The Bermuda: 13
***
Isang magara at matayog na kaharian ang bumungad sa amin. Tila isang litrato mula sa fairy-tale book ang nakikita ko. Mula sa flag na naka-kabit sa bawat dulo ng patusok na bubong ng palasyo. Hanggang sa matatayog na bakod nito. Maayos na nakatrim ang mga puno at halaman. Ang mas nakakamangha ay ang mga maliliit at kulay asul na lumilipad kung saan saan. Marahang naglalakad ang mga tao. Normal lang naman sila. Ngunit iba ang suot nila. Parang mga luma pero maayos na damit ang suot nila. Parang katulad ito ng mga damit noong araw. May mga bata na naglalaro sa sapa na ang tubig ay malinis na asul. Malinis ang paligid. Nagsasalita ang mga tao pero hindi maingay.Napansin ko ang tila fairy na papalapit sakin. Maliit na tao... kasing haba ng daliri ko. Asul ang buong kulay nya. Mahaba ang pilik mata at may puting pakpak, almost pearly-white color. Itinaas ko ang kamay ko para padapuin ang fairy sa daliri ko pero nagulat ko yata sya. Umiba sya ng direksyon at iniwasan ako. "Wow" ang unang salita ko sa mundo ng Moon acre.
"Nakakamangha" usal ni Draco.
"Ngayong nandito na tayo... ano na?" Tanong ko.
Tumingin sya sakin.
"Anong ano na?"
"Seryoso ako"
"Ako din naman ah"
"Bahala ka nga sa buhay mo" sabi ko at inunahan syang maglakad.
"T–teka! Hintayin mo ako, Olivia!" Habol nya.
Nagtuloy ako sa paglalakad. Napansin ko ang ilang lalaki na nagbebenta ng prutas sa gilid ng mga malalaking puno. May ilang bumibili pero karamiha'y nakaupo sa mga bench malapit sa sapa. Sinipat ko ang bag na nakasabit sa balikat ko kung may ginto. Napangiti ako ng makita ko ang tatlong balot ng mga ginto. Binilisan ko ang paglalakad ko habang nakangiti pero may nabunggo ako.
"Ahh!" Sigaw ng babae sa harap ko. Nakaupo sya sa lupa at nakatingin sakin ng blanko.
"Ah... I'm sorry. Tulungan na kita" paumanhin ko.
Tinulungan ko syang tumayo pero nagtaka ako ng mapansing nagulat sya sakin.
"You—You know how to speak english?" Takang tanong nya. Maganda sya. May flexible na galaw. May itim na mata at maputing kutis. Matangos sya at mapula ang labi. May mahaba syang buhok na kulot ng bahagya pero mas matangkad ako sa kanya ng bahagya. Remarkably angel.
Kumurap ako sa tanong nya.
"Of course yes" maikli kong tugon.
Bakas ang pagtataka sa mga mata nya. Tinignan nya ako nang derecho sa mata at tinignan ang kabuuan ko.
"Your outfit... is getup. Disparate I mean" usal nya. Tinignan ko ang suot ko. Asul na jeans, maayos na sapatos, maroon na flow-skirt. Anong mali sa suot ko. Pinamasdan ko ang damit nya. Naka-gown sya. Kulay asul at eleganteng gown na mas bumagay sa maputi nyang kutis.
"Pwede ba akong dumaan—'' naputol ang tanong ko.
"Olivia! Hintayin mo ako" usal ni Draco.
Nang makalapit sya ay nilingon ko sya. Hinigit ko ang kamay nya at hinila papunta sa tindahan ng mga mansanas.
"Saan tayo titira?" Tanong ni Draco na kumagat pa sa mansanas nyang hawak. Linibot ko ang paningin ko. Hindi ko alam kung anong oras na pero tirik ang araw. At masyadong tahimik.
"Kanina pa tayo naglalakad at malayo na rin tayo sa linabasan natin mula sa Durmstrang. Ang gusto ko lang malaman ay kung saan tayo titira" sabi nya na kinukumpas pa ang kamay sa ere.
Ang ingay.
"Hwag ka ngang maingay" suway ko.
Hindi kalayuan ay may naramdaman ako. Danger. May nangyayaring gulo malapit sa amin. Linibot ko ang paningin ko. May nanganganib na buhay.
"May nararamdaman ka ba?" Tanong nya.
Tumango ako. "May mamamatay" wala sa sarili kong sabi.
Naglakad pa kami ng bahagya hanggang sa may narinig kami.
"Hanggang dyan ka na lang ba?!" Sigaw ng matangkad.
"Tumayo ka!" Sigaw ng isa.
"Wala kang kwenta! Kalalaking mong tao pero 'di ka man lang sanay gumamit ng pana at palaso!" Sigaw ng matangkad.
Pinagsisipa nila ang lalaking namimilipit sa sakit. Sumigaw ng sumigaw ang lalaki dahil sa mga sipa sa kanya.
"Hey!" Sigaw ko kaya tumigil sila at tumingin sakin. Tatlo sila. May mga nakasakbit na pana at palaso sa likod nila. Humarap sila sa akin ng may mga nakakalokong ngiti sa mga labi nila.
"At sino ka naman?" Tanon ng matangkad.
Hindi ko sya sinagot. Kinuha ko ang pana at kumuha ng isang palaso mula sa likod ko. Umatras ang matangkad.
"Tignan mo nga naman, Laxus! Dinaig ka pa ng babae" sigaw nya saka tumawa at nakitawa naman ang kasama nya.
"Ang ganda nito ah..." sabi nya
Humakbang si Draco papalapit sa akin. With his full authority, he walk towards me.
"Hwag na hwag mong ididikit ang kamay mo sa pagaari ko dahil babaliin ko ang mga buto ng mga daliri mo hanggang maputol ang kamay mo" usal nya sa kalmadong boses. Naramdaman ko na natigilan ang tatlo ng bahagya dahil kay Draco.
Hindi sya pinansin ng tatlo pero ramdam ko ang takot nila. "Ahh... hwag kang magalala ginoo, nagagandahan lamang ako sa iyong asawa"
"Hindh ko sya asawa" I snap.
Ngumiwi sya at ngumiti. "Kung ganoo'y hayaan mo akong purihin ka binibini. Napakaganda ng mata mo. Asul na asul tulad ng tubig. Maputi ang malaperlas mong kutis at singganda ng prinsesa ang iyong mukha" usal nya at saka lumapit sakin.
Hinigit ko ang palaso sa pana na nakatutok sa matangkad. Narinig ko ang bahagyang tunog ng tali sa palaso.
"Pakawalan mo ang lalaking iyan" tukoy ko sa tinawag nyang Laxus.
"Papatayin muna namin sya"
"Tatlong segundo, scrawny tyke boy. Let him go or else..." banta ko.
Natigilan sya. Tila 'di naintindihan ang sinabi ko.
"Sandali, binibini. Marunong kang mag-ingles?" Tanong nya.
"Ang iyong kasuotan... sino ka ba?" Tanong nya.
"Isa..."
Natigilan sya.
"Dalawa..."
Hindi sila gumalaw.
Binitawan ko ang tali ng palaso ko. Tila slow motion ang nangyari. Tumagos ang pana ko sa pinakatuktok ng ulo ng matangkad. Sumabit ang somblero nya sa pana ko at tumusok ito sa puno na nasa likod nya. Kumalat ang takot sa mga mata nila. Umatras sya na para bang mamatay tao ako. Unti unti syang gumalaw at umatras. Lumingon sya sa mga kasama nya at saka sumenyas na parang aalis na.
"Tara na" utos nya at saka sila tumakbo palayo sa amin. Binalik ko ang palaso sa likod ko at saka tinignan si Laxus na namimilipit sa sakit.
"Wow" singhal ni Draco.
Lumapit ako sa nakaluhod na si Laxus. Umuubo sya habang nakahawak sa tiyan nya. May dugo sya sa ulo nya. Naawa ako kaya lumuhod ako para abutin at tulungan sya. Hinawakan ko sya sa braso pero umatras sya sa gulat.
***

BINABASA MO ANG
The Bermuda Triangle
FantasíaSya si Olivia Watson. Walang pangarap sa buhay, hindi alam ang gusto. Pero dahil sa kasalanan nang kanyang magulang ay inako nya ang kanyang responsibilidad. Nalaman nya ang katotohanan dahil lang sa nga insedenteng nangyayari tuwing byernes trese...