The Bermuda Triangle: Prologue

68 1 0
                                    

The Bermuda Triangle: Prologue

***

"Dont follow us! Dont follow us! There is something bad happening here!" Sigaw ng piloto na dumadaloy sa bawat kable papunta dito sa malaking pasilyo na puno ng mga nakaputing mga tao.

Itinuloy ko ang ginagawa kong pagpunas ng nga monitor at keybord habang pinapanood ang unti unting paglamon ng dagat sa eroplano. Its friday the thirteen after all. Ang pinaka nakakatakot na araw sa buong buhay namin... namin mga hindi normal na tao.

Lahat nang tao dito sa Sheridan Place ay nakatingin sa higanteng screen kung saan napapanuod namin ang unti unting pagkamatay nila.

Isa lamang itong eksperemento kung tutuusin. Ang tanging gusto lang ng mga nakatataas ay malutas ang misteryong bumabalot sa dagat. Ngunit sa hindi inaasahan ay sila ang susunod na mamamatay.

Pinanood ko ang naglalakihang alon na nagpapakita sa malaking screen. Tila ba isang tsunami sa karagatan habang unti unting linalamon ang aircraft ng Sheridan Place. Ngunit sa pagpatuloy ng pag angat ng dagat kasabay ng bawat kulog at kidlat ay nakita ko yon.

Nabitawan ko ang basahan na pinapamunas ko sa mga monitor nang makita ko ang bagay na iyon. May mga kung anong batong estatwa na nakatayo sa ilalim ng dagat. Dahil sa ability ko ay nakita ko ang bagay na yon. Naguluhan ako pero hindi ko inisip pa. Nagpatuloy ako sa pagpunas.

Habang nakikinig ako sa mga palahaw ng mga taong nasa Bermuda Triangle ay may napansin akong nakatingin sakin. Tumingala ako para makita si Draco. Anak ng pamilyang Gibson: isa sa mga pinaka makapangyarihang pamilya sa kasaysayan ng buong Durmstrang.

Iniwasan ko ang bawat pagtitig nya at pilit hindi pinansin. Lumabas ako ng pasilyo at naglakad ng deretcho sa isang mahabang hallway na puno ng chandelier ang taas.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay linapag ko ang mga gamit pang linis at pinagpagan ang damit ko. Damit ko na para lamang sa mga katulong. Bumuntong hininga ako at umupo sa edge ng kama ko. Tinignan ko ang palubog na araw mula sa bintana na halos matakpan ng kurtina.

Inaasahan ko na iilaw ang kalahati ng golden crest. Ang bilog na ginto na nasa akin na mula ng ako ay isilang. Isa itong kalahati ng bilog at doble ang laki at bigat kumpara sa normal na barya. At nangyari nga. Umiilaw ito tuwing byernes trese. Sign na may namatay na naman sa dagat ng Atlantis.

Ako lang ang mayroon ng bagay na yon. At ako lang din ang nakakaalam na may ganito ako.

Minsan naiisip ko kung saan galing ang bagay na yon. Kung magulang ko ba ang nagbigay sakin non at kung nasaan ang magulang ko.

Pabagsak akong humiga sa kama ko at tumingin sa ceiling ng kwarto ko. Mataman na tinignan ko ito. Biglang pumasok sa isip ko si Draco. Lagi nya akong tinitigan pero ni minsan ay hindi nya ako kinausap.

Kilala ko sya pero wala akong ideya kung alam nya ang pangalan ko. Sino nga ba naman ang hindi makakakilala sa kanya? Galing sya sa isang prenteng pamilya at nasa kanya ang lahat. Alindog, Pera, kagwapuhan. At dahil nasa kanya ang ability ng manipulating ability. Kakayahan na kaya nyang kontrolin ang katawan ko sa kahit anong gusto nya.

Bumangon ako sa kama ko at pumunta sa book shelves. Mahilig ako sa libro at mahilig ako sa history ng mundo tulad ng History of Augury, Titanic, at ang history ng Sheridan  Place. Nagmula ang agency na ito sa isang tanyag na babae na namuhay ilang taon na ang nakalilipas, si Shia Sheridan kilala bilang Jane Elizabeth Stanford. Sya ang nagtatag ng agency nato.

Sya ang anak ng isa sa mga pinaka-makapangyarihan at pinakamayaman na pamilya sa bayan ng Hesperia noon hanggang ngayon. Nakilala sya dahil sa pagkawala nya ng labing pitong taon mula sa magulang nya. At natagpuan sya mismo sa Linus Cup. Ang laro kung saan kailangan mong pumatay at mamatay. Ang larong hangang sa taon na ito ay namamayagpag sa buong magic world.

The Bermuda TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon