Bipolar 51

198 14 4
                                    

Sowon's POV

"Who told the both of you to get outside the house at this hour?!  Do you know how hazardous it is?! What'll you do if you've got infected with the virus huh?! Ghad! You're giving me headache." I scolded the two bunnies.

Ghad, napapa-english ako bigla dahil sa pag-aalala sa dalawang to. But wow, that was straight! I mean, my grammar, not me.

"Eh eonnie. . .may mask naman po kami." mahinang sagot ni Eunha.

"Mask can't guarantee--

"Kahit na! Hindi parin sapat ang pagsuot ng mask! Bakit kasi kailangan niyo pang lumabas?! Kung gusto niyong magdate, pwede namang dito nalang!" sita rin ni Jin na walanghiyang pinutol ang sinasabi ko. Damn this oldy, panira! gusto ko pang umenglish eh!

"Hi..hindi kami nagdi-date!" depensa agad ni Eunha sa sarili while Jungkook just tsked. Nakita kong siniko niya ng mahina si Jungkook at tiningala niya nito ng help-me-you-jerk face.

"I know you--

"So bakit kayo lumabas?!" Jin, unconvinced. I trust my girl. She's still young, she's still my baby! Kaya ngayon kailangan ko silang disiplinahin pero umeepal sakin si Jin! Ugh!

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya pinansin. Tsk

"Nagpaload lang naman ako eh. . .hindi ko naman alam na sinundan pala ako ni Jungkook." Eunha. Nakita ko nga na naglalaro sila ng mobile games kanina, pero hindi ba pwedeng ipagbukas nalang yung load?

"You can just--

"How do you expect me to believe that? Eh kitang-kita ko yan. " Jin, ininguso niya ang magkahawak-kamay nila. Grrr this oldy.

"Eunha is so short. Kailangan ko siyang hilahin dahil hinahabol kami ng tanod." sumagot na si Jungkook. Nagtataka na naiinis na tiningnan lang siya ni Eunha. What's with that expression?

Pero teka, ano daw?!

"What?! That's--

"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Paano nalang kung nahuli talaga kayo?! Alam niyo namang ipinagbabawal ng ngang lumabas ng bahay diba?! Lalo na pag dis-oras na ng gabi! " Jin. K, fine. Di nalang ako magsasalita.

"We're sorry okay?" Eunha.

"HYUUUUUUUUUUUNG!" Narinig naming sigaw ni Taehyung na tumatakbo pababa sa sala. I crossed my arms and creased my eyebrows at him. He's panting and mukhang takot na takot na nagtago sa likuran ni Jin.

"Hoy! Anong problema mo?" Jin.

"TAEHYUUUUNG!" narinig naming sigaw naman ni Yerin na ang bibigat ng mga yabag pababa dito sa sala. I can sense that she's angry.

I bit my lips to hold myself from laughing when I saw her. Pero si Eunha, Jungkook at Jin ay hindi nagpigil, they're laughing out loud. Ito ba ang dahilan kung bat hindi siya kumain ng hapunan?

Lalo atang nainis si Yerin. I can literally see smoke coming out from her nose. Akmang susugurin na niya si Taehyung nang pumagitna kami ni Jin sa kanila. Pinipigilan ko si Yerin habang siya naman kay Taehyung.

"Wag mo kong pigilan eonnie! Papatayin ko ang elyen na yan!" Nagpupumiglas siya sa paghawak ko sa kanya, gigil na gigil siya. This is bad, she's the strongest among the six of us.

"Ano bang problema ninyong dalawa ha?! Hating gabi nagpapatayan pa kayo!" Jin nagged.

"Gago kasi ang lalaking yan eh! Pinaglaruan niya ang bangs ko!" Yerin.

"Sabi mo above the eyes eh! Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama!" Taehyung.

"Above the eyes nga pero hindi above the kilay! Ang ikli nito! Ibili mo ko ng novo hair hayop ka!" Yerin.

"Ano ka sinuswer--hmmmp!" Tinakpan ni Jin ng kamay niya ang bibig ni Taehyung kaya natigil ito.

