The Bermuda: 4
***
Tinignan ko ang sarili ko sa full length mirror na nasa harap ko. Tahimik lang ako maging ang nagaayos sa buhok ko. Suot ko ang cream colored dress na abot hanggang sakong ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagsuot ng ganito. Kadalasan kasi pag may okasyon, isa ako sa nga nagaayos ng hall at ng mga pagkain pang handa. Kita mo nga naman, ang dating tagapagsilbi ngayon pinagsisilbihan na.
"Ang ganda nyo, Miss Watson" ani ng nagaayos sakin ng tignan nya ako sa salamin.
Napangiti ako ng pilit at sumagot.
"Hindi ako magiging ganito kundi dahil sa iyo" sabi ko.
Tumunog ang isang malamyos na tugtugin sa great hall at aboy dito ang tunog. Tamang tama sa para sa panlasa ni Head Master Gibson. Muling napatingin sakin ang kasama ko at nagsalita.
"Miss Watson, kailangan na po nating bumaba" mungkahi nya.
"Mauna kana. Susunod na lang ako" sabi ko.
Tila nagdalawang isip ang kasama ko at napahinto.
"Pangako" I assure her.
Ilang segundo ang lumipas at sumangayon ang babae. Tahimik syang naglakad palabas ng kwarto. Maya maya pa ay naramdaman ko na wala nang tao dito maliban sa akin. Napa-buntong hininga ako. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o ano. Pero hindi ako takot. It's too far from each other. For the nth time, tinignan ko ang itim na marka sa wrist ko. Kailan ba ito matatanggal? Tumayo ako sa silya at maingat na isinuot ang sapatos ko. Masyadong masikip.
"Shit" bulong ko. Ano ba kasi ang napapala sa pagsusuot ng mga mamahalin at eleganteng bagay tulad nito? Kahit hindi ka naman kayang gawin na komportable.
Naiinis na naglakad ako ng maingat hanggang sa makalabas ng room. Tahimik. Walang ingay maliban sa musika na nangagaling sa great hall. Madami kaya ang pumunta sa dito sa Durmstrang? I wonder kung anong mangyayari mamaya.
Naglakad ako sa hallway pababa sa hagdan. Nakarating ako sa isang higanteng double door. Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto. Tinulak ko ang pinto at unang bumungad sa akin ay ang matinding ilaw na nanggagaling sa taas. Inadjust ko ang paningin ko para makita ang nasa harap ko. Kumurap ako ng dalawang beses. Pikit inaasam na sana magregister sa utak ko ang nakikita ko ngayon. Nawalan ako ng hangin sa mga sumunod na segundo habang tinitignan ang mga tao na nakasuot ng mamahaling damit na tinitignan ako.
Pakiramdam ko nawala ang tunog sa paligid ko. Halos lahat sila ay nakatingin sakin. Ang iba ay nakangiti at ang iba naman nagbubulungan. Mayroon din na tinaas ang champagne na hawak nila at nagbow ng bahagya habang nakatungo sa akin. I feel shy at hindi alam ang susunod na gagawin.
Hanggang sa napukaw ang paningin ko ng isang lalake. The man with navy blue tuxedo. His authority and the way he stood is enough to take everyone's attention. Maayos na nakashave ang buhok nya. Pumaibabaw ang pagiging intimidating nya sa lahat. Ang matikas nyang pagtayo. Mula sa matangos nyang ilong hanggang sa matikas nyang panga. He is so handsome ang I cant help but to smile how perfect that he is. "Draco" I mumbled silently.
Naglakad sya patungo sa akin habang inaayos ang bow tie nya. Nagtama ang mga mata namin at ngumiti sya. His smile, his smile was mouthwatering. Half-genuine, half-grin.
Nang makalapit sya sakin ay agad nyang ipinatong ang palad nya sa likod ko at ginaya papuntang elevated part ng great hall. Nanginginig ang mga tuhod ko pero hindi ko pinahalata. But the man next to me seems to know. "Calm down, Olivia" aniya. His voice was husky.
Habang naglalakad ng marahan papuntang stage ay nagsalita sya.
