Bipolar 3

1.1K 70 14
                                    

Eunha's POV

Hay sa wakas, nakarating rin! naiinip nako kadadrive.

"Nandito na tayo!", sabi ko sa kanila.

Nagsi-baba na kami ng biglang sumigaw si Sinb.

"HELLO BIGSOURCE ACADEMY!"

ang ingay talaga nito kahit kailan. Hindi pwedeng hindi sumigaw? Pinagtitinginan tuloy siya ng mga studyante.

"Kayo! anong titingin-tingin nyo jan?! Alam kong magaganda kami kaya wag nyo ng ipahalata duh!" taray ni Yuju. Nagsi-alisan nman yung mga studyante.

"Hay naku! Naghahanap na naman kayo ng away eh. Halina kayo ,hanapin na natin ang mga room natin baka nagstart na ang klase!" sabi ni Sowon Unnie.

Kawawa naman sya palagi ko syang sinusungitan Pero alam ko namang mahal ako nyan eh hihi wonha is sailing.

"Mabuti  pa nga unnie" maikling sagot ni Umji. Sumunod na kami sa kanila at hinanap ang bulletin board.

"Punta muna tayong cafeteria guys, gutom na ko!" ani ni Yerin unnie. Kahit kailan talaga ang takaw nya hindi naman tumataba.

"Ang PG mo talaga,Yerin unnie." sabi ko sa kanya.

"Nagsalita ang hindi PG!"sabi din nya.

"Hanggang dito ba naman, magbabangayan parin kayo duh!" taray na sabi ni Yuju.

Nagulat na lang kami ng biglang sumigaw si Sinb. "OMG,NAHANAP KO NA ANG ROOM NATIN UNNIES!"

Hindi talaga sya pwedeng hindi sumigaw.
 

"Talaga?! anong room unnie?!"tanong ni Umji.

"Hindi ko na alam eh, ang dami kasi. Nalilito na ko!" sabi ni Sinb. Baliw, sabi niya nakita na niya.
Mabuti naman hindi na sya sumigaw!

"Tingnan mo Eunha, ikaw ang magaling dyan." sabi ni Yerin unnie.Hay naku!

Tiningnan ko yung nakapaskil na listahan sa bulletin board. Mabuti nalang mababa lang ang board, hindi na kailangang tumingkayad.

Bigla akong napasimagot ng malaman ko na hindi ko sila kaklase. Ako lang ang nahiwalay sa kanila.Kainis!

"Sa Room 10- Newton kayong lahat at sa Room 10- Einstein ako! hindi tayo magkaklase mga bruha." malungkot na sabi ko sa kanila. Ang daya!

"Okay lang yan Eunha, magkalapit lang naman tayo ng room eh! Tawagin mo lang kami pag may kailangan ka ha?" sabi ni Sowon Unnie.

"Oo nga Eunha, atsaka magkasama parin naman tayo sa lunch at recess eh." sabi ni Yerin unnie.

"Sa lunch ko lang kayo makakasama guys! iba ang schedule ko eh!" malungkot na sabi ko sa kanila. Daya talaga.

 
"Magkikita pa naman tayo sa bahay eh! tsaka magkasabay narin tayo sa pag uwi kaya ok lang yan!" sabi ni Yuju. Himala hindi sya nagtaray ngayon.

"Aww..Group hug!" sabay na sabi nila Sinb at Umji. Hay ang sarap magkaroon ng kaibigan na tulad nila.

"Fighting!" sabay na sabi namin. Para kaming mga baliw dito pero hindi na namin yun pinansin.

Nagbell na kaya malungkot ko na tinungo yung room ko.

"Sige na guys! pupunta nako sa room ko." paalam ko sa kanila.

"Kaya mo yan unnie! mag ingat ka ha." paalala ni Sinb. "Nandito lang kami Unnie" sabi din ni Umji. Ang sweet talaga nila.

"Oh sige na baka malate ka pa! see you later!bye" sabi ni Sowon unnie.

Pumunta na ko sa Room 10- Einstein. Hindi naman masyadong malayo toh sa room nila Yerin, tatlong room lang ang layo.

 Pumasok na ako ng nagsimula na  ang klase. "Sorry Maam,I'm late." sabi ko sa teacher.

"It's okay. Please introduce yourself." Nakangiting sabi nya sakin. Mabuti naman hindi masungit toh kaysa dun sa dating teacher ko.

Nagpunta ako sa gitna at nagsimulang magpakilala.

"Hello! I'm Jung Eunbi but you can call me Eunha for short. I hope you we can be friends" ,sabi ko sa kanila.

"What if I want us to be more than friends?"

Napatingin ako sa isang lalaking nagtanong at kanina pa ako tinitingnan. I frowned at him, hindi ko siya sinagot. Nabalik ako sa sarili magsalita ang guro.

"I think Miss Eunha is incapable of answering that question Mr. Jeon. Ok for those who have another question for Miss Eunha, raise your hand." Sabi nya.

Nagtaas ng kamay ulit yung lalaking nakatitig sakin kanina.

"Yes again, Mr.Jeon.",sabi ng guro.

"Do you have a boyfriend?!" Tanong nya sakin.

Bakit ba ganun ang mga tanong niya? Bat ba ang gwapo nya?!shet!sa dinami dami ng tanong bakit yun pa?!kainis.

"Excuse me miss but I'm asking you if you have a boyfriend?!" ulit na tanong niya. Akala mo siguro mahuhulog ako sa patibong mong playboy ka ha!no, thanks.Sanay nako dyan.

"Yes,i have." pagsisinungaling ko.

"Well broke up with him!" saad nya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, sino siya para diktahan ako? Ang kapal niya ha.

"Why should i ?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya.
 

" Because you are mine now." nakangisi nyang sagot. Aba
 
"Who said that you own me? i dont even know you?!" inis na tanong ko sa kanya. Wala akong paki kung ang sama-sama ng tingin sakin ng mga fangirls.

"I'm Jeon Jungkook, your boyfriend from now on." nakangising nyang sagot.

Ewwnesssssssss!


*****

🅱🅸🅿🅾🅻🅰🆁 🅲🅾🆄🅿🅻🅴🆂 Where stories live. Discover now