The Bermuda: 9

10 2 0
                                    

The Bermuda: 9

***
Olivia's POV

Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Tahimik. Tanging mga huni ng mga ibon galing sa labas ang naririnig ko. Unti unti kong idinilat ang mata ko. Una kong nakita ay ang wall clock na nakasabit sa dingding.

2:22 pm.

Pinagmasdan ko ang paligid. Ang lugay na ito ang laging kong tambayan matapos ng training. Ang infirmary. Naalala ko ang mga nangyari noong gabing 'yon. Kung paano ako pinahirapan at pagtangkaang patayin ni Miss Gloria, kung paano dumating si Draco para tulungan ako, kung paano pinatay ni Draco si Miss Gloria, kung paano ako nakatulog sa mga bisig nya.

Nakita ko si Draco na natutulog sa upuan at nakacrossed arm pa ang kaway malapit sa paanan ko. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Mula sa pula nyang buhok, sa matangos nyang ilong, sa makapal at may kataasan nyang kilay, sa manipis nyang labi, hangang sa matikas nyang panga. Tanga lang ang hindi magkakagusto sa kanya.

Bumangon ako at naupo sa kama ko. Tinapik ko sya ng marahan para magising pero laking gulat ko ng gumilid sya at unti unting nahulog mula sa inuupuan nya. Lumikha nang malaking ingay dahil sa pagbagsak nya sa floor. Nagising sya at dahan dahang naupo sa sahig habang hinihimas pa ang kanang pisngi.

"Bakit mo ako tinulak?!" Inis na tanong nya habang nakapikit at naghihikab.

'di ko napigilan na tumawa... actually, halakhak ang ginawa ko. Halos maluha ako kakatawa habang nakapikit pa. Pinagpatuloy ko ang pagtawa hangang humina ang tawa ko. Nang dumilat ako ay nakita ko si Draco na nakanguso na parang bata at nakatingin sakin. Natawa na naman ako. Pero bilang...

"Buti gising kana! Namiss talaga kita!" sigaw nya nang yakapin ako ng mahigpit. Halos 'di ako makahinga dahil sa yakap nya. Tinapik ko sya sa likod at nagsalita.

"Hindi ako makahinga!" Usal ko kaya bumitaw sya at naupo sa upuan nya.

Nahihiya nyang hinimas ang pisngi nya. Kaya napangiti ako.

"Ang ganda mo" bulong nya.

"Ha?"

"Ha?" Tanong nya.

"Ano sabi mo kako?"

"Ah hehehe wala iyon" pagsisinungaling nya.

The room had suddenly gone complete still and silent.

"Ilang araw akong nakatulog?" Tanong ko.

"Isa't kalahating araw" sagot nya.

"Si... si Miss Gloria–"

"Patay na sya, Olivia" putol nya sa sinasabi ko.

"Paano?" Takang tanong ko.

"Kinontrol ko ang pag-galaw ng puso nya... pinabilis ko hangang sa tumaas ang dugo nya" usal nya.

"Draco..." mahina kong tawag.

Napansin ko ang bahagya nyang pagngiti ng tinawag ko sya.

"Mmm?" si Draco.

"Kilala mo ba ako?" Tanong ko at nakita ko naman kung paano sya nabigla at naguluhan sa akin.

"Ha? Ano bang ibig mong sabihin? Kilala kita. Ikaw si Olivia Watson" takang tanong nya.

"Ang ibig kong sabihin, kung sino ako. Kasi... kasi ako mismo hindi ko kilala ang sarili ko. Nung gabi na pinahirapan ako ni Miss Gloria, pilit nya akong tinatawag na Prinsesa. At maski ikaw, tinawag mo ako ng ganon. Ano ang ibig nyong sabihin?" Tanong ko.

Sumeryoso ang mukha nya. Tinignan nya ako ng deretcho sa mata. Para bang hinihigop ako ng pula nyang mata.

"Sa tingin ko kailangan mo nang malaman" panimula nya.

