Bipolar 2

1.4K 76 2
                                    

Jin's POV
  
"Hoy! Mga sir magsi-bangon na po kayo dahil baka bunganga na naman ng principal ang sasalubong satin sa school!" sigaw ko sa kanila. Ang hirap tagalang gisingin ang mga toh.

"Hyung ang aga pa. 20 minutes please!"sagot ni ilong este Jungkook. Aba!

"Sige yan ang sabihin mo sa principal pag na late tayo  ha!" sabi ko kay Jungkook in sarcasm tone.

"Sus! wag mo ng alalahanin yung principal hyung!Hindi tayo sesermonan nun!" Kampanting sabi ni Jimin. Aba kampanting kampanti sya ah?! naka ngisi pa.Tsk!

"Pano mo naman nasabi yun?! Park Jimin?" Tanong ni Jhope. Oh bakit parang badmood ngayon si Hobi? parati naman yang nakangiti kahapon ah!

"Dahil masi-speechless siya sa kagwapuhan ko." proud na sagot ni Jimin.Tsk! Ang high ni pandak.

"Tsk!Feelers ka pandak, magpatangkad ka muna!" saway ni Jungkook na ikinainis ni Jimin.

"Tama na nga yan. Bumangon na kayo may pagkain na sa kusina!" sabat ko sa kanila. Nakita ko naman si V na nag uunat. Narinig niya siguro ang salitang pagkain kaya bumangon.

"Hyung anong niluto mo?" tanong ni V. Sabi ko na nga ba eh, pagkain lang makakagising sa mokong.

"Siguro nagsabaw siya V." sarkastikong sabi ni Suga na nagliligpit sa kama nya.

Bat naging masungit na to?!dati naman hindi yan nagsasalita ni isang letra nga hindi mabigkas bigkas. Siguro masama ang panaginip nito.

Pero may napapansin ako eh! bakit parang nag-iba ang mga ugali nila?! Si Jungkook na masungit naging madaldal, si Suga na silent type naging masungit. Si Jhope na masayahin hindi na umiimik, si Jimin naman walang pinagkaiba palaban parin pati si V, matakaw parin. Hay naku, ang buhay parang life.

Hirap asikasuhin ang mga toh, kung nandito lang sana si Namjoon para tulungan ako...

Hoy wag kayong ano dyan. Hindi ako bakla,halikan ko kayo dyan eh. Close lang talaga kami ni Rapmon kaso pumunta siya ng States para dun ipagpatuloy ang pag aaral nya.

"Uyyy si hyung iniisip si Namjoon! yieeee!" pang asar ni Jhope sakin.  Anyare sa lalaking toh?!Kanina ang tahimik ngayon nang-aasar.

"Problema mo Jhope?" tanong ko sa kanya. Nagpout naman ang loko.

"Hyung! kumain na tayo gutom nako!" sigaw ni V habang hinimas-himas pa ang sikmura. Para siyang buntis.Hayaah

"Walang kakain hangga't hindi kayo nakabihis lahat! Kuha nyo?! kaya kayo Jungkook at Jimin,bumangon na kayo! Ikaw V, Jhope at Suga, maligo na kayo!" seryosong sabi ko sa kanila. Hindi kasi sila nakikinig sakin pag hindi ako magseseryoso.

"Hyung tapos na kami!" sigaw ni Jimin. Mabuti naman. Ang bagal niyong kumilos daig niyo pa ang oud.

"Hindi ako nagtanong Jimin!" masungit kong sabi sa kanya. "Sungit naman nito!" sabi nya.Masungit na kung masungit,eh sa badtrip ako eh!

"Aish! Bumaba na nga tayo!" maikling sabi ni Suga. Mabuti naman naisipan nilang bumaba kaysa tumunganga lang dun sa kwartong ang kalat, parang dinaanan ng super typhoon.

Bwesit! Maglilinis na naman ako mamaya!

"KAINAN NA! KAINAN NA!",sigaw nila V at Jhope, mga mukhang pagkain.

"Pwede ba huwag sumigaw?! Alam niyo namang may lahi kayong megaphone eh!" saway ni Jungkook sa kanila. Sungit nito!

"Inggit ka lang!" sabi ni Jimin."Bakit naman ako maiinggit?tsk!" inis na tanong ni Jungkook.

"Dahil gwapo ako!" proud na sabini Jimin.

Wala na ba talaga siyang maisip na sabihin kundi ang gwapo niya. Ipinaglihi ata to sa electric fan, ang hangin.

"Matulog ka nalang ulit Jimin hyung baka binabangungot ka lang, magpatangkad ka muna." saway ni Jungkook.

Nagpout naman ang loko. Hanggang sa makarating kami sa kusina,nagbabangayan parin sila. Hays these are my friends, and this is my life.

*****

🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂 Where stories live. Discover now