Bipolar 47

242 11 0
                                    

Jin's POV

"Aish... hindi talaga umuwi ang tukmol oh." I murmured to myself when I checked on Namjoon's room. Wala parin siya, saan naman kaya nagpunta ang lalaking yun?!

Tiningnan ko ang wrist watch ko at 4:05 pa ng umaga. Ang aga kong magising ah, masyado lang ata akong nag-alala kay Namjoon. Eh sa hindi talaga ako mapakali kapag nawala siya--I mean kapag may mawalang isa samin. ehem.

Ang aga kong magising pero aminadong malelate parin mamaya sa school. Nagstreching ako ng konti at bumaba sa kusina.

Parang ang aga pa para lutuan ko ng breakfast ang mga bruha, kaya magkakape muna ako.

Ayun, nagtimpla ako ng kape gamit ang tubig sa ref. Wala kasi silang mainit na tubig eh, ayaw rin nilang ipagamit ang heater o kaya ang water despenser man lang. Mga bruha talaga tsk tsk tsk.

Well, no need for hot water cause I'm already hot.

Habang humigop ng kape ay inaalala ko ang mga nangyari kahapon. Aminado akong sumusobra na kami sa pagpapaka-isip bata.

Nabasa ko sa isang article na hindi tama ang araw-araw na bangayan at away, kaya sa susunod hindi-hindi na ako magbabasa ng article.

We need peace and order but how?

Hindi kami magkasundo kasi may iba't iba kaming mga ugali, may mga panahon pa nga na parang nagkakapalit kami ng mga ugali.

Hays, depress na nga ako sa kagwapuhan ko dumagdag pa tong mga ugali namin. Gusto ko nga sanang magsuicide eh kaso sabi ni Mama, kasalanan ang pumatay ng gwapo tsaka mawawalan ng worldwide handsome sa mundo.

*Blag!

"Hoy payat! nakita na kita, lumabas ka diyan." sabi ko at humigop ulit ng kape. Sabi ko na nga ba, malakas ang instinct ko na may bumubuso sakin. char buso talaga haha

Pano ko nalamang si Sowon? Eh kasi anino niya pa lang, giraffe na. Siya lang naman ang giraffe sa mga bruha.

Nakabusangot siyang lumabas sa ilalim ng mesa at tiningnan pa ako ng masama. Bakit nga ba ang aga rin ng babaeng to?

"Anong ginagawa mo sa ilalim ng mesa?" nakakunot noong tanong ko sa kanya.

"Nagjajackstone."

Tiningnan ko siya ng masama, jackstone niya mukha niya eh wala naman eh. She heaves a deep breath.

"Hi...hinihintay ko si Namjoon...ANONG PAKI MO?!"

"NAGTATANONG LANG NAMAN EH BAT KA SUMISIGAW?!"

"SUMISIGAW KA RIN EH!"

kita niyo? Siya yung naunang sumigaw diba? hindi nalang ako nagsalita dahil alam kong hindi aatras sa sigawan ang babaeng to. Umupo siya sa mesa habang ako ay nakasandal sa counter.

So pareho pala kaming naghihintay kay Namjoon. I don't know but I suddenly felt pissed at that thought.

"Bakit mo naman hinihintay si Namjoon?" tanong ko bigla sa kanya.

"Dahil... kaibigan ko siya?" She answered, unsure. Tsk, may mas malalim pang dahilan.

"Ang sabihin mo, crush mo siya. tss."

Damn, ang weird ko ngayon. Bat nga ba ako naiinis?

"Sabihin na nating ganun na nga.." sabi na nga ba tss.

"PERO BAKIT MAY PAROLL EYES ROLL EYES KA PANG NALALAMAN DYAN?!" sigaw niya bigla. Aish! Pwede namang hindi sumigaw eh!

"Eh sa gusto ko tss." I tsked and rolled my eyes again.

🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂 Where stories live. Discover now