"Ikaw ang Prinsesa ng Atlantis. Ikaw si Princess Athena Jane" sabi nya.

Pakiramdam ko nabingi ako. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko. He must be joking. Imposible iyon. Umiling ako. Hindi maaari mangyari iyon. Ako si Olivia. Si Olivia Watson.

"Hindi kaba nagtataka kung bakit ikaw ang pinili bilang chosen one? Hindi kaba nagtataka kung bakit wala kang alam sa mga magulang mo? Hindi kaba nagtataka kung bakit nasa iyo ang kalahati ng Crest?" Tanong nya.

"Gamit ang crest ay itinawid ka nang mga magulang mo sa portal bago lumubog ang buong Atlantis" dugtong nya.

"Hindi ko maintindihan…" usal nya.

Huminga sya ng malalim at inabot ang kamay ko at hinawakan nya ito ng mahigpit.

"Hindi ka pa siguro handang tangapin ang lahat" sabi nya.

"Pero paano nalaman ni Miss Gloria na isa akong... Prinsesa?" Tanong ko.

"Naalala mo ba yung blade na nilagay nya sa lamesa para mahiwa ka?" Tanong nya.

"Oo pero ang layo ng tanong mo sa tanong ko" reklamo ko.

"Kailangan nya ang dugo ng isang tao para malaman kung paano ito kokontrolin kaya nya linagay iyon at makuha nya ang dugo mo at duon nya nalaman na ang dugo mo ay nabibilang sa dugo ng mga bughaw" si Draco.

Unti unti kong naintindihan ang gusto nyang iparating.

"Pero ikaw? Paanong ikaw ang naging chosen one?" Tanong ko.

"Iyon ang hindi ko alam, pero Im sure na I am interconnected with Timothy Jones" aniya.

"Timothy? Yung Tim na laging kasama ng Dad mo?" I asked.

"Yes"

"Alam mo ba? Ang gwapo nya kaya! Tapos nakasalamin pa." Singit ko.

"Hoy! Ako lang nagiisang gwapo dito!" Nakanguso nyang usal.

Para ka talagang bata.

Natawa naman ako kasi 'di bagay sa kanya ang pagpout nya. Mukha syang bakla.

"Hey" napatingin kaming pareho sa pintuan. Nakita namin si
Victoria. Napangiti sya nang makita akong gising. Kumaway sya sa akin bago pumasok.

"Kamusta ka na?" Paunang tanong nya.

"Okay na ako" usal ko.

Tumango sya saka may inabot sa maliit na drawer sa tabi ng kama ko. Isang syringe na may kulay pulang likido ang loob ang kinuha nya.

"Madaming dugo ang nawala sayo kaya kailangan mo ito" sabi nya.

Matapos nyang itusok ang syringe sa katawan ko ay naramdaman ko ang tila may bulaklak na namumukadkad sa tiyan ko.

"Kelan ako pwedeng umalis dito at magensayo?" Tanong ko kay Victoria.

"Sa ngayon ay kailangan mo pang magpahinga at bukas ng umaga ay pwede ka nang bumangon." Usal nya.

"Oh sige, kukuha lang ako ng makakain mo" sabi nya saka umalis ng kwarto.

Tinignan ko ang pintong pinaglabasan nya at napako ang mata ko sa kalendaryo na nakasabit sa likod ng pinto. Pinagmasdan ko itong mabuti at may naalala.

Malapit na ang friday the 13th

Yumuko ako at tinignan ko ang marka sa wrist ko. Tila isang tattoo na kulay itim. Hinawakan ko ito at pumikit.

Sana ligtas na makauwi si Draco. Kahit hwag na ako, basta si Draco na lang.

"Ano namang iniisip mo diyan?" Tanong ni Draco.

Napadilat ako ng 'di oras dahil sa pagkabigla.

"Iniisip ko kung bakla ka o talagang isip bata ka lang" pasaring ko.

***


The Bermuda TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon