The Bermuda: 2

12 2 0
                                    


The Bermuda: 2

***

Nandito ako ngayon sa loob ng madilim na kwartong ito. Pinangigilan ang dummy na nakapaligid sa akin. Hinagis ko ang dagger sa harap ko at madiin na tumusok ito sa dummy. Kainis. Nasa loob ako ng training room at kanina pa akong tanghali dito. Actually kasama ko kanina si Draco at itinuro sakin ang mga dapat malaman at mga gagawin oras na pumasok ako dito sa training room. Pero umalis sya agad at sinabing ipapaalam nya sa head ng mga maid na hindi na ako katulong pa dahil kailangan kong ituon ang sarili ko sa training, tactic at strategy.

Nasabi sakin ng Headmaster kanina na kailangan daw malaman ng buong Durmstrang ang tungkol sa amin ni Draco. Naisip ko, para saan pa? Para malaman na malapit na kaming mamatay? Napabuntong hininga ako sa sama ng loob. Dapat pala hindi na ako pumayag sa gusto nila. Hinagis ko ang dagger sa likod ko at dalawa sa kanan ko. Ramdam ko ang pagbulusok nito at ang diin ng bawat pagtusok nito. Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa pagod. Ang mga buhok ko ay nakadikit sa muka ko dahil sa pawis.

Napangiti ako. That was a nice way to blow off your feelings. Out of now here a pair of foot stepping to training room. May papunta dito kaya tumayo na ako at pinagpagan ang suot ko. Naalala ko, hindi pa pala ako kumakain kagabi, kanina at ngayong tanghali. Napangiti akong muli dahil sa naisip. Bumukas ang ilaw at nakita ko si Draco na nakatingin sakin.

"Bakit nakapatay ang ilaw? Akala ko ba nagte-traning ka?" Tanong nya.

Inirapan ko lang sya at sinagot ang tanong nya. "Para namang may mababago kahit may ilaw o wala" sabi ko.

"Pinapatawag tayo ni Dad" sabi nya na ikinatigil ko. "Bakit daw?" Tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya. Ayokong makita ang muka nyang nakangiti sa akin dahil baka mainis nya ako at masuntok ko ulit sya.

"Ewan ko ba" sagot nya saka sya umalis sa pintuan. Tinignan nya ako na para bang sinasabing 'bilisan mo at sumunod ka sakin' wala akong nagawa kaya naglakad na ako palabas ng training room at linagpasan sya. Napakagaling talagang mangbwisit ng lalaking ito. Malamang ay may sasabihin lang ang Headmaster.

Hindi ko alam kung sumusunod sya ngunit wala na akong pakialam. Tahimik ang pasilyo habang ako ay naglalakad at hindi ko maiwasan na tanungin ang sarili ko 'Anong kailangan niya?' 'Mali ba na magtrain ako magisa?'

Nakarating ako sa Headmaster Office at walang pagaalinlangan na binuksan ko ang higanteng pinto. Bumungad sakin ang walang taong kwarto na puno ng libro at furnace sa kanan. May malaking chandelier sa itaas. May lumabas sa isang maliit na pinto kesa sa dinaanan ko, si Headmaster Gibson, isang lalaking matangkad at palangiti katulad ng anak nya. May istriktong muka at mababakas mo ang authority sa kung pano sya magsalita.

"Good Afternoon Miss Olivia Watson, have a seat" aniya at umupo sa kanyang upuan. 

Napalingon kami sa pintuan ng bumukas ito at napairap na lang ako nang pumasok si Draco. Tahimik syang umupo sa tapat ng uupuan ko. Tumikhim si Headmaster Gibson at umupo na ako. Masyadong seryoso ang aura ngayon at I can't help but to scoffed. Walang akong ideya sa paguusapan.

"Tulad ng sinabi ko, ipapaalam natin sa buong Durmstrang ang tungkol sa inyong dalawa. Kayat magkakaroon tayo ng meeting. Lahat ng taga Durmstrang at maging ang mga estudyante sa Sartorius Academy at sa buong magic world kasama pati na ang Augury, Hesperia, Prum, Dionne at iba pa. Dahil kayo ang magliligtas sa buong mundo" sabi nya habang nakatingin samin nang mataman at wala akong magawa kundi ang makinig at tignan sya ng deretcho sa mata.

"We will make a formal meeting. And that will be on friday so it means one day more to go. Gusto kong maging handa kayo. Maging matatag sa misyon nyo. Dahil oras na pagdikitin natin ang crest ay maglalabas ito ng portal papuntang Moon Acre"

"Moon Acre?" Tanong ko.

"Iyon ang lugar—isla—napakalaking isla na nasa Bermuda Triangle. Mapanganib ang lugar na yon. Hindi ko alam ang maari nyong madatnan doon ngunit nais kong maging handa kayo" paliwanag nya.

Pakiramdam ko hindi ako makahinga sa mga sinabi nya. Tinignan ko si Draco na walang imik na nakaupo sa tapat ko. Tila wala syang pakialam sa sinasabi ng ama nya. Masyadong malalim ang iniisip nya kaya tila pre-occupied sya.

"Every day, you will train. We bought real life simulator to both of you and enough things you could need" aniya.

"Real life simulator?" Tanong ko.

"It's a machine that can set you in real life that you chose" aniya.

"Every day you will have training. Hahasain namin ang mga senses mo at tuturuan ka namin pumatay ng walang alinlangan" dugtong nya.

"Ang magiging kwarto mo ay nasa taas ng pasilyong ito. At isa pa pala, sa susunod na dalawang buwan ay may byernes trese ulit. Bago sumapit ang araw ma yon ay aalis na kayo dito sa Durmstrang" paliwanag nya.

Wala akong nagawa kundi tumango. Imagine kung ano ang maaring mangyari sakin. Makakabalik ba kami ng buhay? Pilit king inalis sa isip ko ang mga bagay na yon. Ang mahalaga, wala akong pagsisisihan dahil ito ang desisyon ko. Wala akong magulang kaya malaya ako sa lahat ng gusto ko. Napatingin ako sa markang nasa kamay ko. Siguro wala na akong ibang desisyon kundi ang iligtas ang buong mundo. At saka, adventure din ito. Mas maganda nang may saysay ang buhay ko bago ako mamatay.

"Miss Watson, payag ka ba sa iyong misyon?" Tanong ni Headmaster Gibson sa akin.

At sa mga katagang binitawan ko ay nagsimula nang magulo ang walang kwenta kong buhay. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Yes Headmaster, I will take my mission" sabi ko.

Matapos kong magsalita ay biglang tumayo si Draco at walang pasabing lumabas ng kwarto. I guess I was left with no choice.

***

The Bermuda TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon