, dalawang balde nalang. Great! Boom boom
"Hoy! Nakikinig ka ba?!" Sigaw ni Yerin na nakaupo na pala sa may malaking bato.
"Ano?" inosenteng tanong ko. Hindi naman kasi ako nakikinig eh dahil wala akong balak. Puro mga badvibes ang tinatalak niya tungkol samin.
"Sabi na nga ba hindi ka nakikinig. Mga wala talaga kayong mga tainga. Ang sabi ko bakit naman kayo pumayag na tumira dito blahh blaahh blaahh blaahh..."
Wala talaga akong paki sa mga pinagsasabi niya.
Hanggang sa tapos ko ng isampay lahat. Sa wakas! Ang sakit ng balat ko, sobrang init bwesit. Ang hot ko na nga, nabilad pa ako sa araw.

YOU ARE READING
🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂
FanfictionBts x Gfriend Fanfiction Labing tatlong mga tao na iba't iba ang mga ugali na pinagsama sa iisang bubong. Ano kaya ang mangyayari? May mabubuo bang pagmamahalan sa mga ito o magkakaroon lang ng matinding awayan at bangayan dahil sa hindi pagkakainti...