The Bermuda: 7
***
Olivia's POV
"Miss Watson, pinapatawag po kayo ni Head Master. Nasa likod po siya ng palasyo malapit sa lawa" sabi ng isang lalaki na nagaalaga ng mga hardin.
"Sige, pupunta ako" sagot ko.
Tumalikod ako at naglakad. Bakit kailangan pang sa likod ng palasyo? At saka magdidilim na, kaya dapat nadito na sya sa loob.
Tatlong araw na ang lumipas ng mapunta dito si Miss Gloria. At tatlong araw narin akong kinakabahan dahil sa mga titig nya.
Papalabas na ako ng makasalubong ko si Victoria.
"Saan ang punta mo?" Tanong nya.
"Ah, pinapatawag ako ni Head Master sa likod ng palasyo" sagot ko.
"Ha? B–bakit sa may lawa pa?" Tanong nya.
"Ewan"
"Sigurado ka bang pinapatawag ka talaga?"
"Oo nga, hwag ka magalala babalik agad ako" sagot ko saka bahagyang ngumiti to assure her.
Iniwan ko syang nagtataka. Maski ako rin ay nagtataka.
Nakarating ako sa gilid ng lawa. Nagpapalinga linga ako at naghahanap ng sign kung may tao dito. Naglakad ako ng bahagya at sinipat ang buong lugar pero ni anino ng tao ay wala akong nahanap.
Babalik na sana ako pero may paggalaw akong naramdaman. I pause a little at pinakiramdaman iyon. May tao malapit sa likod ko. Hindi sya ang Head Master dahil sa pagtindig palang ay kilala ko na sya. Nakangiti gaya ng dati at nakabalot ng green emerald cloak. Inayos ko ang pagtayo ko at humarap sa kanya ng may blankong mukha.
"Ikaw ba ang nagpatawag sakin dito?" Tanong ko.
Pero malayo ang naging sagot nya sakin.
"Your senses are too precise" puri nya sa ability ko.
"Ang panget mo" usal ko sa kanya kaya ngayo'y nawala ang ngiti sa mukha nya at tinitigan ako ng masama.
Ngunit sa hindi inaasahan ay gumalaw ang kamay ko. Kusa itong gumagalaw. Naalala ko ang manipulating ability ni Draco. Pero malayong sya ang kumokontrol sakin dahil kahit papano ay nagagawa kong kontrahin ang paggalaw ng kamay ko.
'Delikado ang taong iyon. Kailangan mo syang iwasan. Isa syang blood bender'
Naalala ko ang sinabi ni Draco. Napatingin ako kay Miss Gloria na nakangisi. Hindi maari. Kahit anong oras ay maari nya akong patayin. Pwede nyang patigilin ang pagdaloy ng dugo ko sa puso ko. Matinding takot ang bumalot sa sistema ko.
May misyon pa ako kaya please hwag mo akong papatayin.
May binato sya sa lupa. Dagger. Isang dagger galing sa training room. At gumalaw ang katawan ko. Ramdam ko ang pagkontrol nya sa dugo ko. Pinulot ko ang dagger taliwas sa gusto kong gawin.
Unti unting hiniwa ng kaway ko ang balat ko sa dibdib. I wince because of pain. Agad kong ginamit ang ability ko para pigilan ang sakit pero hindi gumana.
"Hindi yan gagana, Mahal na Prinsesa" aniya saka humalakhak.
Muli kong naramdaman ang sakit. Ngayo'y hinihiwa ang hita ko. Napasigaw ako dahil sa sakit. Madaming luha ang umagos sa mata ko kasama ang dugong lumalabas sa mga hiwa ko.
"Kailangan ko ang crest. Nasak ang crest?" Tanong nya.
"A–anong k–kailangan mo sa crest?! A–ahhh!" Sigaw ko ng maranaman ang panibagong hiwa.
"Hindi ba't maraming ginto, dyamante at kayamanan sa Atlantis? Kailangan kong makuha iyon pero bago ko iyon makuha, kailangan muna kitang mapatay" aniya saka humalakhak.
Isa na namang hiwa ang syang nakapagpatirik ng mata ko sakit. Sumigaw ako ng malakas at nagbabaka sakaling may makarinig sakin.
'Pero wag kang magalala, hangga't buhay ako, ligtas ka'
'Pero wag kang magalala, hangga't buhay ako, ligtas ka'
'Pero wag kang magalala, hangga't buhay ako, ligtas ka'
Nagecho sa tenga ko ang mga katagang hindi ko malilimutan. Kumuha ako ng sapat na lakas saka sumigaw.
"DRACO!" Tawag ko.
Sana dumating ka, please. Kailangan kita ngayon.
"Hindi ka nya maririnig, Mahal na Prinsesa" ngising sabi nya.
"Hindi ako isang Prinsesa!" Sigaw ko.
Unti unting namamanhid ang katawan ko dahil sa sakit. Napaupo ako sa panghihina. Pagod na ako, hindi ko na kaya.
Kailangan kita, Draco.
"Olivia!" Sigaw ng kungsino. Pamilyar sakin ang boses na iyon pero hindi ko na magawang lumingon.
"Olivia! Hold on, hold on, okay?" Si Draco.
Naramdaman ko ang pagkawala ng ability nya sa katawan ko. Kasabay ang ang pagsugod ni Draco kay Miss Gloria.
"Ikaw! Ha! Akala mo ba hahayaan na lang kitang gawin ang pakay mo sa kanya?! Ha?! Pinalagpas ko ang pagpatay mo sa iba pero pati ba naman ang Prinsesa kakantihin mo?!'' Sigaw ni Draco na nakaduro pa kay Miss Gloria na animo isang usa na nagsumisiksik sa puno dahil sa takot.
"A–alam kong wala a–akong laban sayo kaya maawa ka, hwag mo akong p–patayin!" Pagmamakaawa ni Miss Gloria.
"Huli na ang lahat, Miss." Usal ni Draco. Natatakot ako sa Draco na nasa harap ko. Malayong malayo sa pilyong Draco na araw araw kong kasama. Puno ng galit ang mga mata nya na para bang kahit anong oras ay makakapatay sya.
"Draco..." mahina kong tawag sa kanya pero 'di nya narinig. Nanghihina na ang katawan ko dahil sa sakit.
Mula sa kinauupuan ko ay nasaksihan ko kung paano ginamitan ni Draco si Miss Gloria ng ability nya. Tumitig sya sa mata ni Draco ng walang kurap. Nakaawang ang bibig nya at unti unting binawian ng buhay. Bumagsak sya sa lupa habang pinapanuod ni Draco. Natakot ako kay Draco. Natatakot akong lumapit syang lumapit sakin.
Matapos ang ilang sandali ay tumingin sya sakin at akmang lalapit pero umatras ako. Napatigil sya at kumalat ang pagka bigla sa mukha nya.
"Hindi kita sasaktan. Hwag kang matakot" usal nya.
"Ibabalik na kita sa loob" sabi nya at saka ngumiti. Ang ngiti ng isang tunay na Draco. Lumapit sya sa akin at hinawi ang buhok ko sa mukha ko. Binuhat nya ako ng parang pangkasal at saka tinahak ang daan papuntang Sheridan Palace.
Sa gitna ng madilim na paligid ay rinig ko ang mga paguusap ng mga tao sa harap ng pintuan ng palasyo.
Ramdam ko parin ang sakit ng katawan ko. Kumapit ako ng mahigpit sa damit ni Draco. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso nya. Ramdam ko ang init ng katawan nya. Ramdam ko kung paano nya ako buhating na para bang 'di sya nabibigatan sa akin. Napangiti ako. Ramdam ko na safe ako.
Unti unting bumigat ang talukap ng mata ko. Para bang hinihila ako sa malalim na pagtulog. Sumulyap sakin si Draco at saka ngumiti.
"Matulog kana, Princess Olivia." Aniya at saka pumikit ako. Naramdaman ko pa ang bahagyang pagayos ng kapit nya sakin.
Hwag mo akong iiwanan, Draco.
***
AUTHOR'S NOTE
How to pronounce 'Draco'? Well just like this, 'Drey-ko' not 'Drako'. Okay? Happy reading!
@UmaruChan28
---
BINABASA MO ANG
The Bermuda Triangle
פנטזיהSya si Olivia Watson. Walang pangarap sa buhay, hindi alam ang gusto. Pero dahil sa kasalanan nang kanyang magulang ay inako nya ang kanyang responsibilidad. Nalaman nya ang katotohanan dahil lang sa nga insedenteng nangyayari tuwing byernes trese...