Bipolar 49

149 6 0
                                    

Jimin's POV

"Aish..." Napakamot ako sa ulo ko habang paakyat sa kwarto. Nakakabagot na talaga! Wala akong makalaro! Mamatay ako sa bagot hindi sa virus!

Sila Eunha at Jungkook busy sa paglalaro ng mobile games sa sala, ayaw akong pasalihin. Sila Jin hyung at Sowon naman, nag-eenjoy sa pagluluto, wala naman akong alam sa pagluluto ang alam ko lang ay kumain. Hindi ko alam sa iba kasi hindi sila lumalabas sa mga kwarto nila.

Aasarin ko nalang si Yuju para mawala ang boredom ko.

"Hoy Lampa--"

Isang kumpol ng papel ang sumalubong sakin pagbukas ko sa pinto, mabuti nalang nailagan ko. 

Tiningnan ko ng masama si Yuju na nasa kama, may hawak na gitara, nagcocompose ng kanta.

Oh its a rhyme.

Namangha ako kasi crush ko ang babaeng marunong maggitara. Dont get me wrong ha, nagmangha ako sa gitara niya hindi sa kanya.

"Get out." maikling sabi niya. Tamo ang bad, kakadating ko lang palalabasin agad ako.

"Marunong ka palang maggitara."

Kinuha ko ang upuan sa study table at inilapit iyon sa kama. Sumilip ako sa sinusulat niyang kanta at mukhang love song iyon, hindi ko naman naklaro kasi tinago niya agad.

"Oo at wala kang pake. Lumabas ka dahil naiistorbo mo ko." masungit na sabi niya. Tss kahit kailan talaga.

"Makikinig lang ako promise!" sabi ko at inizip pa ang bibig ko tas nag-eyesmile. She just rolled her eyes and began strumming her guitar.

"Here comes a wave meant to wash me away, a tide that is digging me under~ swallowing sand left with nothing to say, my voice drown out in the thunder~"

Oh tangina, ang ganda ng boses niya. She's singing Speechless by Naomi Scott acoustically.

"But I won't cry and I won't start to crumble, whenever they try to shut me or cut me down~"

Damn. Nakakaspeechless ang boses niya. Parang original eh!

"I won't be silence, you can't keep me quiet~ won't tremble when you try it, all I know is I won't go speechless~"

Pumalakpak ako at pinuri siya pagkatapos niyang kumanta, nagtatakang tiningnan niya ako.

"I mean it, ang galing mo." Minsan na nga lang akong pumuri, pagdududahan pa.

"Well...I know right." mataray na sabi niya at akmang aalis na sana pero pinigilan ko siya. And I don't know why the hell I did that. Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa hiya, nag-iisip ng palusot para hindi siya umalis.

"Uhm...pa..paturo namang maggitara...please."  nahihiyang sabi ko. Sana pumayag siya.

"Ang lakas ng apog mo pero di ka pala marunong maggitara." natatawang pang-aasar niya.

"Tss." tanging nasabi ko.  Atlis ang gwapo ko parin.

"Oh." Ibinato niya sakin ang gitara at mabuti nalang nasalo ko. Tae ang careless talaga ng babaeng to.

Bumalik kami sa dating pwesto, tinry ko rin maggitara. Halatang alagang-alaga niya to tas ang bango pa pero hindi ko naman napansing may gitara dito sa kwarto niya dati eh.

"Alam mo na ba ang mga basic chords?" Tanong niya. Umiling ako at napakamot sa ulo. Hindi kasi ako nakikinig sa MAPEH class namin.

"Yan kase, hindi nakikinig sa teacher sa MAPEH class."

Oo na, alam ko naman.

"Start from the basic tayo. Ganito ang chord G, dito mo ipwesto ang pointer finger mo, dito naman ang ring finger mo, dito ang pinky finger mo."

🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂 Where stories live. Discover now