The Bermuda: 18
***
Laxus's POVUmalis si Olivia sa aking kwarto nang tahimik. Nakita ko si Draco na nakatingin sa akin nang masama. Iniwas ko ang tingin ko sa pula niyang mata. Sinara ko ang pinto ng kwarto ko at naupo sa kama ko.
Lumipas ang ilang segundo ay masasabi kong wala na sila. Umalis na sila. Umalis na si Olivia.
Kung ako ang tatanungin ay ayaw ko siyang paalisin dahil delikado ang pupuntahan niya. Ang dagat ng demonyo. Walang nakakauwi pag may pumunta doon. Walang nakaalam kung bakit, paano at kailang namamatay o nawawala ang mga pumupunta doon.
Habang nakaupo ako sa kama ko ay may pumukaw ng pansin ko. May anino ng tao sa kwarto ko. Nagmumula sa nakabukas kong bintana na animo nakatingin sa akin ang taong iyon. Lumingon ako ngunit wala na akong nakita kundi ang berdeng gubat. Narinig ko ang pagbangga ng taong iyon sa upuan na nasa likod ng bahay. Tila naghahadali at ayaw magpakita kanino man. Napangiti ako. Hindi ka pa rin tumitigil. Tumayo ako at lumabas ng bahay. Tirik ang araw nang naglakad ako. Tinahak ko ang daan papunta sa dagat. Kung makakatulong ako ay gagawin ko. Kahit ang kapalit ay ang dangal ko.
Nang makapasok ako sa gubat ay pinagmasdan ko ang lupa at naghahanap ng mga patibong. Dito sa gubat namin, madaming patibong para sa mga hayop, mabangis man o maamo. Isa iyong uri ng patibong na natatakpan ng mga dahon. Isa iyong may kalaliman na balon na kapag nahulog ka ay siguradong patay ka dahil ang loob ng balon ay may madaming makakapal na kahoy na matulis.
May nakita akong dalawa, malapit sa akin ang isa at ang isa naman ay nasa harap ng malaking puno. Tahimik kong iniwasan ang mga patibong at tinahak ang gubat. Hanggang sa may nakita akong babae. Naglalakad ng mabilis at sinusundan sila Olivia. Pero tumigil siya 'di kalayuan sa akin pero sinigurado kong 'di nila ako makikita. Pinanood ko siya. Kinotrol niya ang ugat ng isa sa mga malalaking puno. Lumapit ang ugat kay Draco at agad ito pinaluputan. Nagulat si Draco kaya hindi agad siya nakagalaw. Lumapit ang babae kay Draco at saka nagsalita.
"I'll do every thing just to make sure that you will be mine" usal nito sa nakakaakit na paraan. Nagpumiglas si Draco pero lalong sumisikip ang ugat.
"Sino ka?! Anong ginagawa mo sa akin? Pakawalan mo ako!" Sigaw ni Draco.
"Ako ang magiging asawa mo. Ako si Princess Barbara. Ang nagiisang prinsesa ng moon acre" pagpapakilala ng Prinsesa.
"Pakawalan mo ako!" Sigaw ni Draco. Lumapit siya sa kanya at walang babalang hinalikan si Draco sa labi. Iniwas ni Draco ang muka niya at tinignan si Barbara ng masama.
Tumawa lang ang Prinsesa at lumapit kay Olivia na linamon ng gulat. Ngunit ako ang linamon ng pagkagulat nang biglang hinambalos ng ugat ni Barbara sa katawan si Olivia. At umangat ulit ang ugat at hinataw ng palo si Olivia ngunit agad siyang nakaiwas. Inulit ni Barbara ang paghampas at muling nakaiwas si Olivia. Nahulog ang pana at palaso niya sa lupa at nang sinubukan niyang kunin ito ay inilayo ito ni Barbara at napunta ito malapit sa akin. Kinumpas ni Olivia ang kamay niya at humampas kay Barbara ang isang alon ng tubig.
Kung hindi pa ako natalsikan ng tubig ay 'di ko mapapansin na hindi na ako humihinga. Para akong nanunuod ng labanan ng mga diyos. Tumayo si Barbara kasabay ang pag-angat ng ugat. Tila may sariling buhay ang ugat. Muling kinumpas ni Olivia ang kamay niya at lumutang sa kalapit na sapa ang makapal ng tubig. Pumorma dito ang tila kutsilyo, madaming kutsilyo at ang lahat ng iyon ay nakatutok kay Barbara.
"Impressive. Very precise. Tell me, who are you? Oh, I knew you already. The heir of Atlantis Kingdom." Usal ni Barbara at saka tumawa.
"Too bad dahil kailangan kitang patayin" dugtong niya.
"Ano bang kailangan mo sakin?" Tanong ni Olivia.
"Sa iyo, wala. Kay Draco, malaki."
"Can you remember the time when you bump me? I was about to kill you but I saw him, Draco. And after that, everyday I took a secret walk just to spy you and think how to kill you. He's so handsome and I'm gorgeous, that's why I deserves him." Aniya at saka tumawa. Tila isa siyang baliw. Kahit 'di ko maintindihan ang mga tinuran niya ay nag-ngit ngit ang mga ngipin ko dahil sa galit.
Nanatiling nakalutang ang ugat katabi ni Barbara. Biglang may umusbong na panibagong ugat sa likod ni Olivia ng hindi nito namamalayan. Napahawak ako ng mahigpit sa sanga ng punong pinagtataguan ko. Umiwas ka, Olivia.
"HWAG MO SIYANG SASAKTAN! KUNDI PAPATAYIN KITA!" sigaw ni Draco na pilit nagpupumiglas sa ugat na nakapalupot sa kaniya.
Liningon siya ni Barbara. Nakakunot ang maputi niyang noo habang nakamasid kay Draco. Lumapit siya kay Draco at hinawakan ang pula nitong buhok.
"We're explosive and everyone knows it and when we're together there's nothing better" nakangiting sambit niya.
Kinumpas ni Olivia ang kamay niya habang nakatalikod sa kaniya si Barbara. Lumipad ang kutsilyo papunta kay Barbara. Ngunit mabilis na humarap ito kay Olivia at kinontrol nito ang ugat na nakalutang. Parang wala lang na hinampas ng ugat ang mga kutsilyo sa ere at tumilampon ang mga ito. Mabilis na gumalaw ang mga ugat sa likod ni Olivia at inangat siya. Nakapalupot ang mga ugat sa leeg niya at nagsimula siyang mawalan ng hininga.
"Ahh! Pakawalan mo ako!" Hirap ng sigaw ni Olivia.
Tinignan ko ang pana at palaso na malapit sa akin. Dapat may gawin ako. Kailangan kong tumulong. Hindi pwedeng manuod lang ako. Humugot ako ng lakas at saka mabilis na dinampot ang pana. Ginawa ko ang tamang paghawak at paglagay ng palaso gaya ng turo ni Olivia. Napatingin sa akin ang dalawang babae. Si Draco na nawalan ng malay, si Olivia na naghihirap at ako na handang pumatay para sa kaligtasan ng mahal ko.
Kasabay ng pagbitaw ko ng palaso ay ang paghampas sa akin ng malaking ugat. Bumubulusok kay Barbara ang palaso habang ako ay napaatras sa lakas ng palo ng ugat. Ngunit 'di ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Natapakan ko ang isang patibong. Wala na akong magagawa dahil pahulog na ako. Hanggang dito na lang ba ako? Sa huling pagkakataon ay tinignan ko si Olivia. Hanggang sa nahulog ako sa butas. Naramdaman ko ang mabilis na pagtusok at pagtagos ng mga patusok na kahoy sa aking binti, tiyan, at dibdib. Binalot ako ng sakit at hapdi. Unti unting nanghina ang aking paghinga. Lumabo ang aking pandinig. At namanhid ang aking katawan. Tumulo ang luha ko sa hindi maigalaw na mga mata ko. Tuluyang nawala ang pandinig ko kasabay ang paglabo ng paningin ko. Wala nang hangin ang dumadaan sa lalamunan ko. Ngunit bago magdilim ang paningin ko ay naaninag ko si Olivia. Nakaluhod sa taas ng patibong. Umiiyak at tila sinisigaw ang aking pangalan. Hanggang tuluyang nawala sa aking paningin ang mundong minsang akin minahal kasabay ang huling salita na naibigkas ko "Olivia..."
***
BINABASA MO ANG
The Bermuda Triangle
FantasíaSya si Olivia Watson. Walang pangarap sa buhay, hindi alam ang gusto. Pero dahil sa kasalanan nang kanyang magulang ay inako nya ang kanyang responsibilidad. Nalaman nya ang katotohanan dahil lang sa nga insedenteng nangyayari tuwing byernes trese...