The Bermuda: 16
***
Draco's POVLumipas ang tatlong araw at dito kami sa bahay ni Laxus tumuloy. Napakasaya ko dahil nakasama ko sa isang bubong ang aking ina. My mother is taller than Olivia. But I'm taller than her. Kinuwento ko sa kanya lahat ng mga nangyari sa palasyo habang wala siya. At sinabi ko din sa kanya na kami ang kailangang pumunta sa Bermuda triangle para ibalik ang crest ni Poseidon. Pero naiinis din ako dahil tatlong araw nang magkasama sila Laxus at Olivia. Tinuturuan ni Olivia si Laxus kung paano gumamit ng pana at palaso. Tuwang tuwa si Laxus pag hinahawakan ni Olivia ang kamay niya. Abot ang ngiti na siyang kinaiinisan ko. Maging sa pagkain ay magkatabi sila. Kaya kapag naguusap kami ay binabara ko siya. Pag tinatanong niya ako ay 'di ko siya sinasagot kaya minsan ay naiinis sa akin si Olivia.
Rinig na rinig ko ang huni ng mga ibon sa paligid ko. Halos dalawang oras na nang maglakad lakad ako sa gubat kalapit ng bahay ni Laxus. At kahit hapon pa lang ay madilim na. Madilim ang langit at malakas ang ihip ng hangin isabay mo pa ang naglalakasang alon ng dagat. Tinungga ko ang bote ng alak na nabili ko sa naglalakong lalaki. Masyado akong naiinis kay Laxus. Pakiramdam ko ay inaagaw niya si Olivia sa akin. Natatakot ako kasi gwapo siya, matangkad at mabait. Baka maagaw siya sa akin. Bumuhos ang ulan. Mabilis na nabasa ang buhok at ang damit ko. Nagpaulan ako habang naglalakad pabalik. Hanggang sa may na aninag akong papalapit sa akin. Hindi ko makita ng ayos dahil sa pagulan. Lumapit siya sa akin at tinignan ako. Si Olivia. Wala siyang dalang payong at basang basa siya. She looks pissed. She's looking at me like a dagger in her eyes. What's wrong? "Olivia?"
Hindi niya ako sinagot bagkus ay tinitigan niya lang ako.
"Anong ginagawa mo dito? Umuulan kaya bumalik ka na sa bahay ng manliligaw mo. Baka magkasakit ka pa" utos ko.
"Ano bang problema mo?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Hindi ko manliligaw si Laxus. Magkaibigan lang kami kaya ikaw ang dapat kong tanungin, may galit kaba kay Laxus? Bakit ganon ang trato mo sa kanya?"
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo"
"So bakit ka umiinom ng alak sa kalagitnaan ng malakas na ulan?"
Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam ang isasagot kaya nanahimik ako.
"Bakit? Sumagot ka—"
"Dahil nagseselos ako! Lagi siya ang kasama mo at kausap mo kaya galit ako sa kanya. Hindi mo ba nahahalata o sadyang manhid ka lang? Gusto kita at matagal na kitang mahal! Kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon, siguradong magkakaganito ka rin" sabi ko sa kanya.
Gulat ang mababakas sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Habang bumubuhos ang ulan ay namayani ang katahimikan sa amin habang nagtititigan. Bumuntong hininga ako at muling nagsalita.
"Five years ago nang magkagusto ako sayo. Five years ago nang mahulog ako sayo. Iyon ang dahilan kung bakit ako dumadalaw sa kwarto mo pag madalin araw. Iyon din ang dahilan kung bakit ako nagseselos. Kasi gusto kita. I'm in love with you that it makes me insane" usal ko at yumuko at hinalikan siya. Hindi siya nagsalita at halatang nagulat siya. Malambot ang labi niya gaya ng mahalikan ko siya noon.
Lumayo ako ng bahagya at yinakap siya. Isang yakap na makakapagsabi sa kanya na mahalaga siya at mahal ko siya.
"Tanggap ko kung hindi mo ako kayang mahalin pero sana alagaan mo ang puso ko. It's your responsibility to take care of my heart because five years ago, I gave you my heart even tho you don't know" mahina kong usal habang nakayakap sa kanya.
Kumalas ako sa pagkakayakap. Hinila ko ang kamay niya at naglakad sa ilalim ng ulan pabalik sa bahay ni Laxus. Tahimik parin si Olivia hanggang makabalik kami. Siguro ay nagulat siya. Kumatok ako sa pintuan ng bahay. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at si Mom.
"Oh my god, look at you! Bakit nagpaulan kayo? Pumasok kayo at magpatuyo"
Aniya at saka kumuha ng dalawang roba at ibinigay sa amin. Pumasok kami sa loob at nadatnan namin na may apoy ang chimney nila. Pagkapasok namin ay biglang tumayo si Laxus sa inuupuan niya. Pinunas niya ang palad niya sa hita niya at nakatingin kay Olivia na para bang kanina pa naghihintay. Lumapit siya kay Olivia at agad itong yinakap. Naikuyom ko ang kamao ko at mabilis na umakyat ang galit sa ulo ko. Ramdam ko ang pagsalubong ng kilaw ko habang nakatingin sa kanila.
Yakap yakap parin ni Laxus si Olivia na nakabalot ng roba. Nakangiti si Laxus na para bang aliw na aliw sa pagkakayakap niya. Napansin ko ang isang kamaw ni Olivia na nakahawak sa likod ni Laxus. Nangilid ang luha ko pero pinigilan ko ito.
"Akala ko napano ka na, AJ. Bigla ka na lang umalis ng walang paalam. Nagalala ako sayo ng sobra, AJ" Usal ni Laxus habang nakayakap.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanila at hinila ko si Olivia sa kanya. Hawak ko ang kamay ni Olivia habang nasa gilid ko. Nakatingin sa akin si Laxus na nagtataka. Pati si Mom na may hawak ng dalawang tasa ng inumin ay nagulat sa inasal ko.
"Her name is Olivia. Not AJ. Hwag mo siyang hahawakan kung ayaw mong masaktan" seryoso kong sabi.
Tila hindi niya naintindihan ang una kong sinabi. Nakatingin lang siya sa akin na para bang naguguluhan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naghahalo-halo ito at dumadami pa. Galit. Inis. Selos. Inggit.
"Ano bang sinasabi mo diyan? Hindi ko alam kung nagseselos ka—"
"Shut up"
"Ah... alam ko na. Nagseselos ka pero ang tanong, kayo ba?" Tanong niya sa nakakalokong tono.
Natigilan ako. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ko sa kamay ni Olivia. Isang dam ng galit ang naramdaman ko sa sinabi niya. Nanginginig ang panga ko sa inis at iniisip ang isasagot ko.
"Oo. Siya ang nobyo ko" sabi ni Olivia.
Natigilan si Laxus. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Tinignan ko si Olivia sa tabi ko. Para bang nabingi ako sa sinabi niya. May kung anong pakiramdam sa loob ko na tila sumasayaw sa tuwa. Halo halong pakipamdam.
***
BINABASA MO ANG
The Bermuda Triangle
FantasíaSya si Olivia Watson. Walang pangarap sa buhay, hindi alam ang gusto. Pero dahil sa kasalanan nang kanyang magulang ay inako nya ang kanyang responsibilidad. Nalaman nya ang katotohanan dahil lang sa nga insedenteng nangyayari tuwing byernes trese...