Bipolar 52

203 10 2
                                    

Jhope's POV

Eh oh~ gajyeowa bring the pain on yeah! Eh oh~ ollatabwa bring the pain on yeah! Rain keep pourin' sky keep fallin' everyday oh na na na~ Eh oh~ gajyeowa bring the-- "JHOOOOOOOOOPE!"

Muntik ko nang ibato kay Jimin ang bluetooth speaker ko dahil sa biglaan niyang pagpasok sa kwarto sabay sigaw sa pangalan ko.

"Tangina ka pre nakakagulat ang mukha mo." sabi ko sa kanya bago uminom ng tubig. I was practicing my dance tho theres no need to, in my room when he barged in.

"Mas nakakatakot ang baba mo, tara na sa baba, kausap nila sa skype si Namjoon hyung sa baba."

Matutuwa na sana ako kung hindi lang panay ang dila niya kakasabing baba.

"Sige, isa pang sabi nang baba, ibabalibag kita sa Mercury tamo." Banta ko sa kanya na ikinatawa niya lang. Kinuha ko ang towel ko sa kama at pinunasan muna ang sarili. Kaya pala wala dito sa kwarto si Sinb.

Nagbihis ako at bumaba na kaming dalawa sa sala. Nagkumpulan sila sa harap ng isang laptop, lumapit kami sa kanila at nakita ko nga si Namjoon sa screen. Mukhang nasa bahay siya ng mga magulang niya.

"I'm sorry guys, naabutan ako ng lockdown dito eh." sabi niya.

"Ikaw naman kasi, magpaalam ka naman para hindi kami mamatay dito kakahanap sayo." Jin hyung. Napakamot sa ulo si Namjoon na parang nag-isip ng sagot. Nakita naming siniko ni Sowon si Jin hyung.

"Ayos lang Namjoon, ang importante ay maayos ang lagay mo diyan." Sowon.

"Bakit ka ba naglayas?" Tanong ni Jin hyung.

"I feel like. . .I'm just causing trouble to you guys."

At kailan pa siya naging trouble samin? Mas masaya pa nga kami kapag kasama namin siya.

"Ano ka ba hyung, kahit ilang gamit pa ang sirain mo ayos na ayos lang, sanay na kami. That's one of your talents afterall." Sabi ko at tumango naman sila.

"Kaya umuwi ka na oppa, tuturuan mo pa akong bumuo ng rubik's cube." Sinb. Napatingin naman ako sa kanya, may favoritism ang babaeng toh, oppa ang tawag niya kay Namjoon tapos kabayo lang sakin kahit alam niyang mas matanda pa ako kay Namjoon.

"Hindi naman yun eh. . .nag-aaway kasi kayo kapag nandyan ako. ."

Ahh, yun sigurong pinag-aagawan namin siya.

"Hindi naman ikaw ang dahilan oppa, matagal na talaga kaming magkaaway nung nasa States ka pa. " Yerin. Tsk, hindi naman kami mag-aaway kung hindi lang sila mga pabebe.

"Yeah, we were born to be each other's enemy." Taehyung. Natatawang ginulo ko ang buhok niya.

"Wow that's english huh." pang-aasar ko.

"Tch, hindi naman tayo mag-aaway kung hindi niyo kami ginulo noong first day of school duh." Mataray na sabi ni Yuju. Aba, nagsimula na naman.

"Hoy nakipag-ayos naman kami sainyo noon pero ayaw niyo." Jimin.

"Makipag-ayos ba yun eh pinilit niyo kaming maging girlfriend niyo noon eh! Ang kakapal pa nga ng mga mukha niyo." bulyaw ni Sinb.

Kami ng mga kaibigan ko kay napatingin kay Jin hyung ngunit umiwas lang siya ng tingin. Tae, ang plano namin yun eh, planong wala pang progress hanggang ngayon.

"Stop it guys, nag-aaway na naman kayo." awat ni Namjoon.

"Hindi kami nag-aaway!" sabay-sabay naming sabi. Blankong tingin lang ang binigay ni Namjoon samin sa screen.

🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂 Where stories live. Discover now