Bipolar 45

216 15 2
                                    

Eunha's POV

"What is easy to get into but hard to get out of?" I asked myself as I roamed my eyes around the peaceful garden.

Several answers are running through my head but I'm not sure of it. Isang riddle ang binigay ni Namjoon.

"May sagot ka na?"

I startled when someone spoke from behind.

"Hindi ako makakasagot kung istorbo ka diyan." sabi ko kay Jungkook. Yep, alam kong si Jungkook ang nakasunod sakin.

Lumayo nga ako kina Sowon para magkapag isip, may smurf palang sumunod sakin.

"Wala akong maisip na sagot." sabi niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-iisip.

"Tingin mo, bakit nag iwan ng riddle si Namjoon satin?"

"Pwede ba, mag isip ka nalang."sita ko sa kanya. Ang ingay kasi eh.

" Wala nga akong maisip kundi ikaw lang."

Tiningnan ko naman siya ng masama. Ang korni ng banat niya.

"Pramis, sinubukan kong alisin ka sa utak ko pero yung utak ko ang umalis." share niya at nagcross my heart gesture pa.

Para siyang batang nagkukwento lang nang napaginipan kagabi. Tch akala niya madadala niya ako sa mga banat niya.

"Itigil mo yang pagbabanat mo kung ayaw mong banatan kita sa buto." I warned him.

" Tsk pero kinikilig na yan, yan oh namumula ka!" pang-aasar niya. Tiningnan ko lang siya ng masama.

" Excuse me? This is because I put some blush on kanina. Wag kang assumero diyan. " pagtataray ko sa kanya.

Kahit ang totoo ay hindi ako mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. Wala nga ako liptint o foundation man lang sa bag.

"Ibang klase ka talaga, ikaw lang ang babaeng hindi natatablan sa mga banat ko alam mo yun?" he told me.

Pakiramdam ko mas uminit ang mukha ko, siguro kasi nainis ako sa sinabi niya. Ako lang daw ang babaeng hindi natatablan sa mga banat niya? So meaning, marami na siyang mga babaeng binanatan?! tsk.

"Ang galing ko namang bumanat ah. Sa sobrang galing ko nga sa pagbanat, naiinlove na ako sa sarili ko. "

Natawa ako sa sinabi niya. Anak ng

"Naisip ko na nga minsan, jowain ko nalang ang sarili ko. Wala pang magagalit." He continued.

"Yeah , love yourself." imik ko.

"Yeah, sabi nga sa kanta ni Jin hyung. I'm the one I should loooove~ in this world~" kanta niya.

Anak ng hakdog.

" Wag mo nga akong demoonyuhin, nag-iisip ako ng sagot dito. Shoo." pagtataboy ko sa kanya.

Ewan, gusto kong tumawa ng malakas kaso nangibabaw ang pagkaseryoso ko ngayon.

"Nakakahurt ka talaga." nakapout na sabi niya at umarte pa na parang iiyak.

Hindi ko na siya pinansin kasi mukha siyang bakla. Makabalik na nga lang kina Sowon baka may sagot na ang mga yun.

Jungkook's POV

Sumunod ako kay Eunha pabalik sa mga kaibigan namin ngunit napatigil kami kasi nagbabangayan parin sila hanggang ngayon.

"Sirang cr nga! Diba sa mga movies, papasok ang bida sa isang cr tas hindi na mabubuksan pagkatapos." paliwanag ni Taehyung.

Easy to get into but hard to get out of?

🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂 Where stories live. Discover now