"Tama na." mahinahong sabi ni Jin. Pinilit ko ring ikalma si Yerin at pauupuin ito sa tabi ni Eunha. Pinandilatan ko si Eunha dahil tumatawa parin siya, baka masapak siya ni Yerin.

"Ano ba yan ang iingay niyo. . ." irritadong sabi ni Sinb sa inaantok na tono, kasama niyang bumaba si Jhope na kinukusot-kusot ang mga mata nito.

"Why are you making a commotion at this hour?" Yuju.

"Anong meron?" inaantok na sabi ni Umji.

Ayan, nagising tuloy ang iba kakasigaw ni Jin, maliban kay Suga na naglalaway na siguro ngayon sa unan niya. Sinamaan ko ng tingin si Jin at kumunot lang ang noo niya. Jeez.

"Bakit ba iniistorbo niyo ang handsome sleep ko--PFFT!" tila nawala ang antok ni Jimin pagbaba niya nang makita niya si Yerin. Well, nakakawala naman talaga ng antok ang itsura ni Yerin ngayon.

Nagsi-upo sila sa couch habang kami ni Jin ay nakatayo sa harap ng apat na mga pasaway.

"Yerin, Taehyung , say sorry to each other." Seryosong sabi ko. Yan, nagka-line narin ulit ako sa wakas.

"Bakit ako magsosorry eonnie?! Siya ang may kasalanan sakin!" angal ni Yerin na dinuro pa si Taehyung.

"Hoy wala akong atraso sayo kasi ginusto mo naman yun, nakiusap ka pa nga sakin!" Taehyung.

Napailing nalang ako.

"Sige kung hindi kayo magkakasundo ngayon, don't expect a breakfast tomorrow. " Jin.

"Anong tomorrow eh 12:58 na nga." Jimin.

"Edi don't expect a breakfast. . .later!" Jin.

Tae HAHA anong later ang pinagsasabi nito? Anyway, mukhang effective naman ang banta ni Jin kasi yumuko si Yerin at tumahimik si Taehyung. Oo nga no, pagkain lang pala ang katapat ng dalawang toh.

Nakita kong nanginginig at kinuyom ni Yerin ang mga kamao niya pero hindi ko makita ang expression niya kasi nakayuko siya.

"So. . .SORRY TAEHYUNG!" Yerin, hindi siya sincere pakinggan but atlis nagsorry. Tho wala paring point yun.

"Sorry din Yerin. . .kung pinagtripan kita." Taehyung.

I sighed in relief. Yan, nagkasundo na.

"Kayo naman--

"Edi inamin mo rin! Walanghiya ka talaga!" Yerin, pinilit niyang abutin para kurutin sana si Taehyung kaso pinapagitnaan sila nila Eunha at Jungkook.

"Yerin!" sita ko sa kanya. Tumahimik naman siya.

"At kayo naman, Eunha at Jungkook. Huwag niyo nang ulitin ang ginawa niyo ngayon ha. If you badly want to go out, then go but don't comeback." I scolded.

"Are we clear?" / "Nagkakaintindihan tayo?"

Sabay naming sabi ni Jin kaya nagkatinginan kami, agad naman naming pinutol iyon. Duh, kasi baka kami naman ang mag-away sa harap nila.

Pagkatapos nun, nagsi-akyat na sila sa mga kwarto nila at kami nalang ni Jin ang naiwan sa sala.

"Hay... ang sakit sa ulo.."

Nasira tuloy ang beauty sleep ko.

"Habang lumalaki, nagiging pasaway ang mga anak natin 'no?" narinig kong sabi niya. Ha?

"But we're great parents." dugtong pa niya.

Ilang segundo akong lutang hanggang sa magets ko ang sinabi niya.

"Heh! anak natin ka diyan, che!" mataray na sabi ko at nagmamadaling umakyat sa kwarto. Ayokong makita niya ang pamumula ng mga pisngi ko.


*****



🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂 Where stories live. Discover now