Bipolar 8

886 49 6
                                    

Suga's POV

Matapos kaming mag usap tungkol sa plano. Napagpasyahan na naming pumasok sa second period. Bukas na namin isasagawa yung plano. Humanda ka sakin Liit!

 
"Hyungs, mauna nako." Paalam ni Jungkook samin, nasa ibang room kasi siya.

"Sige, ingat!" sabi ni Jin Hyung.

"Mag ingat ka dun sa babaeng kaaway mo, baka masipa ka na naman." pang aasar ni Jhope.

"Oo!" Sagot ni Jungkook at tumakbo na patungo sa room nya. Tatlong room lang ang  pagitan ng room niya samin.

"Tara na guys." sabi ni Jimin. Pumasok na kami ng room ng maabutan namin ang mga bruhang nagtatawanan.

Napatingil sila ng tawanan ng makita nila kaming pumasok. Nakatinginan kami ni Liit. Ang sasama ng tingin nila samin, if looks could really kill.

"Tingin-tingin niyo jan?!" sabi nung naka-away ni Taehyung, yung tinawag niyang baboy.

"Ang pangit mo kasi!" Ganti naman ni Taehyung na ikinainis nung babae.

"Who are you to talk?!" Pikon na sabi nung babae.

Napatingin naman ako kay Liit na nakatingin din sakin. May gusto siguro to sakin eh, I'm not assuming. Base on my observations kasi, lahat ng mga babaeng napapatitig sakin ay may gusto sakin. Proven na yun.

"Alam kong gwapo ako wag mo ng ipahalata!" sabi ko dun kay Liit. Nagroll eyes lang sya.

"Ang kapal mo!"

"Ang gwapo ko!" Pang aasar ko sa kanya.

"Hoy ano na naman bang pinunta niyo dito?naghahanap na naman ba kayo ng gulo?"sabi nung kaaway ni Jimin, yung tinawag niyang Yuju.

"Pumunta kami dito kasi classroom namin toh! Mga assuming, hindi kayo ang pinunta namin dito noh. Mga papansin." Nakangising sabi ni Jimin.

"Hoy! Hindi kami mga papansin! Ang kakapal niyo naman, hindi naman kayo mga kagwapuhan. " Inis na singhal nung kaaway ni Jhope. Tsk hindi rin naman sila kagandahan.

Well, sabihin na nating magaganda nga sila pero mga maldita naman. Walang binatbat puro satsat. Pakipot pero deep inside kinikilig na ang mga yan.

"Hindi rin naman kayo mga kagandahan!" ganti naman ni Jhope.

"Tumigil na nga kayo, para kayong mga bata!" awat ni Jin hyung at hinila palabas si Sowon ata, yung tinawag niyang payat.

Mukhang dumadamoves na si Jin hyung.

"Hoy Kirat! Ano ba bitiwan mo ko!" sabi nung Sowon at pilit na tinatanggal ang kamay ni Jin Hyung sa braso nya.

"Sowon unnie!" sigaw nila. Lalapitan na sana nila si Sowon ng pigilan namin sila.

"Ano ba?!Bitawan niyo kami! Sowon unnie!" sigaw nila, nag-aalala sa kaibigan nilang si Sowon.

"Ano bang kailangan mong kirat ka ha?!" Inis na tanong ni Sowon.

"Samahan mo ko!" Matigas na sabi Jin hyung at tuluyan na niyang nahila palabas sa room si Sowon.

Nakatinginan kaming makakaibigan. Dapat bukas pa sisimulan yung plano. Binulungan naman ako ni V.

"Hyung, diba ang usapan bukas na natin sisimulan?!"

"Oo nga eh, mukhang iniba na ni Jin ang plano. Aish! Bahala na, kayo na lang bahalang dumiskarte sa mga target nyo. Ngayon ko na rin sisimulan yung sakin!" Bulong ko din sa kanya.

Tumango naman siya bago ngumisi.

"Hoy bitawan mo ko baliw!" pagpupumiglas nung kaaway ni V nang hawakan niya ang wrist nito.

🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂 Where stories live. Discover now