"You're so perfect right now" he said. Is that a compliment?
"You're not helping" I snapped.
Naramdaman ko ang bahagyang pagtawa nya. Nang makarating kami sa harap ng mga taong ito ay nagsalita si HeadMaster Gibson.
"Ladies and gentlemen, please welcome, the chosen ones to save our world-Miss Olivia Watson and Mister Draco Gibson!" He said.
Ilang segundo ng katahimikan ay may pumalakpak, sinundan ng isa at ng ilan hanggang sa lahat ay pumapalakpak habang nakangiti. Tila isang alon ang humampas sa akin ng makita ang mga ekspresyon nila. I even saw Mr. Logan Tyler and his family from Hesperia. The Parson Family and other important person. I can't believed that I almost gasped. Habang ang katabi ko ay prenteng nakatayo sa tabi ko at walang imik.
Habang pumapalakpak ay masaya silang nakatingin sakin. Ang iba ay tumayo mula sa kanilang silya para lamang magbigay puri. Ilang segundo ang lumipas ay unti-unting humina at nawala ang mga palakpakan.
Tumikhim si Headmaster Gibson bago nagsalita.
"You can now sit, Mr. Gibson and Miss Watson" aniya.
Ginaya ako ni Draco pababa habang hawak ang aking likod. Ngayon ko lang napansin na nanginginig ang mga binti ko kaya napatigil ako ng saglit at naglakad muli. Mukang napansin ni Draco iyon kaya inilapit nya ang muka nya sa akin.
"Calm down my lady" bulong nya saka ngumiti.
Nakarating kami sa isang round table na hiwalay sa mga mahahabang lamesa kung saan nakaupo ang lahat. Nagusad si Draco ng isang upuan at saka tumingin sakin. Umupo ako at makaraan ay umupo rin sya. May mga tao padin na nakatingin samin ngunit hindi ko na sila pinansin.
"Hi, Olivia."
Napatingin ako sa babaeng kaharap ko sa lamesa. She's wearing a vintage yellow dress. Her hair is in a elegant bun and she has a glass. Napatingin ako kay Draco at tinignan na para bang nagtatanong kung sino ang babaeng ito. Tumingin naman sya sa babae at saka nagsalita ang babae na para bang may nakalimutan na sasabihin.
"Oh, I'm Victoria Hunter. Daughter of Luna Sarton and Cain Hunter" aniya saka ngumiti. I can say na masayahin sya.
Wait, did she mean it? Luna Sarton and Cain Hunter of the 23rd Linus cup survivor? Nanlaki ang mata ko sa narealize. Sya ba ang anak nila? Saka ano naman ang ginagawa nya dito? Dito mismo sa lamesa na naka-assign sa aming dalawa ni Draco. Napakurap ako at saka ngumiti.
"She will be our healer until we get to the Moon Acre. Pero hindi sya pwedeng sumama sa atin papunta doon" sabi ni Draco.
I stared at girl named Victoria. The way she smile. The way she cut the meat with elegance. The way she chew the food with grace. Hindi talaga maitatanggi na taga Hesperia ang babaeng ito.
Nagsimula na ang meeting. Pinagusapan nila ang mga bagay na wala akong ideya. Ang mga problema sa Bermuda Triangle. Kung kailan kami aalis dito. Kung paano nalaman na kami ang chosen one. Nainip ako sa kinuupuan ko habang nakatingin sa mga pagkain na nasa harap ko. Naalala ko ang panahon na ako pa ang gumagawa ng mga pagkain na yan. Noong ako pa ang naghuhugas ng mga pinagkainan. Noong ako pa ang nagsisilbi sa mga nakakataas. Hindi ko inakalang ako ang pagsisilbihan balang araw. The orphan slave just turn onto master.
***
BINABASA MO ANG
The Bermuda Triangle
FantasySya si Olivia Watson. Walang pangarap sa buhay, hindi alam ang gusto. Pero dahil sa kasalanan nang kanyang magulang ay inako nya ang kanyang responsibilidad. Nalaman nya ang katotohanan dahil lang sa nga insedenteng nangyayari tuwing byernes trese...