The Bermuda: 6

8 2 0
                                    

The Bermuda: 6

***

Nang matapos ang meeting naunang umalis si Victoria kasama sg Head Master Gibson. Si Draco ay lumabas ngunit huminto sa labas ng training room na tila may hinihintay. Lalabas na sana ako nang mahiwa ang braso ko sa edge ng lamesa na pinagpapatungan ng projector. Pain flashed that I need to tone down the pain to soothe it.

Napatingin ako kay Miss Gloria na tila nagulat sa nangyari. Tinignan ko ang braso ko na may dugo.

"Hwag kang gagalaw at aalisin ko ang dugo" sabi nya at kumuha ng tissiu at ipinahid sa braso ko.

Alam kong may mali. Bakit nakakahiwa ang lamesa? Bakit nandito yang babae na iyan? May mali sa bawat pagtitig nya sakin, I can feel it. Pero 'di ko magawang pagisipan sya ng masama dahil makikita mo sa itsura at postura nya na mabait sya.

Hinila ko ang braso nya kaya bahagya syang natigilan. "Salamat" maikli kong usal at tuluyan nang lumabas. Pagkalabas ko ay pinakiramdaman ko ang mga galaw nya sa loob. Hawak nya ang tissiu habang nakangiti ng bahagya at inaamoy-amoy pa ito. Kumunot ang noo ko pero 'di ko na pinansin pa iyon. Umalis nako ng lugar na iyon at nadatnan ko si Draco na nakasandal sa bintana ng isang vacant room habang nakapamulsa ang dalawang kamay na nakatingin sa sahig.

Lumapit ako sa kanya at tila nagulat pa sya sa pagdating ko.

"Kakagising mo lang diba? Tara, sabay na tayong kumain" aya nya.

Naramdaman ko na rin ang gutom kaya tumango ako.

Nakarating kami sa table namin at nauna nang kumakain si Victoria. Nagsimula kaming kumain ng magsalita siya.

"Napansin nyo ba? May blade na nakadikit sa gilid ng lamesa kanina sa training room" si Victoria.

"Napansin ko din iyon eh. Bakit kaya may ganon pa, ano?" Tanong ni Draco.

Nanatili akong tahimik. Napaisip din ako, bakit kailangan pang may blade iyon? Para saan pa?

"Huy, Olivia! Ang tahimik mo naman ata?" Takang tanong ni Victoria.

"A–ah? Hahaha wala ito. May n–naisip lang ako" sagot ko

Nagtuloy kami sa pagkain hangang matapos. Napansin ni Victoria ang hiwa ko sa braso kaya ginamot nya ito. Kinuwento ko naman sa kanya ang dahilan habang nasa infirmary kami.

"May pagkalampa ka pala, Olivia" aniya sabay tawa.

"Malay ko bang may blade pala doon" katwiran ko.

"Nga pala, bakit nandito si Miss Gloria? Saan sya galing?" Takang tanong ko.

Kaunting katahimikan matapos kong magtanong. Tinignan ako ni Victoria ng blanko.

"Hindi ako sigurado kung taga dito sya sa Durmstrang. She's a vagabond before. Living in a copse. But after she disappeared, mayaman na sya. Walang nakakaalam kung bakit sya yumaman. Nandito sya para itrain kayo" paliwanag nya.

"Codswallop" sagot ko.

Matapos nya akong gamutin ay dumeretcho ako sa training room. Naglalakad ako sa tahimik na hallway ng maramdaman ko si Miss Gloria na magkakasalubong kami sa daanan. Nagtago ako sa likod ng mga makakapal na kurtina sa bintana. Dumaan sya sa harap ko. Naaninag ko ang postura nya sa kurtina. Hininaan ko ang pahinga ko para 'di nya ako mapansin. Nang makalayo sya ay lumabas na ako ng kurtina. Tinignan ko ang dinaanan nya saka tumuloy sa pupuntahan ko.

Pumasok ako sa training room. Naabutan ko si Draco na nageensayo. Binabato nya ng mga gyro ang mga dummy na nakatayo sa dulo ng kwarto ko. Tumingin sya sakin at saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Pinanood ko sya. Masama ang timpla ng muka at tahimik na nageensayo.

Galing nga pala dito si Miss Gloria. Nagusap kaya sila? Nakakunot ang noo ni Draco at alam kong galit sya. Ano naman kaya ang pinagusapan nila?

Binato nya ang huling dummy ng gyro at halos tumagos ito sa kahoy sa lakas ng pagkakabato.

"May problema ba, Draco?"

Tumingin sya sakin at saka bumuntong hininga. Tumingin sya sa mga katana na nakasabit sa wall at saka nagsalita.

"Wala" sagot nya.

Sinungaling ang mokong.

"Duel tayo ngayon, 'di ba?" Tanong nya.

Tumango ako ng bahagya. Siguradong sasakit na naman ang katawan ko matapos nito.

Halos magitla ako nang makita ko ang dagger na bumubulusok papunta sakin. Yumuko ako at tumama ang dagger sa dingding na nasa likod ko. Naginit ang muka ko sa galit at sinugod sya para suntukin sya sa mukha.

"Woah..." sabi nya.

Pero hindi pa ako nakakalapit ay naramdaman ko ang pag-suspend ng katawan ko. Ginagamitan nya ako ng ability nya. Sinamaan ko sya ng tingin at saka sya tumawa.

"Napaka pikon mo talaga, ano?" Pambubuska nya.

Hindi ko sya sinagot. Tinitigan ko lang sya. Naglakad sya papalapit sakin habang ngingisi ngisi. Palibhasa'y masyado syang matangkad ay yumuko sya para ipantay ang muka nya sa muka ko. Gwapo nga, gago naman.

"Ang ganda mo... ang gwapo ko" aniya at itinaas ang kaliwa kong kamay gamit ang ability nya at inihawak ito sa pisngi nya.

"Bagay tayo!" sya sabay tawa.

Abnormal– "Training ang atupagin hindi ligawan, Mr. Gibson..." usal ng kung sinuman na nasa pintuan.

Draco's POV

"Bagay tayo!" Usal ko sabay halakhak. Mas lalong nainis si Olivia kaya 'di ko mapigil ang pagtawa ko.

Pero totoo ang sinabi ko sa kanya. Maganda sya. Kamukha nya ang reyna ng Atlantis. Minsan nga napapaisip ako, magkamaganak kaya sila? Pero imposible– "Training ang atupagin hindi ligawan, Mr. Gibson"

Napatingin ako sa bandang pintuan. Nakita ko ang kinaiinisan kong tao sa buhay ko.

Epal

"Miss Gloria... duel ang gagawin namin ngayon kaya hindi ka namin kailangan dito" inis na sabi ko.

Inalis ko ang ability ko kay Olivia at saka tinalikuran sila. Dumeretcho ako sa lalagyanan ng mga gyro at dagger para ihanda ito.

Si Olivia naman ay inihanda ang ang mga first aid kit malapit sa kinatatayuan ko kaya napangiti ako dahil nagkadikit kami ng braso.

"Wala ka paring pagbabago" sagot ni Miss Gloria.

"Ikaw ba? May ipinagbago ka na ba?" Tukoy ko sa gawain nya dati.

Napatingin sa akin si Olivia. Nagtatanong ang mata nya pero kinindatan ko lang sya.

Si Miss Gloria, dati syang alahera. Sya ang kaisa isang tao kinaiinisan ako. Ewan ko ba kung bakit. Siguro alam nya na alam ko ang sikreto nya? Na magnanakaw sya ng mga alahas? Wala akong ideya kung paano niya napapayag sa Daddy na sya ang magiging trainor namin. Pero kinukutuban ako sa mga panahon na kailangan nyang magstay dito. May pakay sya kay Olivia. Nararamdaman ko iyon. Pero wala akong ideya. Kaya nyang pumatay ng walang alinlangan.

"Sino ba sya?" Tanong ni Olivia na tinitigan ang talim ng dagger na hawak nya.

Sumulyap ako sa pintuan para tignan kung nanduon pa sya. Nawala na sya, siguro ay umalis matapos mapahiya.

"Delikado ang taong iyon. Kailangan mo syang iwasan. Isa syang blood bender" seryoso kong usal sa kanya.

Nakita ko kung paano sya kinabahan.

"Pero wag kang magalala, hangga't buhay ako, ligtas ka" ani ko at ginulo ang buhok nya.

Napayuko sya na para bang kinikilig kaya napangiti na lang ako.

Nagaalala talaga ako para sayo kaya magiingat ka.

***

The Bermuda TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon