The Bermuda: 17
***
Ilang oras na nang mangyari ang kaguluhan kanina. Dumating ang gabi ngunit 'di parin ako kinikibo ni Laxus. Kahit tignan ay hindi niya ginagawa. Pakiramdam ko ay ibang tao ako sa kaniya. Batid kong naguluhan siya sa kasinungalingan ko. Alam kong nasaktan ko siya pero kailangan ko iyong gawin dahil kinabukasan ay aalis na kami dito at kailangan niyang pigilan ang nararamdman niya.
Bumalikwas ako ng higa. Pinagmasdan ko si Draco na natutulog sa kabilang kama.
'Five years ago nang magkagusto ako sayo. Five years ago nang mahulog ako sayo'
Hanggang ngayon ay 'di parin ako makapaniwala sa inamin ni Draco kanina. Kaya ba lagi siyang gising tuwing madaling araw para sa akin? Sa totoo lang wala akong naramdaman ng umamin siya pwera na lang siguro sa animoy may nagsasayaw sa dibdib ko. Hindi ko kasi alam kung kailan ko masasabi ng gusto ko ang isang tao. Wala pa akong karanasan sa ganoong bagay. Kung may gusto ako sa kanya, hindi ko alam iyon dahil hindi ko alam ang pakiramdam ng nagkakagusto.
Bukas. Bukas ay aalis na kami dito at pupunta na kami sa dulo ng moon acre. Dahil ang dulo nito ay ang Bermuda.
Hindi ko alam kung makakabalik pa ako. Pero kung kailangan na hindi ako makabalik para sa kaligtasan ni Draco ay gagawin ko. I care for him too much. I care for him to much I care for myself.
Bumangon ako ng tahimik. Not daring to disturb Draco. Naglakad ako sa kalagitnaan ng tahimik na bahay ay naglakad ako palabas ng kwarto. Lumabas ako ng bahay para makapagisip. I can't help but to notice how beautiful the skies above me. Filled up with shining shimmering stars. Hinapit ko ang sweater na suot ko. Pumikit ako ng madiin at pinakiramdaman ang paligid pero may narinig ako. In a low whisper, a man talking.
"Pag hindi mo siya linayuan, malilintikan ka sa akin babae ka"
Dumilat ako at lumingon sa paligid. Kumunot ako ng maramdaman ko ang paglayo ng yapak ng babae na tila aalis na.
Nakarating ako sa likod ng bahay at nadatnan ko si Laxus na nakatayo, nakatingin sa bandang gubat na para bang inis na inis. Lumapit ako sa kaniya na kinagulat niya. Madaming bote na puno ng pulang likido at ang iba ay wala nang laman. May hawak siyang kopa ng may kalahating tila alak. Ang mga mata niya ay namumula, mugto at puno nang lungkot. Naamoy ko ang alak ng bumuntong hininga siya. Iniwas niya ang tingin at umupo sa silya. Tinungga niya ang baso at nagsalin ulit ng alak. Inagaw ko ang baso pero inilayo niya.
"Laxus, pumasok ka na sa bahay. Itigil mo na yan" utos ko.
Hindi niya ako pinansin.
"Tara na, Laxus" ulit ko.
Pinagmasdan niya ako. I can sense that he's already drunk. Tumayo siya at iniwan ang baso sa lamesang maliit. Ngunit laking gulat ko nang lumapit siya sa akin—hinawakan niya ang pisngi ko—at hinalikan ako.
Hindi ako naka-galaw dahil sa gulat. Tila ba bumagal ang oras ngunit mabilis ang tibok ng puso ko. Sa gitna ng madilim at tahimik na lugar, nakatayo kami at siya habang hinahalikan ako, ako na walang magawa. Pero alam kong mali ang ginagawa niya kaya agad akong lumayo at tinulak siya sabay sampal sa mukha niya. Napa-yuko siya at napako ang tingin sa lupa.
"Laxus ano ba ang nangyayari sayo?!" Mahina kong sigaw sa kaniya.
"Hindi kita maintindihan. Nag-iba ka na pero ano nga ba ang alam ko? E wala pang isang buwan nang makilala kita. I should have known who you are" mariin kong bigkas.
Tumalikod ako at maglalakad na sana ako palayo pero hinagit niya ang braso ko. Liningon ko siya at naka-yuko siya. "Olivia..." ani niya at tinitigan ako sa mata. Pinagdasdan ko siya.
"Mahal kita at mamahalin parin kita kahit nasasaktan mo ako" usal niya.
"Maaring para sa iyo ay isang malaking pagkakamali ang mahalin ka ngunit para sa akin ay tama ang mahalin ka. Pagdating sa pagibig, walang batas, walang mali" sabi niya at biglang tumulo ang luha niya sa kaliwang mata.
"Te amo mucho, mi amor. Adios" sabi niya at yinakap ako. At sa mga oras na iyon, 'di ko akalain na iyon na ang huling anim na salitang maririnig ko mula sa kaniya. But I chose to stay still. I chose to hug him despite the urge inside me sign that I would loose him.
---
"Mag iingat kayo" paulit-ulit na paalala ng Mama ni Draco.
Isinukbit ko ang pana at palaso sa likod ko. Halo halong pakiramdam ang nasa loob ko. Tila ba naguunahan sa isip ko. Pinagmasdan ko si Draco habang nakatingin sa espadang nakalutang sa harap niya. Tila ba ine-examine ang talim nito. Tirik na ang araw ng magising kami kaya nama'y naghahadali kami ngayon. Napatinging ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding. Thirteen days na lang, full moon na, at ang masaklap, byernes trese. Ngayon ay ang huling araw ng ikalawang buwan sa taon.
"Tara na, Olivia" yaya ni Draco.
"Sandali..." usal ko.
Naglakad ako papuntang kwarto ni Laxus. Naka-bukas ng bahagya ang pinto niya kaya kumatok muna ako bago pumasok. Tinulak ko ng bahagya ang pinto at nakita ko sa Laxus na nakaupo sa kama niya at nakatingin sa kawalan.
"Laxus" bati ko.
Tila nagulat siya sa pagdating ko. Napaigtad siya sa pagkakaupo niya at tumingin sakin.
"Olivia" usal niya at saka tumayo.
Dali dali ko siyang yinakap na siyang ikinagulat niya. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko at ibinaon ang muka ko sa damit niya. Kalauna'y yinakap niya rin ako.
"Aalis na kami. Sana ay hwag mo akong kakalimutan kapag 'di na ako nakabalik dito. Gamitin mo sa mabuting paraan ang mga itinuro ko sa iyo. Hwag kang papayag na apihin ka, Laxus" sabi ko.
Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa. Halos buong minuto kaming magkayakap. Hangang sa unti unti akong kumalas sa pagkakayakap. Nginitian ko si Laxus at tumalikod pero hinawakan niya ang kamay ko kaya tinignan ko siya.
"Mahal na mahal kita, Olivia. Magiingat ka" bilin niya.
It flatter me when he said he loves me. But it impossible to love someone that you just met. Pero tinanguan ko lang siya at saka linisan ang kwarto niya.
***

BINABASA MO ANG
The Bermuda Triangle
ФэнтезиSya si Olivia Watson. Walang pangarap sa buhay, hindi alam ang gusto. Pero dahil sa kasalanan nang kanyang magulang ay inako nya ang kanyang responsibilidad. Nalaman nya ang katotohanan dahil lang sa nga insedenteng nangyayari tuwing byernes trese...