Bipolar 5

1K 57 5
                                    

Yerin's POV

Ang tagal naman magbell, gutom na ko tsaka kanina pa ako naiilang dito. Para kasing may nakatitig sakin kanina pa.

"Unnie,gutom nako!" bulong ko kay Sowon unnie na katabi ko. Gutom na gutom na talaga ko, hindi ko na matiis, baka kainin ko na tong notebook ko.

"Maghintay ka lang Yerin, malapit ng magbell." sabi ni Sowon Unnie. Hindi na ko makapag hintay!

Kung nandito lang sana si Eunha edi sana manghihingi muna ako ng biscuits sa kanya. But speaking of Eunha, kumusta na kaya siya? ok lang kaya siya sa bago niyang room?

Nabalik ako sa realidad ng may sumipa sa upuan ko kaya napatingin ako sa likuran.Ayun may nakangising kapre este gwapo este pangit pala. Ang panget ng ugali halatang playboy!

" Problema mo?!" inis na tanong ko sa kanya, ngumiti lang ang loko. Tsk ang creepy ng smile niya, rectangle na rectangle.

"Ikaw." sagot niya like duh? ano bang ginawa ko sa kanya? hindi ko naman siya kilala.
 
"Anong problema mo sakin?" may inis parin na tanong ko. Nakakabadtrip tong lalaking to!

"Ang panget mo kasi eh!" sagot niya at tumatawa pa. Aba!

"Nahiya naman ako sa kagwapuhan mo. Ang gwapo gwapo mo nga, kamukha mo yung koreanong bisaya. Si okeyyy keyoohh hehe!" pang-aasar ko sa kanya pero mukha hindi siya affected. Hindi niya ata kilala yun.

 
"Talaga?! narinig mo yun Jimin? gwapo daw ako!" Pagmamalaki niya pa dun sa katabi niyang maliit pero gwapo.

"Tsk san banda?" masungit na saad nung katabi niya.

"Syempre sa mukha!" pikon na sabi niya. HAHAHA! nakakapikon talaga kapag hindi support sayo ang barkada.

"Akala ko kasi sa kili-kili." natatawang sabi nung katabi niya.

"Kawawa ka naman, pati kaibigan mo hindi umaayon na gwapo ka daw!" Pang aasar ko sa kanya.

Nagroll eyes lang ang bruho, mukha siyang bakla pag ginawa yun HAHAHA! Gusto ko pa sana siyang asarin kaso gutom na talaga ako kaya tumahimik na lang ako at naghihintay na mag bell.

  

Finally! After 09061804795 years, tumunog na ang bell. Mabilis kong iniligpit ang gamit ko at nauna nang lumabas.

"Cafeteria tayo guys, kanina pako nagugutom! Hindi ko na talaga kaya!" sabi ko sa kanila. Pero ang babagal nilang kumilos.

"Hintayin muna natin si Eunha, Yerin" sabi ni Sowon unnie.

Hays siguro may klase pa yun o baka nauna na sa cafeteria. PG rin kaya ang babaeng yun.

"Siguro may klase pa siya eonnie.." imik naman ni Umji.

"Nauna na siguro siya sa caféteria, bukas na ang room nila oh." sabi ni Sinb na itinuro ang room ni Eunha na tatlong room ang layo sa room namin. Himala hindi sya sumigaw.

Pero we're thinking the same thing. Isn't amazing?

"Oo nga tara na gutom na talaga ako!" pout na sabi ko sa kanila. Alam ko namang hindi ako matitiis ng mga to eh.

"Let's go! Baka makain pa tayo ni Yerin eonnie duh." mataray na sabi ni Yuju. Tsk wala talaga siyang salita na walang duh.

"Paano si Eunha?!" worried na tanong ni Sowon eonnie. Hindi talaga sya mapakali pag may mawala saming lima. Such a caring mother cHouR HAHAHA eonnie lang.

"Aish! Maliit lang yun tingnan pero malaki na yun eonnie, alam na niya kung saan ang exit, saan ang entrance, saan ang--

"Oo na! Oo na, ang daldal mo talaga." pagputol ni Sowon eonnie sa litanya ni Sinb at inakbayan ito.

Patungo na kami sa caféteria nang makasalubong namin ang grupo ni Mr. Baliw. Remember yung sumipa sa upuan ko? Nakangisi naman siya at kinindatan ako. Yak! may problema ata to sa mata.

"Hoy! diba ikaw yung mukhang kabayo na palaging nangungulit sakin kanina?!" pasigaw tanong ni Sinb dun sa lalaking mahaba ang jawline pero gwapo.

Napatingin tuloy ang lahat ng studyante kay Sinb. Aish! Hindi talaga mapreno ang bibig nito.

"Correction, its not horse but unicorn." pagkokorek nung lalaki kay Sinb. Sus, pinasocial niya pa.

"Pinaganda mo pa eh parehas lang yun na mahaba ang baba!"

hays, ayan sumisigaw na naman siya. Ako ang naaawa sa lalamunan niya.

"But atleast unicorn is more attractive, it looks like an angel. I'm your hope, your angel." sabi nung lalaki with a smile.

Lalaban pa sana si Sinb pero sumabat yung maalit na katabi nung baliw kanina sa room. Ano nga ba ang tinawag ni baliw sa katabi niya? Ahh Jimin.

"Hoy babae! Diba ikaw yung nagsabi na manyakis ako?!" tanong nung Jimin kay Yuju.

" Oo! nakita kong nagdudrawing ka ng hentai sa notebook mo!" sumbat ni Yuju.

"Hoy ang oa mo ah! hindi hentai yun, manga lang!"

"Tumigil na nga kayo!" sabay na sabi nila Sowon eonnie at nung  lalaking matangkad.

"Hoy balikat!/Hoy payat!" sabay nilang sabi.

"Hoy Liit./Hoy Gluta." sabay ding imik nila Umji at nung lalaking parang galing sa harina, ang puti parang nagsusnow~ sa tide perfect clean~

hays wala na, gutom na nga talaga ako, napapakanta nalamg bigla.

Napatingin ako dun kay Mr.Baliw na kanina pa talaga nakatingin sakin. Ano ba talaga ang problema niya? Naiinggit ba siya sa mukha ko? Oh wait! Bakla ba siya?

"Anong titingin-tingin mo dyan?!" taas-kilay na tanong ko.

Kumindat naman ang loko, may sakit ata talaga toh sa mata eh. Kindat ng kindat! baka may tourett syndrome?!

"Ang pangit mo kasi talaga. " aba. Napupuno nako dito sa baliw na to ha, baliw na nga may problema pa sa mata.

"Ang pangit mo rin naman, wag kang papatalo." sabi ko sa kanya. Wala ako sa mood makipag-away dahil gutom ako.

"Guys! Tama na yan, kumain na tayo. Gutom nako!" / "Mga hyung! Tama na yan, hanapin na natin si maknae." sabay na sabi namin ni Mr.Baliw.

Nakatinginan kami ulit kami. Hindi ko alam pero parang may spark sa mga mata niya, siguro sira talaga ang mga mata niya. Grabe ngayon lang ako nakakita ng mga matang may kuryente.

"Oo nga eonnies, wala namang patutunguhan tong usapan na to eh!" sabi ni Umji habang tinitingnan ng masama si Gluta boy!

"Tara na nga! Nakakabadtrip ang mga babaeng to, hindi naman mga kagandahan!" sabi nung kaaway ni Sinb. Aba!

"Heh! ang yayabang niyo mga wala naman kayong binatbat!" inis na sabi ni Sinb.

"Ang kakapal ng mukha niyo kasing kapal ng dictionary, y'know?" sabi naman ni Sowon eonnie.

"At kung makapagsabi kayo ng hindi kagandahan ,akala niyo naman ang gugwapo niyo?! Pwes hindi noh, mukha kayong pwet ng manok! " sabat ko. Nakisali nalang ako kasi all for one, one for all kami. We win as one.

 
"Hoy mga babae! hindi kami ang nagsimula ng gulo! Sino ba ang unang nakipag away?!" asik nung may malapad na balikat.

Duh sila kaya ang nagsimula!

*****

🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂 Where stories live. Discover now